"Remedios sino siya?" lumapit sa akin si goyo habang nakatingin lamang si rafael kay goyo.
" Ah Goyo si Rafael kababata at matalik kong kaibigan.Rafael ito si Goyo." pagpapakilala ko sa kanilang dalawa na matalim ang tingin sa isat-isa.
" Ikaw pala si Heneral Gregorio Del Pilar?Nagagalak akong sa wakas ay nakilala na kita." pagbati ni rafael na iniabot pa ang kaniyang kamay kay goyo.
" Nagagalak din akong maka-kilala nang matalik na kaibigan ni Remedios." sagot naman ni goyo habang inia-abot ang kaniyang kamay.
" Maaari ko bang maka-usap si remedios kahit saglit lamang? " pa-alam ni Rafael kay Goyo.
" Wala namang problema iyon rafael." sabat ko sa tanong niya.
" Kung maaari sana ay tayo lamang dalawa remedios?Mahalaga ang aking sasabihin." tugon nito.
" Ano ba ang pagu-usapan ninyo na kailangan ay nasa malayo pa?Ganoon ba ka-pribado yan para kayo lamang dalawa?" tanong ni goyo kay rafael na hindi pa din binabawi ang tingin.
" Goyo,saglit lamang ako.Hintayin mo ako dito." pag-awat ko sa kanila para matigil ang masama nilang tinginan sa isat-isa.
...INAYA KO NA SA MALAYO SI RAFAEL PARA MAKAPAG-USAP....
" Pasensya na kung na-abala ko kayong dalawa." panimula ni rafael.
" Wala iyon rafael.Ano ba ang sasabihin mo? " tanong ko naman sa kaniya.
" Kailangan ko nang bumalik nang espanya remedios." malungkot na wika niya sa akin.
" Babalik ka na?Bakit parang napaka-dali naman nang naging bakasyon mo dito sa Dagupan?Hindi ba pe-pwedeng maipagpaliban yan? " sunod sunod na tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"
Fiksi SejarahPag-ibig sa Bayan o Pag-ibig sa Taong Iyong Pinakamamahal? Sa panahon ng digmaan, dalawang uri ng pag-ibig ang naghahati sa puso-ang pag-ibig para sa bayan, at ang pag-ibig para sa taong pinipili ng iyong damdamin. Si Remedios, isang dalagang maruno...
