December 1899
Mahal kong Remedios
Nagbabalik ako saiyo bilang marapat na diwa.
Bilang lalaking pinili ang pinaka mahalagang bagay sa madilim na panahon. Dangal,tungkulin,sakripisyo.
Hindi mawawalan ng halaga ang kamatayan ko pagkat namatay akong nagbibigay puri sa bayan, at higit sa lahat — sa iyo. Kailan ma'y hindi ako magiging isang bayani na nasa sa ibabaw ng mga ulap, malayo at hindi maabot. Habang ako'y kinukupkop mo sa iyong puso. At sa puso mo'y mananatili akong buhay at karapat dapat sa iyong pag ibig.
Sumasaiyo
Gregorio
Ang huling liham na aking na-tanggap mula sa lalaking aking pinakamamahal.Ngunit ngayon wala na sya.Wala na ang tinitibok nang aking puso.
Nobyembre 1899,
" Ano ang iyong kailangan sa aking anak? "narinig ko ang matapang na pagtatanong ni ama sa kung sino mang tao ang kausap niya ngayon.Kaya naman lumabas ako para tingnan
" A-Ama ayos ka lamang po ba? "tanong ko sa kaniya nang makalapit na ako
"Itong binata na ito ay nais umakyat nang ligaw sa iyo.Ngunit,sinasabi ko sa kaniya na hindi pa kita hinahayaang magpa-ligaw.Nais ka daw niya maka-usap para sa iyong sagot."paliwanag sa akin ni ama
....KAYA NAMAN HINARAP KO ANG LALAKING NASA IBABA NANG AMING BINTANA...
"Ano ang iyong pakay ginoo?" tanong ko sa kaniya habang naka-dungaw mula sa bintana

BINABASA MO ANG
"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"
Historical Fiction"Pag-ibig sa bayan" o "Pag-ibig sa taong iyong pinakamamahal"?.Minsan naghihintay tayo sa isang tao na may higit na tungkulin sa bayan kesa sa atin.At kung minsan din ay nahihirapang tayong magtiwala sa isang tao at ibigay ang pagmamahal natin para...