KABANATA 10

95 7 0
                                        


      


  " ANO ANG NANGYARI KAY GOYO?MAY MASAMA BANG NANGYARI SA KANIYA?" sunod-sunod na tanong ko kay dolores.



     "  Dolores bakit ba hindi mo ako sinasagot?" dagdag ko pa sa kaniya.



    ....HINDI KO ALAM NGUNIT KINAKABAHAN AKO SA MAAARING ISAGOT SA AKIN NANG AKING KAPATID...



         "  Huminahon ka ate remedios nais ko lamang ipa-batid sa iyo na sumulat muli sa iyo ang Heneral." sagot niya sa akin.



         " Bakit ba ganoon ang iyong reaksyon?Akala ko ay may kung ano na ang nangyari sa kaniya?" saad ko sa kaniya.



      ......NAGSIMULA NA AKONG MAGLAKAD PABALIK SA AKING SILID PARA BASAHIN ANG SULAT NI GOYO.NASA LIKOD KO NAMAN NAKA SUNOD SI DOLORES...




       " Nahuhulog ka na ba kay Heneral Del Pilar ate remedios?" tanong niya sa akin nang pagdating namin sa silid.



   "  Ano ba ang iyong sinasabi? " wika ko.



   "  Hindi magiging ganoon ang iyong reaksyon kung wala lamang ang nararamdaman para sa kaniya.Kaya mag-tapat kana sa akin aking kapatid." tugon niya sa aking sinabi.



   "  Oo na oo na dolores.Aaminin ko na ang nararamdaman ko sa Heneral." sagot ko.



    " Kung ganoon ay bakit hindi mo pa sa kaniya sabihin ate remedios?" tanong pa nito sa akin.




    " Ayoko na muna dolores.Hindi pa ako sigurado.Ayokong magsabi nang tapos.Gusto ko na muna makita kung hanggang saan ang nararamdaman ko para sa kaniya." saad ko.




    " Bakit ba hindi ka pa din sigurado?" tanong niya sa akin.




  "  Paano kung humahanga lamang ako sa kaniya?Paano kung hindi naman pala pang-matagalan ang pagmamahal na kaya niyang ibigay sa akin?Paano kung naglalaro lang pala siya.Katulad nang mga nakaraang babae niya." sagot ko dito.



     " Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa niya para sa iyo ate remedios?Yung pangako niyang maghihintay siya sa iyo? " tanong niya ulit.

"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon