....MAAGA AKONG NAGISING UPANG MAGHANDA PARA SA GAGANAPING PAG-DIRIWANG KAY GOYO DA KANIYANG PAGDATING.ISASAMA DIN AKO NI AMA SA PAGTATANGHAL NA GAGANAPIN SA ILANG ORAS LAMANG NA INIAALAY NILA PARA KAY GOYO.AYOKO NA MUNA SANA SUMAMA MAMAYA.NGUNIT,PINILIT AKO NI AMA...
" Ate remedios,ayos na ba itong susuotin ko mamaya?" tanong sa akin ni dolores.
" Oo naman.Napaka ganda nang iyong kasuotan lalo na ang nagdadala.Ngumiti ka lamang at tiyak akong mas gaganda ka pa dolores." sagot ko naman sa kaniya.
" Salamat ate,ikaw ano ang iyong susuotin?Bakit hindi ka pa nakabihis mamaya na ang panonood ninyo ni ama sa gaganaping pagta-tanghal hindi ba?" tanong niya muli sa akin.
" Aayusin ko na sana ang aking sarili nang nabigla ako sa pagpasok mo sa aking silid." tugon ko din.
" Lalabas na ako nang makapaghanda ka ate remedios." sagot niya.
....BAGO AKO MALIGO AY INAYOS KO NA MUNA ANG AKING MGA SUSUOTIN...
.....MAYA-MAYA PA AY NAKATAPOS NA AKO SA AKING PAGHAHANDA....
" Ama,lalabas lamang muna ako saglit.Babalik din ako agad bago ang pagtatanghal." paalam ko.
" Osige anak!' sagot nito.
....MAGI-IKOT NA SANA AKO NANG NAPANSIN KO KUNG SINO AT ANO ANG PINALILIBUTAN NANG MGA TAO LALO NA NANG MGA KABABAIHAN.ANG BATANG HENERAL...
" Napaka-tikas talaga nang kaniyang tindig!" sabi nang isa sa mga babae.
" Sino ba namang babae ang hindi mahuhulog sa kaniya? "
" Nako!Tayo ay mag-ingat pa mandin sa heneral na yan ah.Bali-balita na kay daming kababaihan ang pinapaiyak niyan."
" Talaga?"
" May kasabihan nga na wag tayong magpapa-goyo! "
BINABASA MO ANG
"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"
Ficción HistóricaPag-ibig sa Bayan o Pag-ibig sa Taong Iyong Pinakamamahal? Sa panahon ng digmaan, dalawang uri ng pag-ibig ang naghahati sa puso-ang pag-ibig para sa bayan, at ang pag-ibig para sa taong pinipili ng iyong damdamin. Si Remedios, isang dalagang maruno...
