KABANATA 14

84 8 0
                                    





    "   HINDI MAAARI!!! " galit na tugon sa amin ni ama habang palipat-lipat ang tingin.



    "  Subalit Don Mariano mahal na mahal ko ang inyong anak.Sana ay mahayaan nyo kami sa bagay na ito." pakiusap na goyo na halos lumuhod na kay ama.




   "   Opo nga naman ama.Hayaan nyo na ang Heneral at ate Remedios.Para naman sumaya ang buhay ni ate." sabat pa ni dolores na naka-hawak na sa kamay ni ama.




   "  Ano ba ang inyong pinagsasa-sabi?Nais ko lang naman sabihin na tama ang aking hinala na HINDI MAAARING hindi mahulog ang loob ni remedios sa Heneral.Masaya ako para sa inyong dalawa.Nasa sa inyo ang aking basbas." natatawang wika ni ama na tinapik ang mga balikat na goyo.Pagkatapos,ay nilapitan ako upang yakapin.




    "  Ama,kinabahan ho ako sa inyong sagot."saad ko sa kaniya nang maka-upo na muli siya sa kaniyang upuan sa harap.




   "  Hahaha!Ano ka ba naman remedios hindi kita hahadlangan sa natatanging bagay na magpapa-saya sa iyo.Ang totoo nga niyan ay matagal na akong naka-usap nang Heneral tungkol sa bagay na ito sa akin muna siya nagpa-alam kung maaari ka bang maligawan.Sinagot ko sa kaniya na kung ako din naman ang tatanungin ay hahayaan ko siya ngunit ang huling sagot ay nasa sayo pa din.Pinayuhan ko siya na kung nais nga niyang makuha ang iyong puso ay kinakailangan niya nang mahaba-habang habulan at suyuan sa iyo remedios.Hindi ko naman akalain na hindi pala talaga madali sumuko ang Heneral.Hindi ko lubos akalain na mahuhulog ka sa kaniya.Hindi ba heneral? " pagsasalaysay ni ama habang diretsong naka-tingin kay goyo.





      " Opo Don Mariano.Kaya nga ako'y nagtataka kung bakit hindi maaari ang inyong naging sagot sa amin ni remedios." natatawang tugon ni goyo.





    " Wala akong hadlang sa inyong pagma-mahal sa isat-isa. Buong pagti-tiwala kong ibinibigay ang aking basbas  sa inyo. Ngunit, nais kong ipa-alala sa inyo na ang pag-ibig ay hindi mina-madali. Heneral, alagaan mo ang aking anak. Patunayan mo sakin na tama ang aking pasya na ipagka-tiwala sa iyo ang kanyang puso." seryosong saad ni ama.




  "  Makaka-asa ho kayo Don Mariano." naka-ngiting tugon ni goyo.





"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon