" Nakikita mo ba? " tanong niya sa akin na pareho kaming naka-tingala sa kalangitan at sinusulyapan ang pinaka-maliwanag na bituin.
" Napaka-ganda nya goyo." saad ko sa kaniya habang naka-ngiting tinitignan ang bituin.
" Gusto kong mangako ka sa akin remedios." saad niya.
" Mangako nang ano? " tanong ko.
" Sa tuwing wala ako sa tabi mo ipangako mo sa akin na titingin ka sa bituin na 'yan.Ganoon din ang aking gagawin kapag malayo ako sayo.Dahil ang bituin na yan ay para lamang sa atin,sa ating dalawa lang." seryosong tugon niya sa akin.
" Bakit ka naman malalayo sa akin? " wika ko.
" Hindi ba't maraming pagkakataon na nade-destino ako sa malayo?Kaya't upang hindi tayo malumbay kapag wala ang isa sa atin.Ang bituin na 'yan ang magsisilbing tanglaw natin." naka-ngiti na saad niya.
....ILANG ORAS LAMANG AY INIHATID NIYA NA AKO SA AMING TAHANAN...
" Matulog ka nang mahimbing.Magandang gabi mahal ko." pa-alam niya sa akin.
" Mag-ingat ka." pa-alam ko din naman sa kaniya.
......KINABUKASAN....
....MAAGA AKO NAGISING AT MAGPAPASAMA AKO KAY ARABELLA NA MAMILI SA PAMILIHANG BAYAN NG MGA PUTAHE NA AKING IHAHANDA PARA SA TANGHALIAN MAMAYA KASAMA ANG PRESIDENTE.ANG PAMILYA NI GOYO.NAIS KO NA AKO MISMO ANG MAGLUTO PARA SA KANILA....
" Arabella mas mabuti kang maghiwalay tayo at mag-hati sa mga bibilhin para mas maaga tayong maka-uwi." payo ko sa kaniya.
" Pero binibini...wala kayong kasama.Baka kung mapa-ano kayo." di pagsang-ayon niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/215841745-288-k361951.jpg)
BINABASA MO ANG
"SA SUSUNOD NA HABAMBUHAY"
Fiksi Sejarah"Pag-ibig sa bayan" o "Pag-ibig sa taong iyong pinakamamahal"?.Minsan naghihintay tayo sa isang tao na may higit na tungkulin sa bayan kesa sa atin.At kung minsan din ay nahihirapang tayong magtiwala sa isang tao at ibigay ang pagmamahal natin para...