" Remedios anak! " biglang rinig kong tawag sa akin ni ama na nandirito din pala sa tapat nang tahanan ng gobernadorcillo.
" Ama?Bakit kayo nandito? " tanong ko naman sa kaniya.
" Hinahanap kita sabi sa akin ni dolores na lumabas ka daw.Sakto naman akong napadaan dito sa tahanan ni Gobernador Esteban at nakita ang kaguluhan kaya napa-hinto ako upang makita ang pangyayari. " paliwanag sa akin ni ama.
" Ama?Ano ba ang nagawa ng Gobernador? " biglang tanong ko sa kaniya.
" Halika na muna't umuwi sa ating tahanan.Doon ko ipapaliwanag sa iyo." pag-aya niya sa akin.Sabay naman kaming umuwi ni ama.
...PAGKADATING NAMIN AY NAUPO NA KAMI SA SALA.NARINIG KO ANG BUNTONG HININGA NI AMA NA PARA BANG MAY NANGYARING MASAMA...
" Ama ano po ba ang nangyari? " tanong ko sa kaniya.
" Anak,hindi ko din alam ang buong pangyayari.Ngunit mayroon lamang balita ang nakarating sa akin kanina." sagot niya sa akin.
" Anong balita ama?Tungkol ba ito sa Gobernador? " mausisang tanong ko.
" Napag-alamanan nang ating Presidente ang katiwalian na ginagawa ng Gobernador.Kaya naman ipina-tawag ito para sa ilang katanungan." wika niya.
" Pero ama sino naman ang magsasabi nang ganoong balita?May proweba ba ang tao na iyon sa kaniyang ibinibintang?Ama sa tingin mo ba ay totoo ang sinasabi nila? " tanong ko sa kaniya.
" Hindi ko kayang mag-salita sa ngayon anak.Sapagkat,may pagkakataon na kung sino pa ang mukhang anghel sa ating harapan ay sila pa ang mga taong kina-kayang gumawa nang masama.Kung wala talaga siyang kasalanan mapapatunayan iyon.Kapag pawang katotohanan lamang ang kaniyang sasabihin." saad ni ama sa akin.
BINABASA MO ANG
"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"
Fiksi Sejarah"Pag-ibig sa bayan" o "Pag-ibig sa taong iyong pinakamamahal"?.Minsan naghihintay tayo sa isang tao na may higit na tungkulin sa bayan kesa sa atin.At kung minsan din ay nahihirapang tayong magtiwala sa isang tao at ibigay ang pagmamahal natin para...