KABANATA 2:

377 13 0
                                    


           



 
       ...NAGLALAKAD KAMI NGAYON NI ARABELLA ISA SA AMING TAGAPAGSILBI SA PAMILIHANG BAYAN DITO.MAS GUSTO NI AMA NA IBA NA LAMANG ANG MAGPUNTA DITO KAYSA SA AKIN.NGUNIT,GUSTO KO AY LAGING MAAYOS AT SARIWA ANG MGA PAGKAIN NA INIHAHANDA SA AMING HAPAG.ANG SABI SA AKIN NI AMA AY NAKUHA KO ANG BAGAY NA ITO SA AKING INA.NGUNIT,SA KASAMAANG PALAD AY MATAGAL NA NAMIN SIYANG HINDI KAPILING DAHIL SA KAPALARANG KANIYANG NAKUHA NANG PINANGANAK NIYA ANG BUNSO NAMING KAPATID....

   





  " Binibini ano ang iyong masasabi ukol sa pagkamatay ni Heneral Antonio Luna?"  biglang tanong sa akin ni arabella.






      " Si Heneral Luna?Maraming kwento-kwento na ang aking narinig tungkol sa kaniya kabilang na din ang nangyaring pagpatay sa kaniya.Para sa akin ay hindi niya dapat na makuha ang ganoong paghihirap.Ngunit,hindi natin masasabi ang buhay nang tao arabella." tugon ko sa kaniya.






       "Nakatakas daw ang isa sa mga tauhan nang heneral at pinaghahanap na siya ngayon."           saad pa niya






   " Sino ang iyong tinutukoy?" tanong ko






  "  Hindi ko matukoy ang pagkaka-kilanlan binibini.Narinig ko lamang sa mga umpukan kani-kanina.Nagtatago siya ngayon at pinaghaha-hanap nang mga sundalo ng ating Presidente."sagot niya






     "  Kung nasaan man siyang lupalop nang mundo ay hayaan na lamang natin dahil wala tayong magagawa sa bagay na iyon.Halika na bilisan natin at baka abutin tayo ng dapit hapon sa pamimili." dagdag ko pa







......UNA NAMIN PINUNTAHAN NI ARABELLA ANG BILIHAN NANG MGA SARIWANG ISDA.BUTI AT NAITURO SA AKIN NI AMA KUNG PAANO TUMINGIN SA MGA GANITO.SUNOD NAMAN AY ANG GULAYAN KUNG SAAN NAPAKA BERDE NANG KULAY NG MGA GULAY NA NARIRITO.AT HULI KAMING NAGTUNGO SA BILIHAN NANG KARNE.PAGKATAPOS NAMIN MAPUNTAHAN ANG LAHAT NANG ITO.AY NAGTUNGO NA KAMI SA BANGKA NA NAGHIHINTAY PARA SA AMIN...

"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon