"Penge ako!" bumili kasi ako kanina ng buko juice tas itong lalakeng to, ayaw bumili ng kanya share nalang daw kami"Ang tipid mo naman sa date na to"
Padabog na binigay ko sa kanya yung buko at kumain nalang"Haha tampo? Bilhan kita ng coconut farm"
Yabang, mayaman na kasi eh. Bago kami umuwi sa manila... Gusto ko maklaro kung ano ba talaga kaming dalawa. Kasi diba? Sapilitan naman tong label namin
"Ano iniisip mo?" binaba ko ang kutsara ko bago tumingin ng diretso sa kanya
"Hmm t-tayong dalawa.. Ano- ano tayo?"
Kinagat ko ang lower lip ko dahil sa kinakabahan ako sa sagot niya.
"Tayo? Diba girlfriend kita?" sabay tawa niya sakin.
"No, what I mean.. Yes girlfriend mo ko para di mo kasuhan si Kuya diba? Pero-- ano yung argh nevermind" bumuntong hininga nalang ako
"Ano ka- wait" nagring kasi ang cellphone nito kaya tumayo si Leander para sagutin. Bwiset naman, hirap magconfirm ng label
_______________
"Hello?" sumilip ako kay Leanne. Kausap ko si Timothy
"Kung gusto mong magback-out sa pagpapabagsak ng mga Ramirez, too late. At nga pala, nasa hospital ang Papa ni Leanne.."
Bigla akong kinabahan, hindi para sa ama niya kundi para sa magiging reaction ni Leanne.
"Buhay pa wag kang mag-alala, bumalik kana dito ng maayos na lahat. Leander"
I should be happy, lahat umaayon sa plano, pero bakit parang biglang may mali.
"Ako na bahala" bumalik ako kay Leanne na tulala at namumutla
"Leanne, okay ka lang?" nangamba ako ng bigla siyang tumingin sakin at nagsimulang bumagsak ang luha
"S-si Daddy, nasa hospital" umikot ako at niyakap siya.
"Gusto mo bang umuwi ngayon?"
"W-wala tayong sasakyan--" hinawakan ko siya mukha at hinalikan sa labi
"Kaya kong gawan ng paraan. Now stop crying. Akong bahala"
Tinawagan ko si Robert para mahiram ang helicopter ng Kaibigan kong si Jasper.
Inalalayan ko siyang tumayo at bumalik kami sa hotel room. Tahimik lang ang pag-iyak niya. Dahil nagmamadali kami, nagpalit lang ako ng tshirt
"B-bakit ka may peklat sa tiyan?" natigilan ako sa sinabi niya. Bumama ang din ang tingin ko sa tiyan ko. Pasimple kong binilisan ang pagdadamit.
"Wala yan" tinulungan ko siyang mag-ayos ng gamit. Gusto ko sabihin na magiging okay lang ang lahat pero di ko magawa. Siguro dahil alam kong kasalanan ko.
____________Nagtataka ko dahil sobrang tahimik ni Leander, panay din ang hawak niya sa kamay ko tas bubuntong hininga
"May problema ka ba?" kailangan ko pa siyang tapikin dahil mukhang wala dito ang isip niya
"Ahmm nothing. Naiinip lang ako dahil ang tagal. Kailangan mo ng makapunta sa Daddy mo"
Tumawag din kasi kanina si Kuya sakin.. Mas kalmado nako ng slight kasi sinabihan niya ko sa sitwasyon ni Dad
Uupo sana ako ng biglang marinig namin ang tunog ng helicopter. Agad na hinatak ako ni Leander at inalalayang pumasok.
"Hi, i'm jasper. Ikaw ba girlfriend ng lalakeng to?"