KABANATA 17

91 8 0
                                        


      




  "  GOYOOOO!!!" nagagagalak kong tawag sa kaniya .





        " Remedios? " tanong niya pagkatapos ay mabilis na tumakbo sa akin.





        " Pasensya kana kung napag-intay kita nang matagal dito.Galing kami ni dolores sa pamilihang bayan.May handog ako sayo." wika ko pagkatapos ay ini-abot sa kaniya ang replika nang aguila na aking binili.




     "   Maraming salamat.Ngunit,para saan ito? " tanong niya sa akin.




    "  Wala lamang.Naisip ko lamang na bigyan ka nang ganyan sapagkat nanf hindi tayo magka-ayos ay nagdala ka nang mga bulaklak sa bahay.Kaya naman bilang pag-hingi ng kapatawaran nag-isip ako nang isabg magandang bagay na madadala mo kahit saan ka man magpunta.Hindi lamang ako ang iyong maaalala sa aguila na yan kung hindi magagawa mo ding alalahanin kung sino ka talaga." naka-ngiting sagot ko sa kaniya pagkatapos ay niyakap ko siya.




    "  Salamat.Subalit,nais ko na munang manghingi ng tawad sa iyo.Sa lahat lahat.Sa maling asal ka sa aking nakita.Hindi kita pinagkatiwalaan.Pinangunahan ako nang aking galit.Gusto ko lamang malaman mo ang paninibugho na akingnaramdaman nang makita ko kayong dalawa sa ganoong lagay.Mali ako sa puntong iyon.Patawad remedios. " malungkot na salaysay niya sa akin.



     " Kalimutan na lamang natin ang bagay na iyon. " mahinahong tugon ko.




     " Ano ba ang pinag-usapan?Maaari mo bang mai-bahagi sa akin?Ayos lamang kung pribado ito. " wika niya.




      "  Nagtapat siya nang kaniyang nararamdaman sa akin simula pa noon.Pa-alis na din raw siya patungong espanya kaya ipinagtapat na niya ang lahat." tanging wika ko.





    " Ano ang iyong naging sagot? " ika niya .





    "  Naging mabuti siyang kaibigan sa akin.Simula pa noon hanggang ngayon.Ngunit tanging pagmamahal bilang isang kaibigan lamang ang aking kayang maibigay sa kaniya.Naintindihan nya 'yun.Natutuwa akong bago kami magkahiwalay nang landas ay naging maayos ang lahat sa amin." tugon ko naman sa kaniya habang inaalala ang naging pagu-usap namin ni rafael.

"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon