Lock:25- I Miss you

382 22 13
                                    

"Aaanhin ko yan?" kanina pa pinipilit ibigay ni Porton ang isang sobre.

"Ma'am, kunin  mo na kasi. nung isang linggo tinapon mo lang. Sayang yung flowers" inirapan ko siya bago umupo sa pwesto ko. Mag-iisang linggo na mula ng magkita ulit kami ni Leander. Hindi ko alam kung maiinis o matutuwa ako na hindi niya ko ginulo.

Masyado yatang malalim ang iniisip ko na hindi ko na namalayang nakaupo sa harap ng table ko si Dela Rama

"Ang lalim Ma'am" susungitan ko sana siya  ng mapansin kong namumula ang mata niya. Umiyak ba to?

"Ikaw, nakadrugs ka ba?"

"Grabe ka dun Ma'am, di ba pwedeng brokenhearted? iniwan, pinagpalit sa malapit?" biglang pumasok sa isip ko yung picture ni Leander kasama ang isang model, parang bumigat lalo ang loob ko

"May girlfriend ka pala? bakit ka daw pinagpalit?" narinig ko ang pagbuntong hininga ni Dela Rama

"hindi ko daw maibigay yung time na gusto niya, mas masaya daw siya sa bago niya. Kasi yung lalakeng yon, mayaman hawak non oras non-- eh ako hindi. Tutol din Papa non samin, ano daw maibibigay ko sa anak niya? kabaong pagnamatay ako?." napatingin ako sa kanya ng  marinig kong magcrack ang boses  niya

"Mahal mo naman diba? baka napressure lang siya kasi ayaw sayo ng parents  niya" mahinang tumawa si Dela Rama sakin.

"Ma'am, kung talagang Mahal ka, ipaglalaban ka. Ako, sumuko lang ako ng bumitaw na din siya. Kaya ikaw Ma'am, ayusin mo na lovelife mo. Kami na muna sasalo sa kamalasan ng Pag-ibig"  napatingin ako dun sa maliit na sobre.

_________________

"Leander, kala ko ba magpapakalayo-layo ka?" binaba ko ang folder na hawak ko at tumingin sa kakapasok lang na si Robert, kasunod nito si Cindy na nakangiti sakin

"bumalik lang ako dahil may nakalimutana ako" at di ko alam kung ano yon. nagising ako isang gabi  habang nasa ibang bansa na parang may kulang sakin, Parang may nawawala.

Sinubukan kong uminom, magpakalasing baka sakaling antukin ako pero wala. I just found myself calling her, na kahit boses niya lang kumalma ang sistema ko. Kaya tuwing di ako makatulog, tatawagan ko siya or kapag namimiss ko siya. I love hearing her voice, my Leanne-- I miss you.


"well, nahanap mo ba?" napukaw ako sa tanong ni Robert, napabuntong hininga ako bago kinuha ang maliit na sobre na nakalagay sa desk ko. Napag-alaman kong tinatapon niya lagi or di binabasa ang laman nito, it's just an invitation para sa isang dinner. Siguro din di pa time para makapag-usap kami.

"Nahanap ko, kaso di ko alam if tama bang bumalik ako?" 

"alam na lahat ni Leanne, what do you expect na gagawini niya if magkikita kayo? tatalon siya sa saya na yung taong muntik ng patayin ng Daddy niya na mahal niya bumalik? maybe baka nung time na di pa niya alam"

Gano ba ka-unfair sakin ang mundo.. kailan ba ko pwedeng sumaya?

________________________

Tinititigan ko si Kate na gumagawa ng dress, di niya ko tinataboy pero di niya ko kinakausap

"Cold treatment parin ba? dapat ako galit dito dahil niloko mo ko" parang bingi na tuloy tuloy lang siya sa pagtatahi. hinawakan ko ang telang gamit niya, dun napaangat ang tingin niya sakin

"bitawan mo" napangisi ako, so kung guguluhin ko siya don niya lang ako kakausapin

"ayoko, sasamahan mo ko" bago pa siya sumagot agad ako hinawakan ang kamay niya at hinatak patayo

"May tatapusin pa ko ano ba Chad?!" humarap ako sa assistant niya "Please bantayan  niyo ng maayos dito, date lang kami ng boss mo"

"Yes Sir"

_____________________________

Nakaupo ako at hinihintay ilabas ang Daddy, kasama ko si Atty. Salazar. Si MOmmy sana ang sasama kaso tumaas ang dugo, si Kuya di ko macontact. Kaya mula sa presinto ako ang sumunod dito kahit na ayaw ko siyang makaharap.

"he's here" napataas ang tingin ko ng sabihin yon ni Atty. Mula sa Two week na pagkakalulong at pagkahospital niya pa noon medyo pumayat si Daddy.

"Leanne" 

"Atty, bilisan mo na" pwede naman kasing wala ako dito, kaso gusto malaman ni Mommy ang sasabihin ni Atty at magiging gusto ni Daddy dito

"Tatapatin ko na kayo, mahina ang laban niyo Mr. Ramirez. Madaming ebidensya ang hawak ng korte ngayon, idagdag mo pa ang isusubmit  ng kalaban" 

"Kailan ba ang hearing ko?" bumibigat ang loob ko habang nag-uusap sila. Naiisip ko palang na makukulong ang Daddy ng matagal, kahit naman lagi siyang nakamando samin never niya kaming sinaktan  ni Kuya.. pero may kasalanan siya sa batas.

"Salamat Atty. Pwede ko bang makausap muna ang anak ko?" pagka-alis nito ay katahimikan ang namayani saming dalawa.

"Anak, Okay lang ba Mommy mo?" pinipigilan kong umiyak sa tanong niya

"She's fine. kung yan lang ang itatanong mo kailangan ko ng umalis" tumayo na ko, ayoko na di ko pa kayang harapin siya na hindi ko gustong isigaw kung bakit niya nagawa lahat ng krimen niya. Wala kong narinig na sagot kaya humakbang ako palayo ng bigla niya kong pigilan


"I'm sorry-- pakisabi sa Mommy mo at mahal ko kayo" nakatalikod ako sa kanya kaya di niya nakita ang pagpatak ng luha ko. Di ako sumagot sa halip umalis ako na hindi siya nililingon.

Hindi ako bumalik sa presinto, malalaman nilang umiyak ako kaya magpapakalma muna ako. nasa tapat ako ng crosswalk. Napatingin ako sa harap, saktong nagtawiran ang mga tao pero di ako makagalaw. Nakatitig lang kaming pareho sa isa't- isa, natulak ako paabante kaya napalakad ako.

Lumakad din siya kaya paliit ng paliit ang distansya naming dalawa. Pinipigilan kong tumingin sa kanya, umiba din ako ng nilalakaran para di kami magkasalubong. Napahinto ako ng bumunggo ako sa isang matigas na bagay, may mga kamay na nakahawak ngayon sa bewang ko.


"Careful Leanne"

"Leander"

_______________________

A/N: Sa mga naghintay at nagbabasa pa din nito---

heheheheh sensya natagalan.

Love Lock (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon