" A-Ano b-ba ang iyong sinasabi?A-Akala ko ba atin n-na itong napag-usapan? " kinakabahang tanong ko kay rafael.
" Biro lamang remedios.Masyado ka nang nagiging seryoso .Nasaan na ba ang mga ngiti na naging dahilan kung bakit ako nahulog sayo? " nang-aasar na wika niya.
" Rafael...gusto kong malaman kung ano ba talaga ang iyong dahilan upang pasukin ang ganitong bagay? " seryosong tanong ko sa kaniya.
" Sa katunayan habang nasa españya pa ako ay marami na akong nababalitaan na kaguluhan dito sa ating bansa.Maraming mga naaapektuhan na pamilya at mga inosenteng bata.Matagal na akong naka-uwi dito sa Pilipinas ,remedios.Kahit ang mga magulang ko ay hindi alam.Subalit,bago ako umuwi sa Dagupan ay inayos ko muna ang lahat dito sa Maynila.Nagtungo ako sa Kawit upang magpalista sa kanila sa totoo nga niyan ay ilang beses na akong napa-sali sa ilang labanan ng Brigada ng Kawit.Isa nang kolonel ang iyong kaibigan mismo ang Presidente ang nagtalaga sa posisyon kong ito." pagsasalaysay niya sa akin.
" Ibig-sabihin kilala ka nang Presidente? " tanong ko naman sa kaniya.
" Oo remedios,at nang nalaman ko na kilala niya kayong dalawa ni Heneral Del Pilar ay pinaka-usapan ko siyang ilihim kung ano man ang pagkaka-kilala niya sa akin." tugon niya sa akin.
" Paano ang iyong paga-aral?Hindi ba't pangarap mo 'yon? " tanong ko sa kaniya.
" Hindi na para sa akin ang paga-aral ngayon.Ngayon naniniwala ako na hindi lahat ng nais mong gawin ay para sa iyo.May ibibigay sa'yo ang Panginoon dahil alam niya na doon ka mas kailangan.Mas kailangan ako ngayon ng mga kababayan ko." naka-ngiti niyang banggit sa akin.
" Isa lang ang aking pakiusap.Maaari bang puntahan mo mismo ang iyong mga magulang at ipa-unawa mo sa kanila ang iyong sarili.Lubos silang naga-alala sa iyo nang puntahan nila ako." pakiusap ko sa kaniya.
" Gagawin ko 'yan remedios.Huwag kang mag-alala.Maraming Salamat sa iyo ha.Tunay talaga kitang kaibigan." saad niya sa akin.
" Tapos na ba ang inyong pagu-usap?Kailangan na nating bumalik ng Dagupan agad remedios." biglang sambit ni goyo na kakadating lamang dito.
BINABASA MO ANG
"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"
Historical FictionPag-ibig sa Bayan o Pag-ibig sa Taong Iyong Pinakamamahal? Sa panahon ng digmaan, dalawang uri ng pag-ibig ang naghahati sa puso-ang pag-ibig para sa bayan, at ang pag-ibig para sa taong pinipili ng iyong damdamin. Si Remedios, isang dalagang maruno...
