" Goyo?Anong nangyari?Bakit? " sunod-sunod kong tanong dahil kita ko ang pagka-takot sa kaniyang mga mukha.
" Bumagsak na ang Brigada ng Kawit pati ang ibang mga lugar ay nakuha na din ng mga Amerikano.Nabalitaan namin ang balak na pagdakip sa Presidente kaya't kinakailangan naming makalayo dito at itakas ang buong republika habang hindi pa nakaka-dating ang mga Amerikano." kinakabahang saad niya sa akin.
" Saan kayo pupunta?Paano ang ating kasal? " tanong ko naman.
" Hindi pa namin alam subalit sa ngayon ay kailangan muna naming makalayo at makipag-tulungan sa Brigada ni Manuel Tinio upang mapag-sama ang aming fuwersa at makaya namin na lumaban sa mga Amerikano.Patawadin mo ako remedios kung hindi na muna maitu-tuloy ang ating kasal sa ikalawang-araw.Ngunit ,babalik ako katulad ng pangako ko sa iyo.Magbabalik ako matapos ang lahat ng ito at wala nang makaka-pigil sa ating pagi-isang dibdib.Tatapusin ko ang laban para sa inang bayan at para sa iyo remedios." tugon niya sa akin.
" Naga-alala ako sa iyo goyo.Paano kung?Paano kung.... " hindi ko na matapos ang aking sasambitin sapagkat nagsalita na syang muli.
" Huwag kang mag-alala remedios.Maisalba lamang namin ang Republika at ang Presidente ay makaka-balik na kami muli dito magsa-sama muli tayo.Ipangako mo na maghihintay ka sa akin! " wika niya.
" Nangangako akong maghihintay ako sa iyo.Ipangako mo din sa akin na makakaligtas ka.Babalik ka sakin ng buhay.Mahal na Mahal kita." sagot ko sa kaniya.
" Mahal na Mahal din kita.Kailangan ko na pumunta sa tinutuluyan ko upang mag-handa.Magi-ingat ka palagi remedios.Babalik ako." huling sambit niya at nagsimula nang tumalikod sa akin upang umalis.
" Maghihintay ako." bulong ko tanging sa aking sarili habang kumakaway sa kaniya na nakalayo na.
..DALI-DALI AKONG NAGPUNTA SA AKING SILID UPANG GUMAWA NG LIHAM NA IPAPABAON KO PARA SA KANIYA.PARA MAGKAROON SIYA NG LAKAS NG LOOB...
Goyo,
Katulad nang iyong sinabi na ngayong gabi na sasalakay ang buong fuwersa ng mga Amerikano.Kaya't nasisiguro ko na sa malayo kayo made-destino.Tanggapin mo ang kuwintas na ito bilang tanda ng buong puso kong pagtitiwala.
BINABASA MO ANG
"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"
Historical FictionPag-ibig sa Bayan o Pag-ibig sa Taong Iyong Pinakamamahal? Sa panahon ng digmaan, dalawang uri ng pag-ibig ang naghahati sa puso-ang pag-ibig para sa bayan, at ang pag-ibig para sa taong pinipili ng iyong damdamin. Si Remedios, isang dalagang maruno...
