Lock #2- Coffee

351 17 2
                                    

"Grabe ka makapagmura kahapon sa prisinto, parang di abugado ah"

"Alam mo kung gano kasama ang ugali ko pag-galit Robert"

"Yes, I know. Anyways nandito ako para sabihin sayo na, di ko pwedeng hawakan ang kaso ng mga Castro, ibigay mo nalang sa iba. Alam mo namang ayoko ng anumang konektado kay Faye"

Naiiling na umupo ako at tinignan siya ng nakakatawa

"Akala ko ba magaling ka? Dahil lang kay Faye, bahag agad buntot mo?"

"Alam mong mahal ko pa yung tao, dahil dito kaya kami nagkahiwalay" Faye Castro? Ex ng panget na to hahaha naghiwalay dahil si Robert ang humawak ng kaso ng kalabang panig

"Sabi ko nga din sayo, kung mahal ka talaga dapat alam niya kung anong klase ang trabaho mo"

"Nasasabi mo lang yan kasi wala ka pang siniseryoso. Maghintay ka, dadating din yang katapat mo" ngumisi lang ako kay Robert hanggang makalabas ito

"Katapat ko? that's not going to happen"

Tumayo ako at lumabas ng office, gusto kong magkape ngayon

"Cindy, cancel mo muna yung kay Ms. Sanchez ngayon. May lakad ako"

"Yes Sir"
______________

"So kamusta ang life natin kapatid?" Nandito kami ni Kuya sa Garden, nag-aayos pa sa loob ng dumating ako ng alas kwatro. Mas okay na din dito, di ko makikita agad sila Daddy

"Okay lang, ikaw? Sino yung nililigawan mo?" Naabutan ko kasi siyang may kausap at nag-uutos na bumili ng flowers at chocolates

"Papakilala ko nalang sayo next time, pero dun tayo sa family business, ayaw mo pa rin bang hawakan ang modeling agency natin, bagay ka dun" napairap ako sa sinabi niya

"Ayoko, pulis ako kuya. Kaya mo na yan"

"Alam mo namang ako na ang humahawak ng Hotels natin, pwede mo imodel yung mga baril hahaha"

Si Kuya yung stirkto, mayabang pero sweet pagdating sakin, sobrang protective din siya na nakakainis din minsan

"Natatandaan mo si Leander?" Napalingon siya sakin dahil sa tanong ko

"Leander? Yung ano ---"

"Oo siya, nakita ko siya kahapon" nailang naman ako sa klase ng titig sakin ni Kuya

"Pano ko di makakalimutan yon? E iniyakan mo"

Right, iniyakan ko ang scammer na yun dahil sa di niya pagpansin sakin, gumuho din bigla ang excitement ko noon dahil di ko nasabi ang gusto kong sabihin

"So,kumusta naman siya?"

"Atty. Na siya... Pero parang may iba na sakanya "

"You know Sis, hinahayaan kita ngayon dahil alam kong di ka gagawa ng makakasakit sayo. Pero isang tawag mo lang sakin, at sabihin mong nasasaktan ka? Alam mong gagawin ko ang lahat para sayo"

Nakangiting niyakap ko si Kuya, at hinalikan siya sa pisnge

"Me too Kuya, isang tawag mo lang" tumayo kami sa pagkaka-upo at naglakad papasok

"Leanne, gusto kong magsorry"

"Para saan?" Pero imbes na sumagot ay inakbayan niya ko papasok

"Tara na andyan na sila Mommy"

Nasa hapagkainan na kami at sobrang tahimik, a quite place yata napuntahan ko

"Kamusta ka Hija?" Napatingin ako kay Mommy

Love Lock (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon