Lock #5- No!

295 17 1
                                    

Pagkatanong sakin ni Leander kagabi ay di ko alam pero sinarahan ko siya ng pintuan. Aaminin ko may naramdaman ako ng tanungin niya ako, pero parang out of nowhere magtatanong siya sakin non?

Nagtatagpo palang landas namin mula ng di niya ko pansinin, tapos may parang pinatatamaan pa siya nun sa Reunion tas biglang Date?

"Kanina pa tumutunog yang cellphone mo, di kami makarelate dito kasi wala namang tumatawag samin"

Sinilent ko ang cellphone ko at nilagay sa drawer, si Leander lang naman po kasi yan

"LQ kayo ni Atty.?"

"Paano? Bakit kami ba?"

"Ayy di ba kayo?  Binato ko ng ballpen si Dela Rama

"Delivery po para kay..." Nilibot ng delivery guy ang paningin sa loob, sino nga ba naman kasi ang bibigyan e halos puro lalake dito

"Leanne Ramirez ?" Dahil don ay naghiyawan ang mga ibang pulis at todo kantyaw naman sila Dela Rama at Porton

"Siguro ka ?" Tanong ko lang, baka nagkakamali lang

"Opo Ma'am, pakisign nalang po" pagkapirma ko ay umupo ako sa table ko at tinignan ang card na kasama

"Hope you like it, Leander"

"Nako Ma'am, nanliligaw nayan"

Ayoko mag-assume pero nawiwierduhan ako sa kanya. Parang ang cold niya tapos biglang ganito? Hindi ako tanga para di mapansin yon

Kinuha ko ang cellphone ko, tatawagan ko siya pero sakto din dahil nakita ko ang pangalan niya sa screen

"Nakuha mo?" Tignan mo, wala manlang hello sakin

"Oo, ano namang pakulo to?" Sinenyasan kong tumahimik sila Porton dahil nagtutulakan ang dalawa

"Gusto ko lang, so ano date na tayo?"

"Ganito ka mag-aya?" Lumabas ako ng prisinto para walang mga chismoso

"Yes? Bakit di mo ba nagustuhan yung bulaklak?"

"Tinapon ko na, bye" pinatay ko ang tawag at pumasok ulit, kala niya ha. Nilapitan ko sila Porton

"Magsilayas nga kayo diyan" agad  namang umalis ang dalawa at umupo ako
__________

WHAT'S her problem? Binigyan ko na ng bulaklak tapos itatapon lang?!

"Sir!" Napaatras naman si Cindy ng tumingin ako sa kanya, dahan dahan pa itong pumasok na tila nagtatantya sa mood ko

"Eto na po pala yung hinihingi niyong files"
Tumango ako at tumingin sa labas ng office ko

"Cindy!" Nakatalikod ako sa kanya pero ramdam ko ang paghinto niya sa ginagawa

"Yes Sir?"

"Pa- ano, shit Paano mag-aya ng date?" Nang di siya sumagot ay lumingon ako at nakita siyang parang gulat na gulat sa tanong ko,

"Di ko alam sir, ako ang niyaya ng asawa ko e"

"Then, ano ang ginawa ng asawa mo para ayain ka sa date?" Sinenyasan ko siyang umupo at lumapit naman ako

"Well Sir, nagbibigay siya ng Flowers, with notes"

Nagawa ko na yon! Arhhggg

"Pwede din Sir na yayain mo siya ng formal?"

"Tinanong ko siya, pero sinaraduhan niya ko ng pinto, I gave her flowers too, tinapon daw niya"

"Ano po ba gusto ng yayain niyo? Wala po talaga kong alam Sir"

Love Lock (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon