"Leander, para kang tanga diyan?"
Kahapon ko pa naiisip ang mukha ni Leanne, konti nalang magiging akin din si Leanne, tapos bibitawan ko siya pag sobrang mahal na niya ako
"Alam mo, hindi maiinlove sayo si Leanne kung iblablackmail mo yung tao" pinaikot ko ang upuan ko at tumingin kay Robert
"Tumahimik ka, alam kong ginagawa ko. At ikaw, nabalitaan kong pumunta dito si Faye at ikaw ang humarap. Kinaya mo?"
Kung matigas sa korte si Robert, marupok siya pagdating kay Faye.
"O-okay lang, di naman ako babalik don--- kung di siya maghahabol sakin" natawa ako sa sinabi niya
"In love ka pa rin Gago"
"Nagsalita ang hindi. Aminin mo, mahal mo parin si Leanne, natatabunan lang ng galit mo" tumayo ako sa upuan ko"Kung ano ano pinagsasabi mo. Uunahin ko lang siya, prinsesa ng mga Ramirez yon, isusunod ko yung Kuya niya. Alam mo bang, gusto ni Chad Ramirez si Ate Kate ?"
"Wow, mukhang kusang lumalapit si Chad sa gulo" napangiti ako dahil don
"Kung di madaan sa santong dasalan, daanin natin sa santong paspasan" masyadong matagal kung hahayaan ko lang si Leanne.
Mas lalo akong natuwa ng makitang tumatawag ang bantay ni Ate Kate
"Sir, nasa boutique po si Chad Ramirez" tumingin ako kay Robert
"Well, tulad ng plano.."
___________
"Sinasabi ko na, di ako nang-gugulo sa boutique niya!" Nasa presinto si Kuya Chad, nagkagulo sa boutique ni Ate Kate kanina
"Nandito na po si Miss Kate at Atty. Romualdez" pinigilan kong tumayo si Kuya
"Babayaran ko kung ano mang nasira Kate, pero nandon lang naman ako para kausapin ka, yung guard mo ang---"
"Ako ng bahala kuya" hinatak ko si Leander palayo kayla Kuya at Ate Kate
"Hi Leanne, sabi ko naman sayo diba? So ano na?" Nagpipigil akong suntukin siya, sa kanya ko lang talaga nafefeel yung iba't-ibang emosyon
"Sige, pumapayag na ko. Papabayaan mo na ang kuya ko, kapalit nito" ngumiti siya sakin bago lumapit ulit kayla Kuya
"Sir, okay na po. Wala ng kaso, Mr. Ramirez sorry for the misunderstanding." napatingin sakin si Kuya pero ngumiti lang ako sa kanya
"Salamat, pwede ko ba makausap ang Kapatid ko?" Lumabas kami ni Kuya ng prisinto
"Anong sinabi ni Romualdez sayo?"
"Wala Kuya, nakipag-usap ako ng masinsinan" pinilit kong tumingin ng diretso sa mata niya"May tiwala ako sayo, alam kong alam mo ang ginagawa mo. Salamat Sis" gumanti ako ng yakap kay Kuya
"Mr. Romualdez, pwede bang makausap kita?" Napalingon kami kay Ate Kate, bumitaw ako at hinayaan silang dalawa
Ginagawa ko to para may Kuya, sasakyan ko kung ano mang gusto ni Leander ngayon.
"Hey Girlfriend, Date tayo?" Inakbayan niya ako bigla kaya ang instinct ko ay suntukin siya
"Ooohh, sorry alam ko na yan. Leanne, sumang-ayon ka na maging girlfriend ko. Ayusin mo ang role mo" nagmakeface nalang sa kanya
"Ewan ko sayo. Di ako pwede sa date date mo na yan. May trabaho ako"
"Okay, edi bukas. day off mo alam ko. Susunduin nalang kita, bye" nabigla ako ng halikan niya ako ng sa labi
"Gusto ko mang halikan ka ng mas matagal, ayoko namang makita ng mga katrabaho at mahiya ka. Bye Girlfriend"
Nakaalis na si Leander pero nakatayo parin ako don. Ang tapang tapang ko tapos isang halik lang, naestatwa na ko?
"Ma'am, okay ka lang?"
"Ha?"
"Kanina ko pa po kayo tinatawag pero nakatulala lang kayo"
____________"Sir Leander, nabili na po ni Sir Timothy ang ilang shares sa company nila Sir Chad" hmm magaling
"Pakisabi sa kanya pumunta ng office ko, I'm on my way na din. And please inform Robert na pumunta din sa office ko"
"Yes Sir" pinatay ko ang tawag at nagconcentrate sa pagdridrive.
Nagsimula na, pababagsakin ko kayong lahat. Lalo na kana Mr. Franklin Ramirez.
Pumasok ako agad sa firm ng makadating ako, nakasalubong ko si Faye na nagmamadaling lumabas ng building.
Sumakay ako ng elevator, niluwagan ko ang necktie ko at tinanggal ang tatlong butones ng long sleeves ko. Pagkabukas ng elevator ay nakaabang na si Sally
"Nasa loob na po sila" dumiretso ako sa papasok sa office ko
"Hey, wala manlang pasalubong?"
"Tingin mo galing ako ng party? Kamusta ang pagkabili mo sa shares?"Umupo ako sa chair ko at naghintay sa sagot niya
"Ngayon ko lang nakuha ang shares nila Mr. Mendoza at Mrs. Lacson. Sa ngayon may 20% ang hawak mo" kinuha ko ang papeles na inabot niya
"Na kay Leanne pala ang malaking shares. Ang kuya niya lang ang nakahawak sa agency pero si Leanne ang may-ari" sinamaan ko siya ng tingin
"Miss Ramirez, call her that way Timothy. Ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng Leanne, naiintindihan mo?"
"Chill lang bro. Nga pala, kailangan ko ng umalis, may date pa kami ng baby ko. Bye, bye din Robert" pagka-alis ni Timothy ay tumayo si Robert
"Eto na natin ang case na pinapahanap mo, nagka-areglo sila Silva at si Mr. Franklin noon kaya di natuloy ang kaso. Bakit mo ba pinahanap yan?" Binasa ko ang laman ng files
"Wala, sige salamat Pre" bago makalabas si Robert ay may naalala akong sabihin
"Umiiyak yata si Faye kanina" nakita ko siyang natigilan pero lumabas din agad.
Napasandal ako sa upuan ko at inikot paharap sa likod kung saan kita ang buong city. Napahawak ako sa tiyan ko kung nasan ang peklat na nakuha ko noon.
"Nagsisimula palang ako. Makakaganti din ako sa inyo" sa tuwing maalala ko ang nangyari sakin ay di ko maiwasang magalit sa kanila.
Gusto ko lang makapag-aral ng maayos noon, makapagtapos at magtrabaho para sa sarili ko. Oo hamak na scholar lang ako at wala akong laban. Pwes hindi na ngayon.
Kailangan ko lang kontrolin ang damdamin ko pag kaharap ko si Leanne.. Ayokong masira ang lahat dahil lang sa dati kong nararamdaman sa kanya, matagal na yon nakalibing.
"Hindi ko na siya gusto, hindi na dapat"
__________
End of Chapter 10.Guys, maikli lang tong kwento. Baka katulad lang ng Paper Hearts or sobra ng slight.
Sorry din if ngayon lang nag-update. On hold parin ang ilalagay ko dahil di ko alam kung kailan ang next update. Salamat sa mga nagbabasa.
Kung may twitter kayo, madalas akong nandon.Thank you po.