Lock #14- Quarantine

372 19 11
                                    

"Sabi ng di ka pwedeng magtrabaho muna! Isa Leander babatukan na kita!"

Nilock ko ang pinto ng kwarto niya. Pag-akyat ko kasi nadatnan ko siyang nagpapalit ng damit.

Nang tanungin ko kung saan siya pupunta sa trabaho daw.

"Leanne, may mga kailangan akong tapusin sa office, and I'm fine na. Mawawala din tong lagnat"

Umiling ako sa kanya bago hinatak siya paupo sa kama

"Mataas pa lagnat mo! Wag kang pasaway"

Hinubad ko ang coat niya. Bubuksan ko na din sana yung long sleeves niya ng may marealize ako

"Kaya mo naman diba? Hala, magpalit ka. Walang lalabas ng bahay na to"

Tumalikod ako at hinalo halo ang sopas na dala ko.

"You can watch you know "

Napa-irap ako ng sabihin niya yon.
Kala naman niya sisilipan ko siya?

"No thanks. Bilisan mo diyan dahil lumalamig natong sopas oh!"

Pasimple akong lumingon, saktong mag-susuot ng tshirt si Leander kaya napatagal bigla yung tingin ko

"Enjoying the view Baby?"

Kulang nalang magkastiffneck ako sa biglang pag-iwas ko

"A-anong view? Tapos ka na ba? Kain mo na to" para akong kriminal na nahuli.

Tumayo ako at lumapit na sa kanya. Buti nalang tapos na siyang magpalit

"Hello Cindy?"

Nakinig ako sa usapan nila. Mukhang sa trabaho parin. Napahilot pa sa ulo si Leander.

"I can do it. Send me the files--- hey Leanne!"

Kinuha ko ang phone at ako ang nakipag-usap

"Hi Cindy. This is Leanne.. Yes! Ahm may lagnat si Leander. Di niya kayang magtrabaho. Salamat"

Pagkababa ng tawag ay agad kong kinuha pati laptop niya

"Walang lalabas ng bahay, walang magtratrabaho"

"Over reacting ka na Leanne. I'm *cough* okay.. A little cough but I can manage"

"No, dito lang tayo"

Kita ko kung pano natigilan si Leander at nakangiting tumingin sakin

"Admit it.. Gusto mo lang talaga kong makasama Baby"

"Ginagawa ko to kasi may sakit ka at girlfriend mo ko"

Well san nanggaling yon Leanne? Girlfriend? Isasapuso ko na. Tanggap ko ng may gusto pa ko kay Leander
___________

Nakatulog ako pagkatapos kong kumain at uminom ng gamot. Nakita ko si Leanne na nakahiga ang kalahating katawan sa kama ko.

Dahan dahan akong tumayo at binuhat siya para makahiga ng maayos sa kama bago ako bumaba.

Medyo mainit pa ko. Kumuha ako ng tubig na di malamig bago bumalik sa taas.

Umiinom ako habang pinapanuod maglilikot sa kama si Leanne

"Grabe tong babaeng to" binaba ko ang baso at agad na umakyat sa kama.

Tinulak ko ng konti si Leanne para makahiga ako ng maayos.

Ilang segundo palang akong nakakahiga, agad na pumatong sa dibdib ko ang braso niya.

"Tskkkk" okay lang sana kung braso lang kaso pati hita nasa binti ko din

Love Lock (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon