Lock: 23- Video

270 17 5
                                    

May kasamang letter ang flashdrive na hawak ko. Nakauwi na ko ng bahay at nakaupo sa harapan ng laptop ko pero di ko magawang iplay ang video na tanging lamang nitong flashdrive.

Kinakabahan ako sa mapapanuod ko, pero pano ko malalaman if di ko bubuksan? Tawagan ko kaya muna si Kuya or Sam?

Nakatunganga lang ako kaya ggulat ako ng biglang magring ang phone ko at saktong bumagsak sa laptop ko at nagplay bigla ang video

Lumabas sa screen si Leander na parang inaayos yung camera. Napangiti ito ng maayos na ang angulo sa video at di ko din namalayang nadadala ako sa ngiti niya.

'Hi? Okay na ba? Ah okay na.
Leanne, if napapanuod mo to it means wala na ko sa tabi at lumayo. Maraming bagay ang pinagkait satin mula noon, at isa na don ang - ang masabi kong mahal kita. *sighs* Naalala mo nung graduation nung highschool? You keep asking me why I'm avoiding you? Kasi nasasaktan ako. Kala ko kasi mahal mo din ako, Narinig kitang sinabi mo sa kuya mo na ginagamit mo lang ako'

I paused the video, shit! Is this a confession video? At nandon siya??? Plinay ko ulit and this time, tatapusin ko to.

______________

"Kate, alam mo lahat ng to?" Nasa boutique ako ngayon ni Kate. Magpinsan sila so baka alam niya.

"Ang alin nga kasi?"

"Leander, yung plano niyang pagpapabagsak samin, a-alam mo ba?" Please say no, ayokong malaman na napaglaruan din ako.. Wag siya, wag si Kate

"Yes,--- alam ko yon" shit! Napahawak ako buhok ko at sinabunutan yon. Tumingala ako sa kanya

"Pero-- mahal mo naman talaga ko diba? Lahat naman ng meron tayo totoo? Kate please say na alam mo lang pero di ka kasali sa plano" I'm pleading, kung sino man makakakita saking kilala ako pagtatawanan ako, nagmakakaawa ako sa isang babae.. And that's okay with, kasi mahal ko siya.

"I-im sorry Chad---planado lahat, mula sa pagkikita natin hanggang makuha ko ang atensyon mo.. I'm sorry" tumayo ako at napasuntok sa pader, ilang ulit ko yong ginawa. Fuck!!!

"Ba-bakit? Wala akong atraso sayo"

"Dahil Ramirez ka. Muntik ng mamatay si Leander dahil sa Daddy mo. Nakita ko kung pano maghirap si Leander! Nagsumikap siya para balang-araw iparanas sa inyo lahat ng dinanas niya"

Dumudugo ang kamay ko , wala kong maramdamang sakit-- namamanhid na yata ako.
_______________

Pagkatapos kong mapanuod lahat, di ko alam kung kaya ko pang magpakita sa kanya.

All this time, kami ang may atraso sa kanya.. Nasaktan ko siya, no lahat pala ay dahil sakin. I can't imagine na mapunta sa situation niya noon.

Napatingin ako sa cellphone kong nagriring na naman.. Unknown number. I rejected the call at humiga sa kama.

Leander, I'm sorry. Sana pala di nalang tayo nagkakilala kung ganon ang dadanasin mo ng dahil sakin. Ngayon ko napatunayan na curse ang maging Ramirez.

Nagvibarate ang phone ko, wala kong gana magbasa ng text. Pinilit kong makatulog, baka sakaling pag-gising ko, joke lang lahat to, na nandyan na ulit siya sa tabi ko.

Naalimpungatan ako ng parang may nagsasalita sa tabi ko. Inaantok pa ko pero pinilit kong ibukas ang mga mata ko.. May lalakeng nakaupo sa harapan ko at nagsasalita

'Stop crying' sa kaisipang baka nananiginip lang ako ay pumikit ako at natulog ulit
_____________

"Hoy bruha bangon na!" Kusot kusot ang mata na bumangon ako.

Nagtataka kung bakit nandito si Sam, binato niya ko ng twalya sa mukha

"Ligo na besh, mukha kang dugyot and Yes pumunta ko dito dahil nag-aalala ako sayo"

Naalala ko yung lalake, siya ba yon? Akala ko si... Imposible din naman.

"Nga pala, sabi ng Kuya mo.. Gusto ka daw makausap ng Mommy mo. Ano punta ka?"

Naglakad ako papunta sa cabinet ko at kumuha ng damit. Si Mommy yon, di naman si Daddy.

"Hoy sagot!"

"Oo pupunta ko. Teka ikaw ba may dala niyang bulaklak?" Napatingin si Sam don at agad umiling

"Nakita ko lang sa labas yan, pinasok ko na baka malanta. May nanliligaw sayo sis?"

"Wala, sige ligo na ko"

Habang naliligo di ko maiwasang maalala lahat ng nalaman ko. Para kong tanga na umiiyak dito habang naliligo.

"Sis! May tumatawag sayo!! Sagutin ko ba?"

Tumigil ako saglit para sumagot

"Sino daw?"

"Unknown Eh, pero ay teka may text siya siya sayo!" Naghintay ako ng sasabihin pa ni Sam

"Ayyyyyy grabe! SISSSS DI KO MABASA!" Napairap nalang ako, buti sana kung si Leander yang nagtetext

Tinapos ko na ang paliligo at nagbihis na din sa loob. Nakasuot lang ako ng highwaist na jeans at white tshirt, pinarisan ko na din ng rubber shoes.. Di ako girly magdamit.

"Kain ka muna, baka mapagalitan ako! Di ko kerii" napakunot noo naman ako sa sinabi niya

"Sinong magagalit?" Para namang nahuling nagcheat si Bakla

"Ah ano si Kuya Chad, diba? Baka magalit siya kasi nagtatag-gutom ka"

Iling iling na kumain ako habang may kausap naman sa cellphone si Sam. Nagvibrate ulit ang phone ko, may dalawang message na pumasok. Ang isa galing kay Kuya at ang isa galing kay Mommy.

Naagaw ng atensyon ko ang text na sinasabi ni Sam

Je t'aime je te verrai bientot

Ano daw? Dahil di ko naman maintindihan, sinara at nagpatuloy nalang ulit ako sa pagkain.

"Sis, nagka-usap na kayo ni Leander?"

"Umalis siya.. Siguro okay na din to, may kasalanan kami sa kanya" kita ko ang pag-aalala sakin ni Sam.

"Kailangan kong bumawi, tutulong ako sa kaso ni Daddy. Mahirap dahil tatay ko siya pero isa kong alagad ng batas at dapat magkaroon ng hustisya lahat ng nasaktan ni Daddy"

"Pano pag bumalik siya, pano kung napatawad ka na niya kasi mahal ka niya?"

Natawa ko ng mapakla.

"Di ko siya tatanggapin. Sam, di ko na yata kayang humarap sa kanya knowing ng lahat ng ginawa ni Daddy at pinagdaanan niya dahil sakin, mabuti na rin siguro na umalis siya, baka di lang talaga kami pwede"

Natawa ko ng konti ng madramang yumakap sakin si Sam. Arte arte nito..

Pero kung magkikita ulit kami, sana di nalang niya ko pansinin.

__________________

END OF CHAPTER 23

NOTE: LAST 7 CHAPTERS

Love Lock (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon