KABANATA 24

62 5 0
                                    


        "  Ngunit sa tingin ko ay siya talaga iyon." dagdag pa niya sa kaniyang mga sinabi.



   "  Pinuntahan ako ng mga magulang ni rafael." panimula ko sa kaniya upang ipaliwanag ang lahat.




    " Bakit?Ano ang sinabi sa iyo? " tanong niya sa akin.



    " Sa kanila ko din nabalitaan na hindi talaga nagtungo si rafael sa espanya.Sa halip ay sumali ito sa Brigada ng Kawit.Nais nang mga magulang niya na kausapin ko si rafael upang mapigilan sa kaniyang desisyon.Pero...hindi ko alam kung saan ko siya pupuntahan. " paliwanag ko.



   "  Nais mo ba siyang puntahan? " tanong naman ni goyo sa akin.



   "  Oo sana." tipid na sagot ko.


   " Sasamahan kita.Bukas magtutungo tayo ng kawit upang puntahan siya." naka-ngiti na wika niya sa akin.



    " Talaga goyo?Maraming Salamat! " masayang saad ko sa kaniya.




    "  Kahit ano para sa minamahal ko.Sige na magpahinga ka na.Maaga kitang susunduin bukas." sabi niya sa akin at sinunod ko naman ang kaniyang sinabi.




    ...SA WAKAS AY MAKIKITA KO NA SI RAFAEL.SANA MASAGOT ANG LAHAT NG TANONG KO SA KANIYA.HINDI KO INTENSYON NA PABALIKIN SIYA DITO SA DAGUPAN.DAHIL SA HULI AY SYA PA RIN ANG MAGPA-PASYA PARA SA KANIYANG SARILI.KAYA KO LAMANG SIYA PUPUNTAHAN AY UPANG KAUSAPIN AT MALIWANAGAN SA ILANG MGA BAGAY....




   


  KINAUMAGAHAN ~




       "  Ate remedios nasa baba na ang Heneral.Dalian mo na diyan." tawag sa akin ni dolores sa labas nang pintuan ng aking silid.



   " Oo sige ako'y baba na.Saglit na lamang ito. " tugon ko sa kaniya.Pagkatapos,ay kinuha ko na ang aking abaniko at panyo upang dalhin.




  "  Anak,magi-ingat kayo." saad ni ama sa amin.Ngumiti ako at yumakap sa kaniya upang magpa-alam.




     ...INIHATID KAMI NANG KALESA SA ISTASYON NANG TREN NA AMING SASAKYAN PAPUNTA SA MAYNILA.PAGPASOK PA LAMANG NAMIN SA LOOB NG TREN AY MARAMI NA ANG TAONG NAKAKA-KILALA KAY GOYO AT KALIWA'T KANAN ANG MGA BATI NA KANIYANG NATATANGGAP.NAUPO KAMI SA KALIWANG BAHAGI NANG TREN...

"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon