3 days, ganyan na katagal mula ng phone call ni Leander, nakalabas na din si Dad dahil bumuti na ang lagay niya. Problema lang namin yung company at ibang ari-arian na nakuha din pala
"Ma'am, kanina ka pa tulala"
"Oo nga Ma'am, iniisip mo ba si Atty.?"Bumalik na din ako sa trabaho kaya nandito na naman tong maiingay na to.
"Pag di nagparamdam sayo ng ilang araw ano ibigsabihin non?"
Nagkatinginan si Porton at Dela Rama, bakit ko ba tinatanong tong dalawang to?
"Ghost ma'am, ganyan tawag nila don. Bakit ma'am, iniwan ka ni Atty.?!"
"Wala ko sa mood. Lumayo layo kayo sakin baka kayo mabugbog ko"
Nakakainis, kung kailan sinabing mahal ako, dun naman biglang nawala. Pinuntuhan ko siya sa law firm niya pero wala doon, pati sa bahay niya walang tao.
"Ma'am Ramirez, may naghahanap sa inyo"
Napatingin ako sa may entrance ng prisinto, nakatayo don si Cindy. Kumaway siya sakin.
Lumapit ako sa kanya.
"Hi, nandito ako para ibigay to sayo" hinawakan ko yung folder pero di ko binuksan
"Di mo babasahin?"
"Nasan si Leander?" Kita ko kung pano naglikot ang mata ni Cindy. So tinataguan ba ko ni Leander?
"Di ko alam. Pero pinapabigay niya yan. Nandyan lahat ng mga bagay na tinago niya sayo"
Bumuntong hininga ako bago tumingin ulit kay Cindy
"Pakisabi sa kanya, kung aalis din naman pala siya, wag nalang siyang bumalik"
Tumalikod na ko, nabwibwiset ako lalo.
"Mahal ka niya.. Leanne, lahat ng ginawa ni Leander may rason at sigurado ako na mahal ka niya"
Di na ko lumingon pa at dirediretso nalang akong pumasok sa loob.
Binagsak ko ang folder sa desk ko. Ang galing, mawawala siya tas papapuntahin dito yung secretary?!
Nagring ang phone ko, si Sam.
"Problema mo?"
"Ay galit? Di ka ba nadiligan?" -sam
"Gago ka, ano nga?""Well, nabalitaan ko lang na umalis na pala ng bansa yang boyfriend mo"- Sam
Napatigilan ako sa sinabi niya.
"U-umalis? san mo naman nalaman yan?"
"Sis, nanunuod ako ng news ngayon. Nakita kasi siyang kasama yung isang sikat na model sa France"Nanikip ang dibdib ko sa sinabi ni Sam, pero pinilit kong kumalma
"Ah yun ba? Sinabi niya sakin. Sige Sam, may trabaho pa ko. Chika later"
Pagkababang pagkababa ng tawag ay naitakip ko sa bibig ang kamay ko. No, di ka iiyak Leanne hindi!
_____________"Mr. Chad Ramirez, kailan ka babalik sa company?" Nagtataka ako sa sinabi ni Mr. Hontiveroz
"What do you mean?" Nginitian niya ako bago tinapik tapik sa balikat
"Sabi nila nasa bakasyon ka kaya si Mr. Timothy ang naghandle. Mas lumakas nga ang kita natin, sige see you sa next board meeting"
"Sure Sir" nagtataka pa din ako, bakit parang wala silang alam na hindi na namin hawak ang company na to.
Pumunta ko dito para sana kunin ang gamit ko pero, mukhang may kailangan akong malaman.
Nilabas ko ang phone ko at tinawagan ang kaibigan kong detective.
"Bro, kailangan ko ng expertise mo"
_____________"Ma'am Ramirez, out mo na diba?"
Umiling ako sa kanila, wala kong sigla umuwi, maaalala ko lang mga pag-aalaga sakin ni Leander don.
"Sige ikaw bahala, una na ko" si Porton yon, si Dela Rama ewan kung nasaan.
Habang nagkatunganga sa table ko, biglang nahagip ng paningin ko ang envelope na binigay sakin ni Cindy
"Buksan ko na ba?" Pero bago ko pa mabuksan ay tinawag ako ni Chief
"Sama ka muna sa ronda Ramirez"
"Okay Sir" sinama ko sa mga folders don ang envelope. bukas ko nalang babasahin.
________________"Ate Kate, kamusta siya?"
"Bumalik sa work niya" nasa balcony ako ng hotel kung saan may party at kasama ko ang kaibigan kong model
"Alam na ba niya?"
"I think hindi pa. Wala pang sumusugod sa boutique eh. Ikaw? Bakit di nalang kasi ikaw dito?!"
Bumuntong hininga ako, naramdaman kong may humawak sakin
"What are you doing here?" Sumenyas ako ng wait at bumalik sa kausap ko
"Babalik ako pag oras na, sige na ate salamat"
Inayos ko ang suit ko bago bumaling kay Denise, isang fil-am na model.
"Is that Kate?" Tumango ako sa kanya.
"Why don't you call her?"
"Ate Kate? I just finished talking to her"
"No, I mean.. Leanne. The woman that you love" gusto ko, gusto kong tawagan pero kailangan kong tiisin na hindi.
___________Nasa bahay na ko, nakatulala sa kisame. Ayoko humiga sa kama ko dahil nandon lahat ng kalandian ko kasama si Leander.
Yung bwiset na yon! Ano bang ginawa ko para umalis siya? For the second time umalis na naman siya ng walang sinasabi.. Ay meron pala--- I love you lang.
"Nakakatawa, umiiyak na naman ako dahil sayo"
Napatingin ako wallpaper ng phone ko, kaming dalawa yon habang nakaback-hug siya sakin.
"Gago ka Leander, sobrang gago ka"
Nakarinig ako ng katok sa pintuan, nagmamadaling nagpunas ako ng luha bago binuksan ang pintuan.
"Hi Sis-- wait umiiyak ka ba?"
"Hindi, napuwing lang ako, bakit ka lala nandito?"
Tinaas niya sa kamay ang isang plastic ng take out sa isang resto.
"Kain tayo" pinapasok ko siya sa loob. Sobrang lungkot ko kanina kaya masaya akong nandito si Kuya
"Kuya, thank you" tinignan niya ko ng kakaiba, tumigil din siya sa pag-aayos ng pagkain at lumapit sakin
"Para san? Sa food ? Okay lang yan. Hahahaha mayaman pa tayo. Pero alam ko namang iba ang dahilan ng pag-iyak mo at thank you mo"
Humigpit ang yakap ko sa kanya.
"Sabi ko diba, Tawagan mo ko pag may problema ka? "
"Kuya k-kaya ko p-pa naman"
Inalis niya ang ulo ko sa pagkakadikit sa dibdib niya.
"Kahit kaya mo pa, sabihin mo sakin. Wag mong hahayaan na ubos na ubos kana bago ka humingi ng tulong"
Kumain kaming dalawa na puro kwento si Kuya at patawa ng patawa sakin. Kahit sandali nakalimutan kong malungkot ako.
Nakauwi na si Kuya pero nandito parin ako at gising na gising. Tulala akong nakatingin sa tv kahit na wala namang palabas.
*ring ring*
Unknown ang tumatawag. Pero wala yata ko sa tamang pag-iisip dahil sinagot ko padin.
"Hello?" Walang sumasagot
"Kung prank call to, gago ka" ilalayo ko na sana sa tenga ko ng may marinig akong nagsalita pero mahina lang
"tu me manques mon amour"
Ano daw? Di ko magets.. Namatay ang tawag after non. Baka prank call lang talaga.
______________END OF CHAPTER 21