Marie's POV
My parents separated when I was five years old. At dahil bata pa ako no'n, the authority give the rights to my mom. Kaya kaming dalawa na ang magkasama hanggang sa naging teen na ako.
Mom and I were happy, kahit kaming dalawa lang. We help each other and make each other happy. Para sa akin, kahit na kami lang ay sapat na. I'm already contented with it.
But, not until my mom decided to be married again, after my 16th birthday.
Pero kahit labag sa kalooban ko, pilit akong naging masaya. Sino ba naman ang hindi gugustuhing sumaya ang kanyang ina? Wala naman diba?
Napakasaya ng mom ko, pati ang mga bisita, silang lahat. Ako lang ang hindi. Pero anong magagawa ko? Wala. Kaya, pilit akong ngumingiti para sa kanya.
But after their wedding, my step father secretly leave the reception, with me. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginawa.
He brought me to a motel. I dont know if what he needs. Hindi ko rin alam kung bakit niya ako isinama.
Matapos non ay dinala naman niya ako sa isang kwarto at nagulat na lang ako nang bigla niya akong itulak, dahilan upang mapahiga ako sa kama.
"Hindi naman ang mama mo ang gusto ko. Ikaw, Marie... Ikaw... Wag kang mag alala, masaya naman tong gagawin natin e. Kaya mahiga ka na lang dyan."
Natakot ako ng lubos dahil sa sinabi niya. Kinikilabutan ako. Kasabay no'n, luha ang naging sagot ko sa narinig ko.
Hindi ko akalaing ang ikalawang asawa ng nanay ko, magkakainteres sa akin. At iyon ang pinaka nakakatakot na pangyari sa buhay ko... Ang magustuhan ako ng asawa ng nanay ko.
"Ayoko sayo!" sabay sipa at tulak ko sa kanya. Buti na lang at natumba siya. Kaya naman, agad akong nakatakas.
Takbo ako ng takbo habang umiiyak. Nakalabas na ako ng hotel na iyon, pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko kabisado ang lugar na ito.
Saan ba ako dinala ng lalaking iyon?
Dapat malaman ito ng aking ina! Malaki ang pagsisisi ko na hindi ko sinabing ayaw ko sa lalaking iyon in the first place!
Saan na ako pupunta nito?
Naglalakad lang ako sa daan. Walang pera, walang dalang cellphone. Sarili ko lang ang dala ko.
Buti na lang, may tricycle na dumaan. Pakikiusapan ko na lang siya.
Papara sana ako nang siya na mismo ang huminto sa harapan ko. Nang makahinto ay bumaba siya sa tricycle niya, at agad na itinuon ang atensiyon sa akin.
"Ineng, gabing gabi na!" rinig kong sabi niya.
"Ma-manong.... Pwede po bang magpahatid sa eskwelahan namin?" tanong ko agad sa kanya. Buti na lang, pumayag siya.
Kaagad niya akong pinasakay sa tricycle. Sinabi ko ang pangalan ng eskwelahan namin. Buti na lang at alam niya kung nasaan iyon.
Alam ko na kasi kung paano makauwi sa bahay mula sa school, kaya doon na lang ako nagpahatid.
At nang makarating ay bababa na sana ako nang pigilan niya ako.
"Nako, ineng. Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita. Delikado rito sa daan, lalo na at menor de edad ka." sabi niya.
"E manong, wala ho akong perang dala rito..."
"Ayos lang, ineng. Ihahatid na kita sa inyo." rinig kong sabi niya. Kaya naman, nakaramdam ako ng kapanatagan. Medyo.
Itinuro ko kung saan ang daan na tatahakin papunta sa bahay. Pero kahit na ganon, hindi pa rin ako nakaligtas sa mga luhang kanina pa tumutulo galing sa mga mata ko.
Ang lakas ng loob ng lalaking iyon na gawin ang bagay na yon sa'kin.
Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating din kami sa wakas.
"Manong, dito po muna kayo. Kukunin ko lang ang bayad--"
"Hindi na, ineng. Ayos na sa akin na nakauwi ka ng maayos sa bahay ninyo." sabi niya.
"Sigurado ho kayo?"
"Oo."
"S-salamat ho."
Hindi na siya sumagot. Nginitian niya na lang ako, at saka umalis.
Ako naman, inayos ko muna ang eyeglasses na suot ko bago ako pumasok ng bahay. Ewan ko, kinakabahan ako. Takot ako na makita yung pagmumukha niya.
Sana naunahan ko siya. Isusumbong ko kay mama yung ginawa niya sa akin.
Pero nang pumasok ko sa bahay, agad na sumalubong sa akin ang mukha niya. Hinanap ng mga mata ko si mama pero hindi ko siya nakita.
Kaya naman, agad akong napaiwas ng tingin. At narinig ko siyang nagsalita.
"Hindi nga kita nagalaw kanina. Pero wag kang kompyansa Marie. Magkakasama na tayo sa bahay ngayon."
Mas natakot ako sa mga lumalabas sa bibig niya. Pero nagtapang tapangan ako at hindi ko na siya pinansin pa. Agad na akong dumiretso sa kwarto ko.
Nang makapasok na ako sa kwarto, nag lock ako kaagad. Takot akong baka pasukin niya ako rito.
Nang nai-lock ko na ang pinto, napaupo na lang ako at napasandal sa pintuang nakasara. Doon, muli akong napaluha.
Bakit dumating pa ang taong iyon sa buhay namin? Ano na lang ang gagawin ng taong iyon sa akin? Makakapagsumbong pa ba ako kay mama? Ano nang gagawin ko?