Lock #4- Chase

323 22 1
                                    

Nasa akin parin yung coat ni Leander, isasauli ko sana pero umuwi na daw yata, buong gabi ko siyang inabangan, hanggang sa ayain na akong umuwi ni Sam

"Hoy! Earth to SPO1 Ramirez!" Umayos ako ng tayo at sinamaan ng tingin si Porton

"Kanina ka pa namin tinatawag ma'am pero tulala ka lang" tumango tango naman si Dela Rama

"Kilala niyo sila Harry, Ron at Hermione?"

"Oo naman Ma'am, fan kami non" tumango tango naman ako sa sinabi nila bago pumunta sa likod nila at hinawakan sila sa balikat

"Parang tayong tatlo yon" segunda agad ni Porton

"Waaaa oo nga ma'am, ikaw si Hermione ako si Harry at ikaw si Ron" tawa pa ng tawa si Dela Rama habang sinasabi yon

"Hindi! Hindi kayo papasang Ron o Harry. Mga dementor kayo"

Sabay layas ko sa kanilang dalawa, sumasakit ang ulo sa kanila.. Sana may ibigay na iba sakin nakakaubos ng dugo sila Porton at Dela Rama

"Ah Sir Espenoza, bili lang po ako ng lunch"

"Sabay mo na ko. Eto oh" nag-abot siya sakin ng 100

"Wow, nagtitipid tayo ah?"

"Alam mo na yung Tita mo, hawak ATM ko" natatawang pinaharurot ko ang motor ko papunta sa isang karindirya, medyo malayo sa kainan yung presinto namin e

"Uyyy Leanne! Kamusta?" Agad na naglabas ng tubig si Nay Melay para sakin

"Okay lang, Nay isang adobo nga po, isang bangus at tatlong kanin"

"Ba ang daming kanin naman non?"

"Kay Sir Ezpinoza yung dalawang kanin Nay, diet ako"

Habang nagbabalot si Nanay ay biglang may tumatakbo ng mabilis na dumaan sa karindirya, may nabunggo pa nga itong bata pero patuloy lang sa takbo

"Magnanakaw! Tulong!" Agad akong lumabas ng kainan at sumakay sa motor ko

"Ha, dito ka pa talaga dumaan"

Naghabulan kami sa daan, malapit na sana ako sa kanya ng may humarang na kotse

"Argh! Tabi!" Imbes na umatras ay lumabas ang sakay nito

"Leander?!" napatingin ako sa lalakeng tumatakbo, walang pag-aalinlangan na tumapak ako sa kotse niya at tumalon para makatawid

"Hey! My Car!"

"Sorry, nakaharang ka kasi" binunot ko ang baril at tinutok sa snatcher

"Nakakapagod, kailangan mo ng huminto"

Inasinta ko ang paa niya bago pa siya makaliko, malakas ang loob kong mapaputok dahil walang tao sa tinakbuhan ng snatcher. Tumakbo ako papunta sa kanya at kinuha ang bag

"Ha! Hiningal ako dun ah, hep!"

"Aray!" Sinipa ko ang paa niya ng bigla itong magbalak kumuha ng bato

"Ang bata bata mo pa nagnanakaw kana, dapat sayo nasa school!" Pinosasan ko siya at inalalayang tumayo

"Mauubusan na ko ng dugo"

"Wag kang OA, daplis nga lang yang sayo e"

"Do you need help?"

Nakatayo ngayon sa harap namin si Leander, halatang tumakbo din ito dahil medyo pawis ang noo

"Pwede pakidala sa kanya?" Inabot ko sakanya ang snatcher na agad nitong kinuha

"Salamat" walang nagsasalita samin hanggang makadating kami sa kotse niya.

Love Lock (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon