"Eat Leanne" tinititigan niya lang kasi yung pagkain. Alam kong nag-aalala siya sa Ama nito pero ayoko namang di siya magkakain
"Sorry, nakakatakot lang pala na anytime pwede mawala ang magulang mo. Kahit naman controlling si Dad, ayoko mawala siya"
Binaba ko ang hawak kong baso at sumandal sa upuan habang pinagmamasdan siya. Gusto ko sabihin mga ginawa ng tatay niya sakin pero di yon makakatulong sa sitwasyon. Kung siguro nangyari to noon, baka ako pa unang tumatawa sa pagkahospital ng Tatay niya.
May narealize ako kanina at iyon ay mahal ko pa rin talaga siya. Anong dapat kong gawin? Alam kong magagalit siya sakin pag nalaman niya lahat.
*ring*
Napatingin kaming dalawa sa cellphone ko na nagring na naman. Robert has been calling me kanina pa pero di ko masagot dahil gusto kong alagaan muna si Leanne.
"Sagutin mo na, baka importante" kinuha ko ang cellphone ko bago humalik sa noo niya
"Dito ka lang, madali lang to"
_____________Kanina pa ko naghihitay kay Leander, tatayo na sana ako para puntahan siya ng makita ko si Ate Kate na papalapit sakin
"Sorry, hinihintay ko pa kasi si Leander" inabot ko sa kanya yung tubig na binili kanina
"Okay lang. Nasa loob ng kwarto sila Mama at Kuya mo kaya bumaba muna ako"
Umupo kami ulit, panay sulyap ko sa lugar na pinuntahan ni Leander. Ang tagal naman.
"Musta kayo ng pinsan ko?"
"Hmmm okay naman kami" okay naman kami di lang klaro yung label
"Mabuti yon, marami ng pinagdaan si Leander. Okay naman na sigurong maging masaya naman yon"
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Naalala ko bigla yung peklat sa may tiyan niya
"Ate, may tanong ako. Alam ko kasi orphan si Leander, pano kayo I mean-- pinsan ka niya"
"Ah nakuha siya ni Papa noon. Nakakatawa nga na same pa kami ng surname. Kaya ang ginawa, imbes na kapatid ko siya pinsan nalang daw. Okay na siyang inalagaan namin siya"
Napa-isip na naman ako, gusto ko sanang itanong kung alam niya yung peklat pero baka di niya sagutin
"Nagtext ang Kuya mo. Gusto ka daw makausap ng Daddy mo"
Tumayo kaming dalawa, susunod naman siguro si Leander sakin sa taas.
"Tara na Ate"
___________Pagkapasok ko sa kwarto ni Daddy ay nakita ko siyang tulala, at mahina. Never kong naisip na makikita ko siyang ganito
"Dad"
Unti-unti siyang humarap sakin, nagulat ako ng makita kong naiiyak siya
"Wala na.. Wala na ang kompanya Louize"
Paanong wala na? Tuso si Daddy pagdating sa negosyo. Ayaw na ayaw niyang nauungusan
"P-pano ? Di ba si Kuya --?"
"Naisahan ang Kuya mo. Nabili ng isang tao ang lahat ng stocks ng di namamalayang ng mayabang mong Kuya! Di nagbabasa ng papeles!"
"Don't you call Kuya stupid Dad, alam kong di naman niya yon ginusto"
Napabuntong hininga ako para kumalma. Di mabuti kay Dad na mastress.
"Anak, I need your help. Yung agency, malapit na ring mawala satin yon, kaya mo bang malaman kung sino ang gumagawa satin nito?"