KABANATA 23

88 6 0
                                        





  
 "   Ate remedios mayroon kang espesyal na bisitang kanina pa nagi-intay sa iyo." tawag sa akin ni rocio .




   "  Sino raw? " tugon ko naman sa kaniya.




      " Mas mabuti kung ikaw mismo ang pupunta sa kaniya ate remedios." sagot naman niya sa akin.




  "  Ama,pupuntahan ko lamang po iyon .Maraming salamat po ulit." pa-alam ko kay ama na ang tanging sagot lamang sa akin ay isang tipid na ngiti.




    ...MAINGAT AKONG BUMABA SA AMING HAGDANAN UPANG PUNTAHAN ANG BISITA NA SINASABI NANG AKING KAPATID...




      " Remedios? " tawag sa akin ni...GOYOOO!.Nandito na siya sa wakas.




       " Goyo?! " tawag ko din sa kaniya pagkatapos ay mabilis na lumapit sa kaniya.




    "  Kamusta ka mahal ko?Sa wakas ay nakita na kita muli." sambit niya sa akin pagkatapos ay niyakap ako at hinalkan ang aking noo.




     " Kamusta ka?Tapos na ba ang naganap na labanan?Wala bang napahamak sa inyo?Kailan ka pa dumating? " sa aking lubos na pagka-galak ay sunod-sunod na tanong ang aking nasabi sa kaniya.




    "  Saglit lamang.Natapos nga ang labanan ay muli na naman pala akong haharap sa digmaan sa dami ng iyong nais na itanong sa akin." natatawang wika niya.




    " Pasensya ka na.Kay tagal mo kasing nawala kaya napaka-daming bagay ang nais kong itanong sa iyo." sambit ko.




     " Biro lamang.Nais mo bang sagutin ko iyang mga katanungan mo? " tanong niya sa akin.




     " Sa isang kondisyon ay kinakailangan mo akong samahan." dagdag pa niya.

"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon