Lock #11 - The Date

379 20 6
                                    


"Ice cream?" Sinundo ako ni Leander sa apartment ko, pumunta kami ng Park at kanina pa kami naka-upo dito

"Okay lang" tumayo siya at bumili habang naka-upo lang ako don at nakatigin sa mga naglalarong bata

"Here" lumipat ang tingin ko kay Leander papapunta sa hawak niyang ice cream

"Chocolate, favorite mo" naalala niya yon?

"Thanks" nakita kong cheese ang sa kanya

"Boring naman nito" sinamaan ko siya ng tingin ng marinig kong sinabi niya yon

Boring? Mas boring siya. Matutuyuan na ko ng laway kundi lang sa ice cream na to.

"Ahm " may tinitignan si Leander sa cellphone niya.

"Nasa langit yata ako" napatanga naman ako bigla sa sinabi niya

"Huh? Nasa Park ka"

"Sasabihin mo bakit!" Nagulat ako ng pitikin niya ako sa noo, natigilan kami pareho. Gawain niya kasi yon dati pag may sinasabi siya tas di ako nakikinig

"Fine, bakit?" Badtrip na tumingin ulit sa cellphone si Leander

"Kasi may anghel sa harapan ko" pinigilan kong matawa, so pick up line ang trip ng lalakeng to

Nagulat na naman ako ng hawakan niya ako sa leeg at noo. Pinalo ko ang kamay niya

"Wala ka namang lagnat"
"Pero ang hot mo tignan" nanlalaki ang matang lumingon ako sa kanya.

"Di naman namumula mata mo
.
.
.
.
Pero bakit mukha kang sabog sa paningin ko?" Inubos ko ang ice cream na hawak ko pero si Leander tingin ng tingin sa cellphone niya

"Ayoko na dito" tumayo ako dahil sa sinabi niya

"Tara na, gusto ko na ngang umalis dito, gutom na ko---"

"Kasi gusto ko diyan sa puso mo" napansin kong namumula yung tenga niya

"Kala ko magandang Idea, s-sabi sa google okay daw sa, ah tara na nga!" Naunang tumayo si Leander paalis sa park

Mukhang nainis siya sa sarili niyang trip. Yabang, halata namang walang alam sa date.

"Sine? Ang boring" nakapila kami ngayon, ang mas nakakainis, romantic movie

"Ayaw mo niyan? Ano ba gusto mo?" Napatingin ako sa isang movie poster sa gilid. Horror siya, parang may umilaw na bombilya sa ulo ko

"Ayun, maganda yon" ha, kala niya. Tignana natin ngayon tapang mo. Matatakutin si Leander nung highschool kami.

"Okay, tara" excited akong sumunod sa kanya--- hindi dahil sa gusto ko siyang makadate, kundi makita ang magiging reaction niya

__________

Kanina ko pa pinipigil ang inis ko, sinusubukan kong magdate kami tulad ng ibang couple. Bwiset na Robert, sabi effective ang pick-up lines

"Waaaaaa!" Napakapit sakin si Leanne ng biglang sumulpot yung multo

"Duwag" binulong ko lang yon. Dati, ayoko sa horror di dahil takot ako, kasi siya naman talaga yung takot. Bakit ba ko nagthrowback bigla?

"Ayan na! takbo!!!!!" Pinananuod ko siyang maglilikot sa upuan niya, actually nakakatawa pagmumukha ngayon ni Leanne.

Kinunan ko siya ng video, wala siyang alam dahil busy siya magsisigaw

"Waaaaaaaa mamatay kana!" Napapikit ako ng biglang tumama sa mukha ko ang kamao niya

"Fuck shit!" Di pa ako nakakarecover ng tumama na naman ang kamay niya sa mukha ko

"Putcha" isa nalang, parang nanadya na to e.

"Stop!" Hinawakan ko ang kamay niya na mukhang tatama na naman.

"Huh?" Napansin siguro nito na di maayos ang upo niya

"Nakakasakit kana ha! Tapos na ang movie, nagsisialisan na sila" tumayo ako at hinatak siya palabas

"Hoy! Bitaw nga" binitawan ko siya

"Problema mo?" Tinuro ko ang pisnge ko sa kanya
"Oh? Gusto mo ng kiss?" Huminga ako ng malalim

"Look at that! Sinapak mo ko sa loob! Lakas ng loob mong manood niyan, matatakutin ka parin naman pala" naglakad ako para maghanap ng kakainan

"Iiwan mo ko dito ngayon niyan? So pwede na ko umuwi?" Bumalik ako sa kanya at hinatak siya

"Kakain pa tayo, wag kang magmadali" di ko siya pinansin ng sumimangot siya

"Kailan ba matatapos tong date na to?" Gusto daw nito ng KFC kaya don kami pumasok para kumain

"Wag mo masyadong ipahalatang ayaw mo kong makasama, girlfriend na kita baka nakakalimutan mo?"

"wala sana ako dito kung nakalimutan ko at natatandaan ko ding napilitan lang ako"

Di ko pinansin at umorder nalang.

"Mabuti tumama ka sa order mo para sakin" inayos ko ang pagkain niya bago ko inayos ang akin

"Ako lagi umuorder para sayo dati dahil sabi mo tinatamad kang tumayo tapos tatawa ka lang" natigilan ako ng matapos kong masabi yon. Di ako tumingin sa kanya at kumain nalang.

Shit ka Leander! Bakit ba puro throwback?! Nakakinis, siguro dahil ang mga memories ko lang na masaya ako noon ay nung naging magkaibigan kaming dalawa. Pero dahil din don, naging impyerno bigla ang dinanas ko

Pagkatapos naming kumain ay napadaan kami sa nagbebenta ng milk tea. Papasok sana ako ng mapahinto din ako agad

"San mo gusto pumunta ngayon?" Lumingon ako sa kanya. Nakatingin lang siya sakin

"Milk tea" tumingala din ako don.

Mahilig siya sa milk tea pagkatapos kumain, yan ang hihingin niya. Nag-iipon pa ko lagi non para pag bigla siyang humingi may pambili ako kahit na binibigyan niya ko ng pera.

"You want ?" Pumasok kami pareho at nag-order

Umupo kami habang hinihintay ang order.

"Akala ko nakalimutan mo na lahat ng gusto ko"

"Akala ko din" naging tahimik na si Leanne.

Masaya na ko dati kahit na magkasama lang kami, kahit nagmumukha akong alalay niya.

"Salamat" tumango lang ako at lumabas na dala ang milktea.

"Gusto mo manuod ng surset??" Nasa labas na kami ng Mall ng tanungin niya ko non

".... Naalala ko lang na, you love watching sunset"

Nauna akong sumakay sa Kotse ko, wala ako sa mood magpakagentleman, naiinis ako sa nangyayari.

"Tara na" nagpatugtog lang ako para mabawasan ang katahimikan hanggang makadating kami sa Manila Bay

"Ang Ganda" imbes na sa sunset ang panuorin ko, kay Leanne ako nakatingin

"Nung graduation, nung highschool.. Hinanap kita kahit iniiwasan mo ko. Naisip ko kasi dati, gusto mo lagi manuod nito kasi----"

"Kasi ibig sabihin, nakayanan ko na namana ang isang araw, handa na ko ulit sa bagong umaga" tinapos ko ang dapat sasabihin niya

"Wag na nating balikan. Simula ngayon, sa paglubog ng araw ngayon. Kalimutan na natin. Leanne, let's start again"

Nagtama ang tingin namin, parang kukulangin ako ng hininga ng unti unti siyang ngumiti sakin

"Okay" uminom ako sa milktea bago panuorin ang pagkawala ng araw

"Salamat sa time, kahit nasapak mo ko"

Tumawa lang siya sakin. Kung sana wala lang akong galit sa dibdib ko, kung sana di nalang nangyari yon.. Isa to sa alam kong iingatan kong alala...

Kung sana lang talaga.

_____________
End of Chapter 11

Love Lock (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon