Napagpasyahan naming maligo nalang, tutal 4pm na din, di na mainit. Nauna si Leander na magpalit ng panligo.
"laway mo" charr yabang nito, wala namang abs
"ha, walang kalaway-laway sayo" pumasok ako ng cr ng di siya pinapansin
Inabot lang ako ng ilang minuto at agad akong lumabas para makita ang reaksyon ng lalakeng yon, tyaka hello sexy naman ako kaya walang dapat itago
"Leander! yung laway mo tumutulo!" nagbibiro lang naman ako, pero uto uto ito at nagpahid talaga ng bibig.
"Di ka lalabas ng naka two piece, Change!"
"para kang sira, wala na kong dala na pampaligo bukod sa mga two piece na nasa bag ko, ang KJ mo ha" ngumiti ako at kunwari di ako affected sa tingin niya sakin.
"you change or no swimming for you?" napa-irap naman ako sa sinabi niya
"Ano ako---bata? Leander ha, umayos ka"
Nagsuot ako ng maong shorts at kinuha ko yung black tshirt na suot ni Leander kanina, mas okay kasi kung maluwag na tshirt ang susuotin ko para mas mabilis mahubad mamaya
"Ano? wag mong sabihin na mag-aala conservative boyfriend ka diyan? hello mag aalas singko na po tara na"
hinila ko siya palabas ng room namin, agad kong naramdaman ang kamay niya sa bewang ko
"wag kang lalayo sa tabi ko, ayokong makasuntok na naman pag may nagtangkang landiin ka"
____________________
Pinipilit kong kumalma sa tuwing may titingin kay Leanne, parang bad idea na nagbeach kami, dapat pala sa bahay ko nalang kami nagspend ng time.
"nakasuot ka pa rin ng tshirt ko pero kung makatingin ang iba sayo parang wala kanang damit, next time, sabihin mo sakin na ibili ka ng isang dosenag rash guard"
"Kalma lang, tyaka hanggang tingin lang sila.. di mo naman hahayaang may makalapit sakin diba?"
Hindi talaga, baka makapatay na talaga ako non. Kinuha ko ang twalyang dala ko at pinatong sa legs niya
"tara na ligo na tayo" huhubadin na sana ni Leanne yung tshirt ko ng hawakan ko din ang laylayan ng damit niya at hinila pababa
"No! maliligo kang suot yan, I swear pag hinubad mo yan bubuhatin kita pabalik ng hotel room natin"
Tinaasan niya lang ako ng kilay, aba akala niya siguro di ako seryoso.
"Sa hotel room lang tayo tapos sisiguraduhin kong mamaga yang lips mo Leanne, try me"
"o-------kay po tatay" sabay takbo nito sa dagat
_____________Kanina pa galit na galit si Daddy dahil sa pagkakabili ng ibang shares sa company
"Dad, ikaw parin naman ang major stockholder"
"I don't care, alam kong may gustong pabagsakin ako at hindi ako papayag Chad!"
Nagreply muna ako kay Kate bago tinago ang phone ko.
"Hanapin mo kung sino man yang gustong umagaw ng company natin Chad.. Ikaw din ang mawawalan"
Napabuntong hininga nalang ako ng umalis si Daddy sa office ko
"Leanne should know this"
Nakaka-ilang dial nako pero ring lang ng ring
"Nasan kaya to?"
Nasa malalim akong pag-iisip ng may kumatok, pumasok si Vina ang secretary ko
"Sir, may naghahanap po sa inyo"
"Sige, papasukin mo"
Umupo ako at hinihintay ang bisita ko, pero napatayo lang din ako agad ng makita ko si Kate
"Woah! Bakit ka nandito? I mean-- di naman sa ayaw ko pero"
"Just want to visit you.. Sabi mo sakin ipapakilala mo sarili mo ng maayos diba?"
Tang-ina, mas kabado pa ko na nandito si Kate kaysa kay Daddy na galit na galit kanina.
___________"Leander!" kanina pa siya sa ilalim ng tubig.
Shit, marunong naman yon lumangoy diba? Pilit ko siyang hinahanap pero di ako makadilat sa alat ng tubig
"Hayp, pag ikaw di pa umahon makikipaglandian ako sa iba!"
Wala paring Leander, putek na lalake to. Naiiyak na ko sa kaba, pano kung kinain siya ng pateng?!
Lalangoy na sana ako humingi ng tulong ng biglang may humila sa paa ko
"Ahhhhhh!!!! Putang!" nagsisipa ako para makaahon pero may yumakap sakin na mga braso at sabay kaming umahon
"Hahaha" hinihingal na inalis ko ang tubig sa mukha ko bago ko sinaapak si Leander
"Ouch!"
"Gago ka! Alam mo ba yung kaba ko! Ha?! Tapos mananakot ka ng ganito, bwiset k-ka"
Nagcrack ang boses ko dahil naiiyak na ko.
"I'm sorry, sorry na talaga" niyakap niya ko, pinilupot ko ang mga hita ko sa bewang niya sa ilalim ng tubig. Nakakapagod lumangoy no.
"wag mo ng uulitin yon, kung gusto mo mamatay ako nalang malulunod sayo"
May ibang napapatingin samin pero wala nakong pake, yung kaba ko nandon padin.
"Baby, I'm sorry na. Ahon na tayo?"
Umiling ako, nag-eenjoy ako sa pagyakap sa kanya
"Hintayin natin mag 6pm"
"Pero baka magkasakit ka"
"Di yan, pambawi mo sakin"
Di na sumagot si Leander , pero pumunta kami sa medyo mababaw, yung nakakatapak na kami sa buhangin.
Ayoko ibaba yung hita ko, para na kong bata na nakalambitin sa tatay hahaha
"Di ka pa gutom?" hinahalik halikan ni Leander ang ulo ko.
"Hindi pa" bigla akong naging clingy sa kanya. Nakakaba talaga kasi yung akala ko nalunod na siya. Di ko pa nasasabi sa kanya nararamdaman ko e.
"Leanne, may mga bagay akong nagawa na sana mapatawad mo ko"
Nalilitong tumingin ako sa kanya. Halata ang lungkot sa mga mata niya
"Ano naman yon?"
Imbes na sagutin ako ay hinalikan ko sa ilong
"Nothing, ang bigat mo pala" naiinis na kinurot ko siya
"Edi ibaba mo ko!" aalis na sana ako pero siya na mismo humawak sa hita ko para di ako makababa
"Joke lang! Tyaka masaya akong clingy ka sakin ngayon. Baka bukas wala na tong mood mo no"
"Talaga, once a year lang to"
Nanatili kami sa ganong pwesto hanggang mangalay na ko
"Tara na, ahon na tayo" akala ko ibaba niya ko pero ang lalakeng to karga pa din na umahon kami.
Nahihiya ako sa mga ibang napapatingin samin
"My baby is shy hahaha" binaba niya ko sa buhangin at nagmamadaling kinuha ang twalya
"Here, baka lamigin kana" pinulupot niya sakin yon kahit na may tshirt pa ko at shorts
"Leander" pagkalingon niya agad ko siyang hinalikan.
"Yung utang ko. Bayad na ko ha?" nilagpasan ko siya, naestatwa na yata yung lalakeng yon.Shit, ang landi mo Leanne! Pero at least sa lalakeng mahal ko lang ako ganyan--- kay Boyfriend yieeee!
________________
END OF CHAPTER 17
