KABANATA 11

95 6 0
                                        


     


  "  Oh!Nakaka-istorbo ata ako sa inyong...MATAMIS na pag-uusap?" saad ni felicidad pagkalapit niya sa amin.




       " Hindi naman po.Kumukuha lamang kami ni remedios nang mga bulaklak." sagot naman ni rafael.




    "  Ah ganoon ba?Parang ngayon lamang kita nakita dito?Isa ka bang dayo?" tanong dito ni felicidad.





       " Hindi po, dito po ang aking bayan.Kababalik ko pa lamang ng espanya dahil doon ako nag-aaral ng medisina." tugon niya.



  "   Remedios hindi mo ba ako ipakikilala sa iyong KAIBIGAN?" tanong niya sa akin.



     "  Ah-eh Rafael ito nga pala si Felicidad Aguinaldo kapatid siya nang Presidente.Felicidad ito nga pala si Rafael Enriquez ang aking kababata at kaibigan." pagpapa-kilala ko sa kanilang dalawa.



    " Kaibigan?" tanong ulit ni felicidad.




   "  Opo,bakit?" tugon ko.



   "Wala naman.Nabigla lamang ako sa nakita ko kanina nang pagdating ko." saad  niya.



   "  Pabalik na sana kami nang madapa si Remedios sa isang tipak nang bato na hindi niya nakita.Kaya sinalo ko siya upang hindi masaktan ang kaniyang likod." wika ni rafael sa kaniya.




    " Ganoon ba?Sa susunod kasi remedios magi-ingat ka nang hindi ka nadadapa?" sarkastikong paalala nito sa akin.




      ...NGUMITI NA LAMANG AKO KAHIT MEDYO NAIINIS AKO SA KANIYANG MGA NASABI.NAGLAKAD NA KAMI PABALIK SA TAHANAN...




        "   Salamat nga pala kanina.Ingat ka sa paguwi." pa-alam ko sa kaniya.




....PAGKADATING KO SA TAHANAN AY AGAD NA AKONG PUMUNTA SA AKING SILID PARA MAGPAHINGA...





"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon