"Tabi tayo!" kanina pa kami nag-aaway sa higaan.
"To naman! Kala mo naman di pa tayo nagtabi" humiga sa kama si Leander at tinapik tapik pa ang tabi nito
Kumuha ako ng unan at naglakad papuntang couch
"Sabi ko sayo, once a year lang ako clingy"
Humiga ako don at di na pinansin si Leander na nagdadabog sa kama. Nahihiya din kasi ako sa pagkiss ko sa kanya kanina.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng cr. Di ko alalm ano ginawa niya don dahil nahila na ko ng antok
________________"Leander, nakatunog na si Mr. Ramirez, si Chad naman wala pang ginagawa dahil siguro busy na sa pinsan mo"
Tulog na si Leanne ng tumawag si Timothy sakin. Lumabas ako sa balcony-- 10pm na pero maingay parin sa labas.
"Leander, nakikinig ka ba?" sumilip ako kay Leanne na mahimbing ang tulog.
"Si Leanne" narinig ko ang pagbuntong hininga ni Timothy sa kabilang linya
"Kung aatras kaman, it's too late bro. Ang tagal mong plinano tong lahat"
Tumingin ako sa dagat, kalmado siya pero ako hindi.
"I know, ako nagplano ng paghihiganti ko. Ako ang may gustong pabagsakin ang Ramirez Hotels, lahat ng negosyo nila at ang pagpapaibig kay Leanne. Alam ko Timothy"
"So ano nga? Mahal mo parin? Naloko na".
"Oo, mahal ko padin siya. Di ko alam kung itutuloy ko pa. Basta pag-usapan natin pagbalik ko diyan sa Manila"
Pinatay ko ang tawag at pumasok agad sa loob. Tumayo ako sa paanan ng kama kung saan nakahiga si Leanne. Pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha..
"I love you"
Dahan dahan akong humiga sa tabi niya. Binuhat ko siya kanina ng makatulog ito, di ako papayag na di ko siya katabi no
__________Nagising ako na halos di na makahinga, pagtingin ko ay nakayakap sakin si Leander.
Di talaga papatalo tong lalakeng to. Dahan dahan kong inangat ang braso niya bago sinunod ang hita nitong nakadagan din sakin
"Ang banhid" di ko maramdaman ang binti ko, ang bigat ng mga hita ni Leander.
Umupo muna ako saglit, sinubukan ko kung makakalakad na ko. Nang okay na ay lumakad ako papuntang balcony
Ang ganda ng langit, may mga taong nagswiswimming na-- may mga busy sa paglalakad
Napahawak ako sa tiyan ko ng kumulo ito.
"Hey" may mga brasong pumalibot sa bewang ko at naramdaman ko ang halik ni Leander sa buhok ko
"Ang clingy mo ha" tinawanan niya lang ako bago pinihit paharap sa kanya.
"Good morning baby" di ako ready sa kiss niya. Smack lang naman pero alam kong namumula na ko sa kinatatayuan ko.
"M-morning din" naiilang ako sa lalim ng titig niya sakin
"Let's have a date later"
Nakatingin lang ako sa noo niya, ayoko tumingin sa mga mata niyang ang daming sinasabi, nakakalunod
Kumulo na naman ang tiyan ko kaya nalipat don ang tingin ni Leander.
Gulat na gulat ako ng hawakan niya ang tiyan ko.
"Leander!" pinalo ko ang kamay niya pero parang wala siyang pake
"Gutom kana. Gusto mo ng room service or bababa tayo?"