KABANATA 22

67 5 0
                                        


      Aking Remedios,

         Nais ko lamang sabihin sa iyo na kailanman ay hindi ka naging hadlang sa lahat nang aking ginagawa.Sana ay paniwalaan mo ang bagay na iyan.Mas lalo akong lumalakas at tumatapang dahil alam ko sa aking puso na nandiyan ka para ako ay suportahan.Para din sa iyo ang laban na aking sinusuong.Huwag kang mangamba dahil kasama ka sa pangarap kong ito.Tandaan mo na mahal na mahal kita.Malapit na akong bumalik at sana ay bumungad sa akin ang pinaka-magandang ngiti mula sa aking pinakamamahal.

                                            Goyo,

     Ate remedios ayos ka lamang ba?Ano ba ang naka-lagay sa liham na ipina-dala ng Heneral?(tanong sa akin ni dolores na nagpa-balik sa aking ulirat.Hindi ko namalayan na natulala na lamang ako sa papel na hawak ko ngayon dahil sa liham na aking natanggap)

     Ayos lamang ako.Kailanman ay hindi nabigo si Goyo na bigyan ng saya ang aking puso sa bawat salitang namumutawi sa kaniya.(sagot ko naman kay dolores habang ibina-balik ko sa ayos ang liham)

        Kita ko naman iyon sa mga mukha mo ate remedios.Hindi mo naman na kailangan sabihin sa akin.(nanga-asar na saad niya)

   
       Alam mo ba ngayon masasabi ko na sigurado ako sa nararamdaman ko para kay goyo.Sana ay tama ako dito dolores.(wika ko sa kaniya)

     Wala namang mali at tama sa pag-ibig ate.Pagtitiwala lamang ang mayroon.(sagot niya)

      .. .KINABUKASAN....

        Anak may mga bisita ka.(tawag sa akin ni ama pagkababa ko sa aming sala)

     Sino daw po....(hindi ko na natuloy ang aking sasabihin sapagkat nakita ko na ang mga panauhin na sinasabi niya sa akin)

     Iha,magandang umaga sa iyo.(bati sa akin ng mga magulang ni rafael)

      M-Magandang umaga din naman po.Kailan pa ho kayo dumating?(tugon ko sa kanila at naupo sa harapan nila)

     Kanina lamang kami dumating at naisipan namin na dalawin ka.(wika naman ni Doña Flaribel ang ina ni rafael)

       Maraming salamat po ngunit ano ang inyong sadya?(mahinahong tanong ko sa kanila)

       Nais ka namin maka-usap tungkol sa aming anak na si rafael.(sagot sa akin ni Don Fabian ang ama ni rafael)

      Subalit,nasa Espanya na po si Rafael.Ano po ang ating pagu-usapan tungkol sa kaniya?(tugon ko sa kanila)

      Iyon ba ang alam mo?Na tumuloy sa espanya ang aming anak?(wika ni Doña Flaribel)

      Nang huli po naming pagu-usap ay iyon ang kaniyang pa-alam sa akin.Sinabi niya na babalik siya nang Espanya upang maituloy ang kaniyang paga-aral.(paliwanag ko sa kanilang dalawa)

     Kung alam mo lamang iha!(wika nito na naka-hawak pa sa kaniyang sentido na para bang namo-mroblema)

    Alam ang alin po?Hindi ko po kayo maintindihan.(nagtatakang tanong ko sa kanila)

      Katulad nang sayo ay nagpa-alam din si rafael ngunit sa liham lamang na babalik siya ng espanya para ipag-patuloy ang kaniyang pag-aaral.Sumulat kami sa kaniya at sinabing magi-ingat siya.May isang-mayamang pamilya sa Maynila ang nag bigay ng imbitasyon sa amin para sa isang gaganaping piging sa kanilang mansyon.Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita namin si rafael .At ang mas nakaka-gulat sa kaniyang sinabi sa amin ay ang dahilan kung bakit nanatili siya sa Maynila at hindi na tumuloy sa espanya.Napag-alamanan namin na sumali siya sa Brigada nang Kawit.Isa na siyang sundalo na lumalaban remedios.Dahil sa aming pagtataka ay tinanong namin ang dahilan kung bakit niya ito ginawa?Kung bakit siya nag-sinungaling sa amin na sarili niyang mga magulang.Ngunit,ang tangi lamang niyang sinagot ay "para sa bayan".Pinilit namin siyang sumama na sa amin.Na huwag nang ituloy ang kaniyang ginagawa.Subalit ngumiti lamang siya sa amin at umalis na.(malungkot na salaysay ni Doña Flaribel)

     P-Paano?Kahit pa noong mga bata pa kami ay wala siyang nababanggit na gusto niyang sumali sa ganoon.Na lumaban at humawak ng baril.(nagtataka naman na aking saad)

      Iha tulungan mo kami.Tulungan mo kaming mapa-balik dito si rafael.(pagmamaka-awa ni Doñ Fabian)

         Subalit,paano ko ho magagawa iyon?Hindi ko alam kung papaano?May sariling pananaw at pagi-isip si rafael.Kung nakapag-pasya na sya wala na po akong magagawa.Kaibigan lamang niya ako at wala akong karapatan na pigilan siya sa mga nais niyang gawin sa kaniyang buhay.(tugon ko sa kanila)

   Mahalaga ka sa aming anak remedios.Kung totoo nga na mahalaga siya sa iyo tulungan mo kami na malayo siya sa kapahamakan.Hindi ko pinangarap ang ganoong buhay para kay rafael.(sagot ni Doña Flaribel)

    Pero...(hindi ko na natuloy ang aking sasabihin sapagkat muli na namang nagsalita si Doña Flaribel habang naka-tayo na sila para umalis)

     Nagtitiwala kami sa iyo remedios.Tulungan mo kami.(wika nito sa akin at nagtuloy-tuloy na sa pag-labas nang tahanan)

     ....NANG PAGKA-ALIS NILA AY HINDI NA MAWALA SA AKING ISIP ANG KINWENTO NILA TUNGKOL KAY RAFAEL.LUBOS ANG AKING PAGTATAKA KUNG BAKIT PINASOK NI RAFAEL ANG GANOONG BUHAY.NANIWALA AKO NA BABALIK SIYA SA ESPANYA.PERO NAPAKA-HIRAP NAMAN NG GUSTONG IPA-GAWA SA AKIN NANG KANIYANG MGA MAGULANG.HINDI KO MAAARING DIKTAHAN ANG KANIYANG BUHAY LALO NA SA PAG-GAWA NG DESISYON PARA SA KANIYANG SARILI....

     Remedios mukhang malalim yata ang iyong iniisip?(tanong sa akin ni ama na lumapit sa akin)

    Iniisip ko lang po si rafael ama.Hindi ko lubos maisip ang ginawa niyang pasya.(sagot ko sa kaniya)

    Alam mo anak dalawa lamang ang rason na aking naiisip kung bakit niya ginawa iyon.Maaaring gusto niya talaga o may nais siyang patunayan sa kaniyang buhay o sa ibang tao.(wika sa akin ni ama)

     Kilala ko si rafael ama wala siyang kahilig-hilig sa pakikipag-laban.Ngunit,ano naman ang nais niyang patunayan at kanino?(tanong ko kay ama)

     Sa ngayon ay hindi mo pa nalalaman o kahit mismo ng kaniyang magulang.Puntahan mo siya anak baka kina-kailangan niya ng kaibigan ngayon.(wika niya sa akin)

    Nais ko siyang puntahan ama ngunit hindi ko naman alam kung saan.Ang tanging sinabi sa akin ng kaniyang mga magulang ay nakita siya sa Maynila.Napaka-laki nang maynila para mahanap ko siya sa loob lamang ng isang araw ama.(sagot ko)

     Sino ba ang taong kilala mo na makakatulong sa iyo?Sino ba ang tao na alam mong isa ding sundalo?(tanong niya)

     Si ...goyo ama?Tama,siya nga ang taong  makakatulong sa akin.(sagot ko sa kaniya sabay yakap upang magpasalamat)

       Ate remedios may naghihintay sa iyo sa ibaba.(naka-ngiting wika ni rocio sa akin)

     

"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon