KABANATA 20

74 5 0
                                        


      



 "   Ate remedios kapag gumawa ka nang isang pasya dapat ay alalahanin mo din ang mararamdaman ng minamahal mo.Parehas kayong nasa isang relasyon at ang ibig-sabihin kayong dalawa ang magka-tuwang ng magiging pasya para sa ikaka-buti ninyo. " payo sa akin ni dolores.




      "  Siguro nga dapat ay pag-isipan ko na muna ang bagay na 'yan. " tipid na sagot ko sa kaniya.




     " Nakita mo na ba ang liham na ipinadala niya sa iyo?Pina-akyat ko iyon sa iyong silid basahin mo na.Magandang pagkakataon na din 'yon upang mai-hayag mo sa kaniyang ang nararamdaman mo.Makakatulong kung isusulat mo iyon pabalik sa kaniya." tugon niya sa akin.




....TINUNGO KO NA ANG AKING SILID PAGKATAPOS NANG AMING PAGU-USAP NI DOLORES.SIGURO NGA AY TAMA ANG KANIYANG SINASABI.HINDI KO PWEDENG SARILININ ANG PROBLEMANG ITO DAHIL TUNGKOL ITO SA AMING DALAWA.GUSTO KO DING ITANONG SA KANIYA ANG LAHAT PARA MALIWANAGAN ANG AKING PUSO.NAKITA KO ANG LIHAM NA NAKA-PATONG SA AKING MESA..




     Mahal ko,



        Ilang araw pa lamang na ako ay wala diyan sa iyong tabi ay lubos na ang kalungkutan na aking nararamdaman.Naka-hirap nang aming dinaranas dito lubos na malaki ang pangkat ng mga Amerikanong aming kalaban.Inaamin kong may mga oras na ako'y nawawalan na ng pag-asa na maipanalo ang laban na ito.Subalit,sa tuwing maaalala ko ang iyong mukha at ang sinabi mo sa akin na "kung para sa bayan ay susuportahan mo ako"lumalakas ang aking loob at nagkakaroon ako nang dahilan upang lumaban.Nais ko nang matapos ang labanan na ito upang muli kitang mahagkan.Sana ay parati kang naka-ngiti at ligtas.Hintayin mo ako,magbabalik ako.



                                                 Goyo,





       .....IYAN ANG NAKAPA-LOOB SA LIHAM NA IPINA-DALA SA AKIN NI GOYO.KAYA NAMAN PAGKATAPOS KONG MABASA IYON .AY GUMAWA DIN AKO NANG LIHAM PARA SA KANIYA...





      Goyo,




         Lubos din ang aking kalungkutan simula nang araw nang iyong paglisan.Ngunit,naiintindihan ko na kailangan mong gawin ang responsibilidad mo para sa ating inang bayan.Huwag kang mag-alala sa akin maayos naman ang aming lagay dito.Ikinababahala ko ang iyong kaligtasan diyan sa labanan.Huwag mong kakalimutan na magdasal sapagkat ito lamang ang makapagliligtas sa iyo.Huwag mo akong masyadong paka-isipin.Ayaw kong maging hadlang sa iyong ginagawa.Maghihintay ako sa iyo.Pangako.

"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon