Nakakatawa dahil after ni Leander ako naman bigla ang nilagnat
"Wala, wala akong sakit!" kanina ko pa sinasabi yan habang pinipilit na di pumikit.
Nasa apartment ako ngayon. Umuwi ako ng mawala na talaga lagnat niya at kahapon lang yon. 2 days din akong tumambay sa bahay niya
*knock knock*
Nakabalot ang kumot sakin na tumayo ako at lumabas ng kwarto ko.
Sino naman mambubulabog sakin ng ganitong oras? 6am palang naman.
"Good Morning!" hinalikan niya ko agad-smack lang! Bitin joke! pumasok nalang bigla sa loob si Leander at pumunta sa kusina.
"Ginagawa mo dito?" sinara ko ang pinto at sumunod sa kanya
"Magpapasalamat sa pag-aalaga mo sakin. Wait, may sakit ka?" pinatong niya sa noo ko ang kamay niya
"Your hot"
"Alam ko na yon" pinitik niya noo ko bago inalalayang pumasok sa kwarto ko
"Hot kasi nilalagnat ka. Just stay here, ako na bahala"
__________Nagluluto ako sa kusina niya ng lugaw, yan lang kaya ko ngayon.
Biglang tumawag si Timothy
"Hello?" tumingin muna ko kung nasa labas si Leanne
"Nakuha ko na , May 40% na ang hawak mong shares sa company nila Leanne. "
"Yung sa agency?"
"Okay na din, baka this week mapasayo nadin yon"
Dapat matuwa ako, nangyayari na lahat pero biglang pumasok sa isip ko si Leanne.
"Leander?" napalingon ako kay Leanne na namumungay ang mata dahil sa lagnat
"Timothy, tawagan kita ulit" pinatay ko ang tawag at sinalubong siya
"Bakit ka bumagon?" nagulat ako ng yumakap siya sakin
"Mas komportable ako dito, tyaka nagugutom ako" lumapit ako sa niluluto ko na nakayakap parin siya sakin
"Lugaw lang to. Umupo ka don"
Inalis ko muna sa isip ko ang sinabi ni Timothy, may kailangan akong alagaan..
"San mo nalaman na nandito ako?"
Nagsandok ako ng lugaw at dahan dahang inihain yon sa harapan niya.
"Pumunta ko ng station kanina para san ibalik yung naiwan mong damit, kaso sabi naka leave ka. Tyaka bahay mo to, malamang pupuntahan ko"
Inirapan niya ko bago ngumanga ng subuan ko siya
"mainit?" kumuha ako ng tubig at pinainom siya
"Alam mo, di ako sanay na mabait ka ng ganito haha" hinipan ko ang lugaw na nasa kutsara bago sinubo sa kanya ulit
"Bakit, bawal bang magbago? Tyaka mabait naman talaga ako"
"Hmm siguro nung highschool, pero mula ng magkita tayo ulit parang may tinatagong galit ka sakin. Eh dapat ako magalit sayo!"
Pinunasan ko ang bibig niya, parang lasing tong babaeng to
"Bakit ka naman galit?"
"Di mo ko pinansin nung highschool bago mag-graduation! Di ka dumating sa library"
Tumigil ako sa paghalo ng lugaw
"May sasabihin sana ako sayo e, alam mo bang kabado pa ko.. Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko pero walang Leander na dumating"