Nagising ako na nakahiga sa ka, mula dun ay natatamaan ako ng sikat ng araw na galing sa nakabukas na pintuan at may lumilipad pang kurtina, rinig ko ang alon ng dagat bukod don wala na.Bumangon ako at nilibot ng tingin sa buong kwarto, mula sa kulay, mga furnitures halatang lalake ang may-ari nito. Lumabas ako ng kwarto at sobrang tahimik ng bahay, may nadinig akong parang nahulog kaya agad kong pinuntahan yon
"You're awake, Let's eat" topless na naghahanda ng breakfast si Leander at parang wala lang na nakatingin ako sa kanya ng masama
"Babe, you can have me for dessert" bastos ng lalakeng to. Umupo ako at di siya pinansin. Naglagay siya ng fried rice, sunny side up at hotdog sa plate ko.
"Alam kong galit ka pero mamaya pwede mo kong suntukin basta kumain ka muna"
Walang nagsasalita samin habang kumakain kami pareho. After kong kumain ay pinanuod ko siyang magligpit.
"Nasan tayo Leander?"
"Somewhere?" tumayo ako at ianagaw sa kanya ang hawak na baso
"Sagutin mo ko ng maayos, bakit mo ko kinuha? nasan tayo? anong pakulo to?!" naibato ko ang baso sa sobrang gigil sa kanya. Nagulat ako ng buhatin niya ko paalis sa kusina
"Stay here, lilinisin ko lang yung bubog then mag-uusap tayo" kalmadong sabi niya sakin bago ako iwan sa sala. Napahawak ako sa ulo ng maalalang kasabwat si Kuya Chad dito at ang dalawang tukmol
________________________
Umakyat ako sa kwarto ng di ko makita si Leanne sa sala, pero wala din siya dito kaya lumabas ako sa balcony ng kwarto. Mula don kitang kita ang malawak na dagat, maputing buhangin at mga magandang puno. Nasa private island kami na pag mamay-ari ko.
Napatingin ako sa isang tao na naka upo sa ilalim ng puno ng niyog.
"there you are" dali dali akong bumaba. Lakad takbo ang ginawa ko ngunit ng maalala kong sa bungin naka-upo si Leanne ay bumalik ako sa loob at kumuha ng pwedeng pangsapin. Sarong ang una kong nakita kaya yun ang hinablot ko bago tumakbo papunta kay Leanne
"mainit, dito ka umupo" kita ko ang gulat niya sa biglang pagsulpot ko. Di naman siya nakipagtalo at hinayaan lang ako
"Salamat" umupo ako sa tabi niya
"ang tahimik dito"
"dahil private to, tayo lang ang nandito" umusod ako sa kanya at tinanggal ang dahon na nasa buhok niya
"Planado talaga ah, anong name nitong island na to?" tumagilid ako para makita ang mukha maganda niyang mukha
"Mea Louize" napangiti ako sa reaction niya, second name niya kasi ang Louize
"B-bakit Name ko? Leander, ano ba to?"
"Binili ko ng iniisip ka, kaya name mo ang pangalan. Leanne, tama na tayo sa taguan at takbuhan. Pag-usapan natin ang nararamdaman natin sa isa't-isa"
tumayo siya at humarap sakin. nandon na naman iyong kagustuhan kong halikan siya pagnakatingin siya sakin ng ganyan
"Walang tayo, tapos na yung kalokohan mong sinakyan ko"
"Mahal mo ko" nag-iwas siya ng tingin sakin, alam kong pinipigilan lang na naman niya ang nararamdaman niya
" Leanne, before I left. I told you that I love you.."
"Di pwede, alam mong madaming atraso sayo ang pamilya ko. Ano? kakalimutan mo nlang dahil sa mahal mo ko? di ba kaya ka nga bumalik para maghiganti?" huminga ako ng malalim
"Matagal ko ng kinalimutan kung yan ang paraan para makasama kita, mahalikan kita, mayakap kita--OO kakalimutan ko lahat kasi mahal kita" after said that, iniwan ko siya don at pumasok sa bahay. I need to calm down.
__________________________
6:30 pm na pero di parin lumalabas ng kwarto si Leander, nakapagsaing na ko at nagluto ng wala akong maisip na gawin. after niyang umalis kanina natulala ako sa mga sinabi niya. Di niya ko kinausap ng lunch kanina
Mahal ko siya hayop, matagal na! naguguilty lang talaga ako sa mga pinagagawa ni Daddy sa kanya noon, I think kasi isa sa dahilan kung bakit nag-iba siya ay dahil don.
Nakarining akon ng yabag pababa kaya agad akong tumayo at hinintay siyang pumunta ng kusina, napahinto pa si Leander ng makita ako don at sabay tingin sa lamesa
"dinner" yun lang ang sinabi ko at umupo na. Magkaharap kami sa table, Sinigang na bangus ang niluto ko dahil yun ang una kong nakita sa ref niya dito.
Tahimik na naman kaming dalawa, kasalanan ko na naman to. Sabay kaming natapos, akmang lilinisin na naman nito ang table ng pigilan ko siya
"A-ako na" walang salita na umalis siya at napabuntong hininga ako don.
Nakarinig ako ng music ng paakyat ako sa kwarto, magpapalit sana ako ng maalala kong wala akong nadalang damit kaya sa kwarto ako ni Leander dumiretso. Kumatok ako at ilang sandali lang ay bumakas iyon
"May kailangan ka?" napalip bite ako sa grabe niyang makatingin
"A-ano, tatanong ko lang kung may damit ba ko dito?" kasi diba, siya naman kumuha sakin
"Yes, nasa kwarto mo. Do you need me to get it for you?" agad akong umiling at hinawakan siya sa balikat ng akmang aalis ito
"No, ako na wait umiinom ka ba?" amoy alak kasi siya. Sumilip ako sa kwarto niya
"Pampatulog lang, gusto mo bang uminom?" gusto ko ba?
"mas maganda sa kwarto mo, may balcony" una akong pumasok sa kwarto ko at dumiresto sa balcony, sumunod naman ilang sandali si Leadner na may dalang wine at dalawang red wine glass
Nagsalin siya at inabot sakin ang baso. Maririnig mo lang sa lugar ang tunog ng alon at music na galing sa kwarto ni Leander na halatang nilakasan ang volume para marinig hanggag dito. One More Chance ang tumutugtog.
Naalala ko yung sinabi niya kanina. Alam kong nagtatampo siya sakin. Nakakadalawang baso na ko ng may kamay na nakalahad sakin
"Dance?" tinanggap ko iyon, nilagay niya ang braso ko sa batok niya at sa bewang ko naman ang kamay niya
I won't deny it I know that I've done wrong
But you have to admit it
This love is just too strong
To just fade away into the night
Without putting up a fight
We can make it all alright
If we just give it on more try__________________________________
What must I do to make you want to stay
And take the hurt away
And leave it all to yesterday?
What can I say to make you change your mind?
To have the chance to turn the hands of time
Back to the days when you were mine
Just give me one more chance for one last timeNakapikit ako habang sinasayaw siya, bukas baka magsagutan na naman kami. Susulitin ko muna ngayon tas gagawan ko na naman ng paraan para magbago isip niya
Di ako mahilig sa mga ganitong music pero ng marinig ko to, tinamaan ako sa lyrics. Humigpit ang yakap ko sa kanya, tinapat ko ang bibig ko sa tenga niya at sinabayan ang kanta.
"di ba pwedeng isipin mo yung tayo... Leanne andito ako at hinahayaan ang sarili kong maging malaya sa nakaraan para mahalin ka. Sana magawa mo din iyon" bago pa mabasag ang boses ko ay humiwalay na ko sa kanya, ayokong makita niyang umiiyak ako.
"Leander...." pilit na ngumiti ako sa kanya
"tulog kana, gagala kita bukas----" di ko natuloy ang sasabihin ko ng maramdaman ko ang labi niya sakin.
"I love you" Nakita ko kung pano pumatak ang luha niya habang hinahalikan ako, gumanti ako ng halik bilang sagot
__________________
END OF CHAPTER TWENTY SEVEN