Lock #12- Flashback

289 15 13
                                    

(highschool)

"Hi, I'm Leanne Ramirez, salamat nga pala sa pagtulong mo sakin kanina" nakita ko lang naman kasing may mantsa sa palda niya

"A-ahm w-wala yon. S-sige aalis na ko" kinakabahan ako pag nandiyan siya, kanina lang ako naglakas loob dahil ayoko siyang mapahiya sa buong campus dahil doon

"Hey, ano name mo?" naglakad ako ng mabilis ng biglang may pumatid sakin

"Lampa naman nito, ginugulo ka ba nito Leanne?" Si Dexter, may gusto to kay Leanne

"No, Bakit mo siya pinatid?! He's my friend! Tara na"

"Salamat ha? A-ano, ako si Leander , Leander Romualdez"

Mula noon lagi na niya kong kinakausap, lagi kaming magkasama, mas lalo akong nahuhulog sa kanya

"Leander! Samahan mo na ko" naghahatakan kaming dalawa ni Leanne dito sa gate ng school

Gusto niya kong isama sa mall, kaso may gagawin pa ko sa bahay

"Lee, may mga projects akong dapat matapos, at ikaw din. Wag ka ng gumala"

"Di naman ako gagala. Bibili ako ng mga materials, ikaw ba may gamit kana?" napakamot naman ako bigla sa batok

"M-meron na. Sige, promise bukas sasamahan kita"

May part time job talaga akong pupuntahan dapat, sweldo namin ngayon kaya hindi ko nasamahaman si Leanne
________

"Hoy! Ano mo si Leanne? Di kayo bagay non" lagi nila akong binubully dahil don. Di ko nalang pinapakita kay Leanne ang mga pasa ko

"Grabe akala ko ikaw Leanne ang magiging valedictorian, si Leander pa yata" may mga nagagalit din dahil naangatan ko siya sa rankin

"Hayaan mo na sila, friends tayo kaya masaya ako para sayo, pinaghirapan mo yan" naniwala ako sa kanya, hinihintay ko lang ang graduation para magtapat sa kanya noon

"Leander, kita tayo sa likod ng library, may sasabihin ako sayo"

Maaga kong tinapos ang mga pinagagawa sakin ng mga teacher, buti nalang ang last na utos sakin ay dalhin ang ilang libro pabalik sa library

"Nililigawan ka ba nung Leander ha Leanne?"

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang pangalan ko, mahigpit ang hawak sa mga libro na lumapit pa ako kung saan sila nag-uusap

"No kuya! Ano ka ba, magkaibigan lang kami non"

"Ayusin mo lang, di kayo bagay non"

Alam kong imposible naman talagang magkagusto sakin si Leanne, anak siya ng isang mayamang angkan dito samin, habang ako isang scholar lang

"Tumigil na nga ka nga. Priority ko makatapos as Class Valedictorian okay?"

"Di ba kalaban mo sa standings si Leander? So ginagamit mo lang siya para ikaw ang maging Valedictorian?"

Tahimik akong nagdadasal na sana hindi, mabait si Leanne, crush nga siya ng lahat dahil maganda na mabait pa.

"Para tumigil kana, oo na! Kuya daig pa ang imbestigador"

Biglang nanlabo ang mata ko, nang hawakan ko ay tubig? Umiiyak ako? Bakit? Kasi ang tanga ko?

Nandito pa rin ako gilid ng library ng may biglang lumapit sakin, nang tignan ko kung sino ay ang kuya ni Leanne

"Narinig mo yon? Di kayo bagay ng kapatid ko. wag kang mag-ilusyon"

"H-hindi naman----" naputol ang sasabihin ko ng tabigin niya ang mga librong hawak ko

"Yan, ganyan ang bagay sayo, taga pulot tsk"

Nang umalis na siya ay agad kong pinulot ang mga libro, pinapangako... Magiging successful ako, at ipapamukha ko sa inyo yon..

Lalo na sayo Leanne Ramirez

Iniwasan ko na siya mula noon, hanggang mag-graduation ay di ko siya pinansin.. Masakit sakin na marinig lahat yon mula sa kanya

"Ikaw ba si Leander?" may mga lalakeng humarang sakin isang gabeng papauwi na ko

"b-bakit po? Teka teka---hnmmmp!" yun ang huli kong natandaan hanggang magising ako sa isang kwarto

"Hello Leander, Kamusta tulog mo?" medyo hilo pa ko pero alam kong tatay ni Leanne to

"Di ko gusto na, hindi naging valedictorian ang anak ko dahil sayo! Nilalandi mo siya!"

Nagising ang diwa ko ng sampalin niya ko ng malakas

"H-hindi po. Magka-magkaibigan lang po k-kami" sinuntok at pinagsisipa nila ako

"Walang dapat na mas angat sa pamilya ko! Kaibigan? Sinong niloko mo?! Ha, kahit bata ka, wala akong pakialam" lumabas ng kwarto na yon ang Papa ni Leanne at iniwan akong bugbugin ng  mga tauhan niya.

"Para mas magtanda ka!" nanlaki ang mata ko ng may sumaksak sakin

"Tara mga pare"

Umalis silang duguan ako, pinilit kong lumakad palabas, buti di nila sinara yung pinto.

"Argh!" konti pa, nasa highway na ko. Sige sa tulo ang luha ko sige din sa agos ng dugo ko sa tiyan

"Hijo! What the?!" may tumulong saking isang lalake.

Si Gregorio Romualdez, magka-apelido kami pero hindi siya taga samin, Tinulungan niya akong magpagaling, pinag-aral ng abugasya at dahil don naging pamangkin ang tingin ng lahat sakin ng kakilala ni Tito Greg, anak niya si Ate Kate na nag-alaga din sakin.

Nagpursige ako, plinando ko lahat para makaganti sa lahat lahat ng naranasan ko sa kamay ng mga Ramirez na yon.

Ayokong isang hamak na scholar  parin ang magiging tingin nila sakin.

Isa na kong Atty. May kapangyarihan.

Pababagsakin ko ang angkan ng mga Ramirez.

Papaiibigin kita Leanne, at iiwan kita ng mag-isa sa huli.

_______________

End of Chapter 12

Sorry sa mga typo.

Love Lock (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon