Lock #8- Mommy and Daddy

447 19 8
                                    

"So, wala dito si Leander at nasa date?" Kanina pa ko natataranta dahil nasa baba ng office si Faye

"Yes Sir Robert, bakit ka ba namumutla?" Bigla kong nakuha ang magazine at tinakip sa mukha ko ng makita kong papunta dito si Faye

"Ahh kaya pala, tsk hiwalay naman na kayo pero kung umasta parang crush niya lang yung paparating" sinenyasan kong tumahimik siya

"Hi, is Mr. Romualdez here?" halos manigas ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman kong nasa tabi ko lang si Faye

"Sorry Ma'am, but Mr. Romualdez is not here today, but---- Mr. Santiago is here" tinignan ko ng masama si Cindy, dahan dahan kong binaba ang magazine

"Ahm I think, babalik nalang ako"

"No, Ms. Castro, Mr. Romualdez is busy that's why if you have any questions then I'm here" nagtitigan kami bago ito umabante at tumapat sakin

"Then, Let's talk Mr. Santiago" tinuro ko ang office ko at pina-una siyang pumasok, nagsign of the cross bago pumasok
______________

"Okay, kakain na tayo kids" hinatak ko si Leander para tumulong sa pag-asikaso sa mga bata, kanina pa ito nakasimangot e

"Isa pag di ka talaga umayos, di nako makikipag-usap sayo" bigla itong nagkusa na hawakan ang isang bata at pinaupo sa hapagkainan

Nang lahat ay nakaupo na, nagdasal kami bilang pasasalamat sa taas. Nagsimula ng kumain ang lahat pero inasikaso ko ang mga maliliit para makakain sila

"Kuya, paabot po" napatingin naman ako kay Leander na hinihingan ni Sam

"Ito? Okay madami?" Dahil don ay nagpalagay din ang ibang bata ng ulam kay Leander kaya pinanuod ko sila

"Nako Hija, napakabait ng Nobyo mo"

"Ah Sister, di ko po siya Nobyo" tumingin ako ulit kay Leander bago umupo at kumain

"Pero sa nakikita ko, para namang gusto niyo ang isa't-isa, sige kain na. Mga bata umayos kayo"

Tahimik na kumakain ako ng biglang may naglagay ng ulam sa pinggan ko

"Damihan mo ang kain, ang payat mo"
______________

Pagkatapos kong malagyan ng mga ulam ang mga humihingi ay napatingin ako sa pinggan ni Leanne, ang konti ng laman kaya dinagdagan ko

"Di ako payat, malaki ka lang na tao"

"Walang koneksyon yon, ubusin mo yan, masamang sinasayang ang grasya" inirapan niya ako bago kumain ulit kaya kumain nalang din ako

Busog na busog kaming lahat, nagsi-alisan na ang mga bata kaya kami nalang ang natira para ligpitin ang mga pinagkainan

"Nako, Leander at Leanne, kami na samahan niyo nalang ang mga bata doon"

"Nako Sister, okay lang tutulong kami" inagaw kay Leanne ni Sister ang mga pinggan na hawak nito

"Sige na, kami na. Magkipaglaro nalang muna kayo doon" binitawan ko ang hawak kong baso at lumapit kay Leanne

"Sige po Sister, dun na po kami" hinila ko si Leanne papunta sa mga bata

"Grabe, wala manlang pagpabebe Leander? Agad kang oo?"

"Wala ka namang magagawa dahil halatang ayaw talaga tayong patulungin, so sundin nalang natin sila"

"Ate Leanne at Kuya Leander, sali po kayo"

"Oo nga po, laro tayo" Umupo ako para magkapantay kami ni Sam at Erik

"Ano bang laro yan?"

"Bahay bahayan po. Ayaw po namin ng laro nila kaya ikaw po tatay namin at ikaw ate ang nanay namin ni Erik" Napatayo ako bigla sa sinabi nila at tumingin kay Leanne

Love Lock (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon