KABANATA 27

59 5 0
                                    


     


 " Hindi mo na ba talaga ako mahal? " ulit na tanong ni felicidad.


  "  Felicidad minahal kita at noon 'yon.Ngunit ngayon nagi-isang babae lamang ang mamahalin ko at nakikita kong makakasama sa habambuhay." seryosong tugon ni goyo dito.




   "  Hindi ba....kayang manumbalik ng pagmamahal mo para sa akin? " tanong niya ulit.




   "  Masaya na ako kay remedios at sana ay maging masaya ka kahit para sa akin lamang.Hangad ko ang kaligayahan mo at panalangin ko na matagpuan mo ang lalaki na magma-mahal ng buo para sa iyo." sinserong sagot ni goyo.




   "  Mukhang....wala na talaga akong magagawa.Nakikita ko sa iyong mata kung gaano mo kamahal si remedios.Patawadin mo ako kung may nagawa man akong mali sa iyo maging kay remedios.Ina-amin ko na ginawa ko ang lahat para lang masira kayo.Pero tama nga sila ang tunay na pag-ibig ay hindi madaling masira mas lalo pa itong tumatatag.Masaya ako sa konting panahon na nadama ko ang iyong pagmamahal.Sobrang sakit lamang na madali itong naglaho." umiiyak na wika nito.



      " Salamat felicidad.Masaya ako dahil nadama ko din kung paano ka magmahal.Habambuhay ko iyong dadalhin." saad ni goyo.




   "  Ipa-abot mo kay remedios ang pag-hingi ko ng kapatawaran.Nasaktan ko ang kaniyang damdamin sa aking mga sinabi sa kaniya. " saad nito.




    " Mabuti ang puso ni remedios.Kaya't kahit na hindi ka na humingi ng kapatawaran sa kaniya ay wala siyang tinanim na galit sa iyo." sagot ni goyo.




   ...PAGKATAPOS KONG MARINIG ANG LAHAT AY BUMALIK NA AKO SA AMING TAHANAN.BAGO PA NILA AKO MAABUTAN NA NAGTATAGO SA LIKOD NG PUNO....




  "  Ate saan ka nang-galing?Kanina pa kita hinahanap sa iyong silid bakit ba kung saan saan ka nagpupu-punta? " tanong sa akin ni dolores.



     " May sinundan lamang ako..." nadulas na saad ko.




      " Sinundan? " tanong naman sa akin ni dolores.




        " A-Ang ibig kong sabihin ay may pinuntahan ako." wika ko .

"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon