"Ah Ma'am, may dumating pong sulat para sa inyo"
Agad kong kinuha at binuksan ang sobre, invitation para sa High school reunion namin
"SPO1 Ramirez" agad kong binulsa ang sobre at nagsalute kay Chief
"May ibibigay ako sa inyong mission" pagkasabi nito ay agad itong lumakad, sumunod ako kasama sila Dela Rama at Porton
Pumasok kami sa office niya at doon nakita namin ang maraming folders
"Ito ang ilan lang complains na natanggap kaninang umaga tungkol sa isang scammer"
"Wow ilan palang yan?" Sinenyasan ko namang tumahimik si Porton
"Yes, nakatanggap din kami ng tip kung saan laging naroon ang suspect, dahil kayong tatlo lang ang available ngayon, sa inyo ko ito ibibigay. I'm counting on you guys"
Nagkatinginan kaming tatlo bago masayang ngumiti at nagsalute, pagkalabas namin ay agad naming plinano kung paano huhuliin ang suspect
"Basta ako ng bahala pag nanlaban" umirap nalang, nagyabang na naman si Porton
__________Busy namang inaayos ni Leander ang gamit niya dahil may imemeet siyang client
"Ang gwapo mo talaga Leander" sabay kindat ko sa salamin, inayos niya ang kwelyo dahil parang tabinge
"Ah Sir, Tumawag po yung client nandon na daw po siya" napatingin naman ako sa relos ko
"Ang aga naman niya, alas onse ang usapan namin ah"
"Eh sir, di ko din po alam tyaka eto pala, dumating kanina Sir. Sige po balik na ko sa table ko" tumango ako pagkakuha ko ng sobre
"Oh, High school reunion? Naks, may kabatch pala ako hahaha"
Nilagay ko sa desk ko ang sobre, sa susunod na araw pa naman yun e, nang maayos na lahat ay lumabas na ko ng office ko at dumiretso sa kotse
"Sir! Ingat po" ngumiti lang ako sa Guard at pinaandar na ang kotse
____________"Ramirez, sigurado ka bang dito yun?" Kanina ko pa gustong batukan si Dela Rama, ang ingay ingay
"Oo nga sabi, pag ako nainis ikaw una kong patatahimikin"
Nasa isang kainan kaming tatlo, pero magkakahiwalay, dito daw may laging nakatambay ang suspect kaya nakapwesto ako malapit sa may pintuan
"May paparating" nang marinig ko yun sa earpiece ay agad akong tumingin sa pintuan
Pumasok ang isang foreigner, umupo ito malapit kay Porton, kahinahinala ito dahil panay ang tingin sa paligid
"May hinihintay siya" nagkunwari akong naghahanap ng waiter pero ang totoo tinitignan ko lang kung saan siya pwedeng tumakbo if ever lang naman makakawala siya samin
"Approaching" may dumaan sa gilid ko na isang Matangkad na Lalake, malaki ang katawan, halatang nag-ggym
Pinagmasdan namin sila habang may nilalabas na papeles, nang mag ok sign si Porton ay agad naming sinunggaban ang dalawa at pinusasan
"What the fuck is this?"
Nang may makita akong isang lalakeng tumatakbo papalabas ay agad ko itong hinabol, nilabas ko ang hawak na baril habang tumatakbo
"Hinto!" Ngumiti lang sakin ang gago at diretso lang ang takbo, nang lumiko kami ay dun ko nakita na dead end na
"Sumuko ka nalang" Sabay tutok ko ng baril
"Bakit ko naman gagawin yon?" Iniinis ako ng gagong to ah
"Sabihin nalang natin na pwede kitang barilin dito mismo, wala pa namang tao oh"