Ellaine's POV
Gumising sa akin ang liwanag na galing sa sikat ng araw. At nang magising ako, muling nasira ang mood ko. Naalala ko kasi ulit ang nangyari kagabi.
"Señorita, buksan niyo na po ang pinto." rinig ko habang may kumakatok sa pinto. Muli akong napapikit dahil sa narinig ko.
Señorita na naman? Ayaw kong tinatawag akong ganon. Isa pa, wala akong ganang bumangon. Maliban kay mama Desa, ayaw ko silang makita ngayong araw.
Pilit akong bumangon, at kinuha ang phone ko. Nanalamin ako sa phone screen ko at lumobo yung eyebags ko. Kahit yata mag make up pa ako, malalaman pa rin nila na umiyak ako.
Kaya hindi muna siguro ako magtu-tutor kay Yohan ngayon. Dahil sa pag iyak rin kasi, bahagyang sumakit ang ulo ko. Sayang, gustong gusto ko pa namang makita si baby Yohan.
Hinanap ko kaagad ang number ni tita Veronica. And I send her a message na hindi muna ako pupunta dahil sa 'emergency'. Maya maya pa ay naka receive ako ng mensahe mula sa kanya.
Nakahinga ako ng maluwag nang mabasang ayos lang na hindi ako makapunta. I'm a little bit happy that she understands me.
Naisip ko lang. Halos magiging kasing laki na siguro ni Yohan ang anak namin ni Hae Jun, if our angel is still here.
Sana, buhay pa rin siya.
Nakaramdam ako ng luha sa mga pisngi ko. Pero, tinuyo ko ang aking pisngi gamit ang kamay ko.
Ilang minuto pa ang pinalampas ko at wala na akong narinig na kumatok. Buti naman. I only want to be here, in my room. Medyo masakit ang mga mata ko. Kaya muli kong ipinikit ang aking mga mata.
Pero, pagkapikit ko pa lang, muli na naman akong nakarinig ng katok, at 'señorita'. Wala na akong iba pang nagawa kundi ang tumayo at pagbuksan ng pinto ang katulong na kanina pa siguro naghihintay.
Nang binuksan ko ang pinto, tumambad sa akin ang isang maid na may dala dalang tray ng pagkain.
"Galing po ito kay Maam Desa. Ipinagluto niya ho kayo ng agahan. Alam po kasi niya na ayaw niyo ng pagkain na hinahanda ng mga tagaluto rito." sabi niya.
And I looked at the tray. Sunny side up eggs, fried rice, at ham. Gatas, at ilang hiwa ng prutas, saka may sticky note na kasama.
Napangiti ako dahil doon.
Kinuha ko ang tray at nagpasalamat sa katulong. She just smiled at me, then umalis rin.
Matapos kong mailapag sa coffee table ang pagkain ay isinara kong muli ang pinto ng kwarto. Saka ko agad na kinain ang inihanda ni mama Desa para sa akin.
Kasabay non ay ang pagbasa ko sa note na kasama doon.
"Nak, pasensiya ka na at hindi kita napuntahan sa kwarto mo. I'm also shocked from what I knew and tried to talk with your father. I convinced him but his decision was final. Pero, hayaan mo. Wala silang lahat ngayon. Its just the two of us. We'll do everything you want. Okay? Smile, sweetie. Mom loves you❤." -Mama Desa.
And she's so sweet when it comes to me. Super. She really made me smile.
So, I really finished my meal. After that, I did my morning routine. And today, dahil wala sila at kami lang ni mama, magagawa ko ang gusto ko.
Wear the simpliest clothes in my closet, with no make up, and be my real self.
Lumabas ako ng kwarto ko at agad na nagtungo sa kusina. Hindi ko kasi alam kung nasaan si mama Desa. I will find her.
"Ayos na po ba kayo, Ms. Ellaine?" tanong ng isang maid na matagal nang nagtatrabaho rito, si manang Oring. Napangiti ako, at tumango.
"Manang, Ellaine na lang po."
Ngumiti siya, saka napabuntong hininga. "Buti ka pa, pumapayag na pangalan mo lang ang itawag sayo. Pareho kayo ni Desa. Pero yung isang impakta at mga impaktita niyang anak, isama mo pa yung asawa niyang impakto rin, gustong magpahirang na mga señor, señora, at señorita. Di naman bagay sa kanila." naiinis niyang turan.
Napailing na lang ako. Pero, at the same time, parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Akala ko, kaming dalawa lang ni mama Desa ang magkakampi rito. Hindi pala. Kasama rin namin si manang Oreng.
Impakta, impaktita, at impakto. Alam kong hindi mabuting pagsabihan mo ng ganyang mga salita ang iyong kapwa. Pero sa ugali kasi nila, bagay naman silang pangalanan ng ganyan.
Forgive me Lord, but I cant handle this anger anymore. Patawarin niyo ho ako. Forgive us.
"Hinahanap mo ba si Desa?" tanong niya. And I nod. "Kausap niya yung security guards doon sa labas. Alam niya kasing nalungkot ka ng sobra kagabi. At gusto niya na maibsan ang lungkot na nadarama niyo. Kaya pinakiusapan niya ang mga ito na magbantay hanggang sa dumating ulit sila sa bahay." paliwanag niya.
"Isa pa, papayagan niya kaming magpahinga muna pagkatapos ng mga ginagawa namin." napangiti siya. "Buti pa siya. Samantalang yung isang pamilya rito, parang walang paa at kamay. Lagi na lang kaming tinatawag." napapailing siya habang nagsasalita.
"Pagkatapos niyo sa ginagawa niyo, magpahinga kayo gaya ng sabi ni mama, okay?"
And then she nods and smiled at me. And I did the same thing. Matapos non ay bumaba ako at doon ko na nakita si mama na papasok sa loob ng bahay.
"Buti naman at lumabas ka na, sweetie. Alalang alala ako sayo." hinaplos niya ang aking buhok at mukha. "Ngayong wala sila, gagawin natin ang mga gusto mo. So, anong gusto mong unahin natin?" tanong niya.
Napaisip ako. Ayaw kong lumabas o gumala. Dito na lang ako sa bahay. Teka, baka pwede akong magpa deliver ng pagkain! Tama!
Hindi ko kasi iyon nagawa sa London dati. They forbid me to do that. But now, gagawin ko iyon. Pero ang tanong, papayagan kaya ako ni mama Desa?
I told her about it. And she agreed. Natuwa pa nga siya nang malaman niyang balak kong magpa deliver ng seasoned chicken saka spicy noodles. Kasi, kumakain din pala siya ng ganon.
Akala ko, ako lang. Pero, hindi.
AND IT HAPPENED. We enjoy every moment eating the foods we both ordered while watching korean dramas. Mama Desa let all the maids and all the house workers have rest. And also, she give refreshments to the guards while nagbabantay sila.
Kami naman, nanonood lang habang kumakain. And I discovered that she's a korean drama lover, ngayon ko lang nalaman.
At dahil doon, naalala ko si Steve. He's a korean, pure korean. Kaya ipinasok ko ang pangalan niya sa esksena.
"Talaga? Korean pala yun? Ano nga ulit ang pangalan niya?" tanong niya sa akin.
"Steve...Reo? Basta, I call him Steve. Kakilala rin siya nina Tita Veronica. And ma, he's very kind, and gentleman."
Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti habang dine-describe ko siya ngayon kay mama.
She smiled. "My darling is now liking someone." she said.
Napailing na lamang ako dahil sa sinabi niya. Pero, natutuwa ako. Dahil hindi talaga niya pinag usapan ang nangyari kagabi. She really wants me to get out from all stress na natamo ko last night.
Maiba ako. Well, I admit na may iba akong feeling na nararamdaman when it comes to Steve, whenever I'm with him. And it makes me super happy , and at the same time, kinikilig din ako.
Ewan ko ba. I only felt that feeling eith Hae Jun before. Pero, hinayaan ko na lang. Maybe, its really like, as what mama said. It is now happening on me. I am starting to like someone, again.
Pero, parang hindi na iyon maaari. Dahil naalala ko ang Revierre na iyon. And dad said I'm gonna marry him whether I like it or not. And I have no more choice.