" Nagiging hadlang ba ako sa kaniya? " wala sa sarili kong tanong habang naka-tungo lamang ako at nagi-isip.
" Hindi mo man lamang ba napansin ang pagkakamaling iyon remedios? " tanonong niya sa akin na may nanliliit na mga mata.
" Ngunit,sa tingin ko kailanman ay hindi ako naging sagabal sa kaniyang responsibilidad.Kahit na kailan ay hindi ko siya pinigalan na sundin ang utos ng Presidente at mamuno sa labanan. " sagot ko sa kaniya at tiningnan ko siya nang diretso.
" Iyan ba ang iyong akala?Hindi mo man lamang ba nararamdaman ang pagtatalo sa loob loob ni goyo?Kung dapat ba siyang umalis para sa kaniyang responsibilidad o manatili lang dito upang hindi ka malumbay? " wika niya sa akin.
" Bakit mo ba ginagawa ang bagay na ito felicidad?Bakit mo kina-kailangan na gamitin ang posisyon na mayroon si goyo upang bumalik siya sa iyong piling at muli kang mahalin?Ganyan ka na ba ka-desperada para lamang muling mahalin ka ni goyo? " matigas na saad ko sa kaniya.Kita sa kaniyang mga mukha ang pagka-bigla sa aking sinabi.
" Ano ang iyong sinabi?Wala kang karapatan upang pagsalitaan ako nang ganyan remedios!!" galit na usal nito sa akin.
" Wala ka ding karapatan na putulin o hadlangan kung ano man ang namamagitan sa amin ni goyo.Alam mo ba felicidad hindi ako to.. hindi ko kayang magsalita sa ibang tao nang ganito.Pero dahil sa sumo-sobra na ang iyong pagu-ugali ay hindi na kaya nang aking sarili na mag-timpi pa sa iyong mga sinasabi.Hindi ko na kaya pang manahimik at ipagsawalang-bahala ang iyong mga sinasabi sa akin.Kung nais mong makuha si goyo at muling manumbalik ang lahat nang bagay na nasayo ayusin mo muna ang iyong pagkatao.Kausapin mo si goyo sabihin mo sa kaniya ang iyong nararamdaman hanggang ngayon kapag nagawa mo siyang pabalikin sa iyo,hahayaan ko yun.Pero kung hindi na at wala ka nang magawa upang mapa sa iyo muli sya.Tigilan mo na ako felicidad. " huling winika ko sa kaniya pagkatapos ay bumalik na sa hapag.Pinigilan kong maluha sa mga sinabi sa akin ni felicidad dahil sagad sa aking puso ang lahat nang ito.
" Anak,napaka-tagal naman nang iyong pag-balik? " tanong sa akin ni ama nang pagka-upo ko.
" Pasensya ka na ama.Sinamahan ko pa si felicidad. " Sagot ko sa kaniya.
" Mabuti naman at nagiging maayos ang inyong pakiki-tungo sa isat-isa. " saad sa akin nang Presidente.
BINABASA MO ANG
"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"
Ficção HistóricaPag-ibig sa Bayan o Pag-ibig sa Taong Iyong Pinakamamahal? Sa panahon ng digmaan, dalawang uri ng pag-ibig ang naghahati sa puso-ang pag-ibig para sa bayan, at ang pag-ibig para sa taong pinipili ng iyong damdamin. Si Remedios, isang dalagang maruno...
