KABANATA 26

65 4 0
                                        

      
    



"  Hindi ba't para namang nagmamadali kayong dalawa? " tanong sa amin nang ama ni goyo.



    " Ama, Ina hindi natin masasabi ang panahon baka muli na naman akong madesitino sa malayo." sambit naman ni goyo sa kanila.




   "  Paano ang paghahanda para sa lahat-lahat? " tanong ni ama sa aming dalawa.

    " Huwag po kayong mag-alala,naayos na namin ang lahat.Inaantay na lamang natin ang araw ng aming pagi-isang dibdib. " mahinahong saad ni goyo.



   "  Aba!ay ayos naman pala ano?Mukhang wala na talagang makaka-pigil dito.Napaka-saya namin para sa iyo anak.Nakikita namin kung gaano ka kasaya kay remedios.Napaka-palad mo sa babaeng iyong pakakasalan sa kwento pa lamang ng kaniyang ama sa amin.Ay hindi nakakapagtaka kung bakit napa-ibig mo ang aming anak." wika nang kaniyang ina.



     " Mas mapalad naman po ako sa inyong anak.Iba yung saya na ibinibigay niya sa akin araw-araw at yung paga-alaga niyang ipina-pakita sa akin. " naka-ngiting pagmama-malaki ko sa kanila.




      .....NANG MATAPOS KAMING MAGUSAP-USAP AY ISINAMA AKO NANG INA NI GOYO SAPAGKAT MAYROON SIYANG GUSTONG IPAKITA SA AKIN.KASAMA NAMAN NILA AMA SI GOYO AT HINDI KO ALAM KUNG SAAN SILA PATUTUNGO...



   "  Hmmmm Ginang..." panimula ko sa kaniya.



   " Ano bang Ginang?Tawagin mo na akong Ina remedios.Masanay ka na. " sambit niya sa akin.



   "  Pasensya na po.Nahihiya pa akong tawagin kayo nang ganoon. " naka-ngiting tugon sa kaniya.



  "  Mahihiya ka pa ba ngayon na anak din kita.Ina na lamang ang iyong itatawag sa akin at ama sa aking asawa remedios." sambit niya sa akin.




   "  O-opo Ina.Hindi na po ako mahihiya sa inyo." sagot ko.



   "  Sumunod ka sa akin may nais akong mai-pakita sa iyo. " utos niya sa akin kaya naman sumunod na ako sa kaniya.




      ....NANDITO KAMI SA ISANG SILID NA PINA-TULOY SA KANILA NI AMA.NAUPO KAMI SA KAMA NITO...



     "  Alam mo ba anak...hindi naman kami nagmula sa isang kilala at mayamang pamilya." panimula niya sa akin habang may inilalabas mula sa kaniyang bagahe.

"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon