" Magandang Umaga po Don Mariano at sa iyo din remedios." nabigla ako sa lalaking hindi ko inaasahang nasa aking harapan.
" Rafael?Ano ang iyong ginagawa dito? " tanong ko sa kaniya.
" Kailangan mo sumama sa akin pa-tungong Ilocos Sur." saad niya sa akin.
" Ha?B-Bakit? " ulit ko pang tanong sa kaniya.
" Mas mabuti kung doon mo malalaman." tugon naman niya sa akin.
" A-Ama maaari ho ba akong sumama? " pa-alam ko sa kaniya.
" Sasamahan kita anak.Dolores ikaw na muna ang bahala sa iyong mga kapatid.Magbabalik din kami agad." wika niya.
.....NAGSIMULA NA KAMING BUMYAHE PATUNGO SA ILOCOS SUR.TILA TAHIMIK ANG BAWAT ISA SA AMIN...
" Anong nangyari sa brigada ninyo? " tanong ko kay rafael upang mabasag ang katahimikan.
" Hindi na namin nakuha pa ang pagka-panalo na makuha ang ibang lugar sa Maynila.Napasa-ilalim na ito ng mga Amerikano.Nagpasya ang aming brigada na umurong sa laban dahil sa dami na ng mga tao na nalalagas sa amin.Gusto ko pa sana ituloy ang labanan.Ngunit,pinayuhan ako na umatras na para sa ikaliligtas ko." paliwanag niya sa akin.
" Totoo ba na...balak ng mga Amerikanong dakpin ang Presidente? " tanong ko sa kaniya.
" Oo remedios,balak nilang pasukuin ang buong republika para mapasa-ilalim nila ang buong bansa." tugon niya sa akin.
" Si goyo kasama siya nang Presidente.Alam mo ba kung nasaan siya?May balita ka ba mula sa kanila?Kung na-saan sila nakarating? " sunod-sunod na tanong ko sa kaniya.Pero wala akong nakuhang mga sagot.Nanatili siyang tahimik hanggang sa naka-dating na kami dito sa Ilocos.
" Saan pa ba tayo pupunta?Napaka-layo na nito rafael." tanong ni ama sa kaniya.
" Huwag ho kayong mag-alala.May sasakyan tayong kabayo na maghahatid sa atin sa taas ng bundok." sagot naman niya .
BINABASA MO ANG
"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"
Fiksi Sejarah"Pag-ibig sa bayan" o "Pag-ibig sa taong iyong pinakamamahal"?.Minsan naghihintay tayo sa isang tao na may higit na tungkulin sa bayan kesa sa atin.At kung minsan din ay nahihirapang tayong magtiwala sa isang tao at ibigay ang pagmamahal natin para...