KABANATA 18

85 5 0
                                        


   



   "    Anong sasabihin mo?Tila ba't napaka-halaga nang bagay na iyan upang puntahan ako sa ganitong oras."  tanong ko naman sa kaniya.




       " Nais kong magpa-alam sa iyo remedios." wika naman niya sa akin .




      " Magpa-alam?May laban bang magaganap? " wika ko naman.




       " Kailangan ang brigada Del Pilar sa Bataan.Napag-alamanan nang Presidente ang magaganap na paglusob ng buong fuwersa nang mga amerikano.Maliit lamang ang brigada ni Heneral Garcia kaya't kinakailangan ang aming tulong.Sana ay maunawaan mo.Mukhang dadaan na naman ang linggo at hindi ako agadang makaka-uwi dito sa Dagupan." malungkot na pa-alam niya akin habang lumapit at binigyan ako nang isang mahigpit na yakap.



        "  Nauunawaan ko goyo.Para iyan sa bayan at hindi kita pipigilan sa ganiyang mga bagay.Hiling ko lamang na magi-ingat ka doon habang malayo ka sa akin.Ipagdarasal ko ang inyong kaligtasan." tugon ko habang hawak hawak na niya ang aking mga kamay.




     "  Mahal na mahal kita remedios.Babalik ako sa iyo nang buhay .Pangako." nak-ngiting wika niya at hinagkan ang aking noo bago tuluyan nang umalis.




      ....PATUNGO NA SANA AKO SA LOOB NANG AKING SILID NANG....





      "  Ate remedios?Bakit raw napa-sugod ang heneral nang ganitong oras?Ganoon ba siya kalumbay na hindi ka nakikita nang ilang oras lamang? " tanong sa akin ni dolores nang bubuksan ko na sana ang pinto nang aking silid.Nasa may bintana siya at naka-dungaw dito.Kaya naman nilapita ko siya.




     "  Nagpa-alam lamang siya sa akin dahil may labanag magaganap na kailangan niyang pamunuan. " sagot ko naman sa kaniya nang daluhan ko siya sa pagtanaw sa aming bintana.




      " Hindi ka ba...natatakot ate? " biglang tanong sa akin ni dolores.





      " Natatakot saan?" tugon ko nang may pagtataka.



"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon