kabanata 13

1.4K 20 0
                                    

Steve's POV

Nang mawala na ang hang over ko, agad na akong nag ayos at nagbihis.

I still didnt moved on about me and Maureen, but I can handle it. Just like before, just docus to work. At iyon ang gagawin ko.

Hindi na ako nag agahan. Magpapalibre na lang ako kay nanang Fe. Bukas pa naman yung convenience store niya e, iba nga lang ang nagbabantay.

Kasi busy siya sa tatlo niyang mga apo. Sina Zairre, Zember, at Zann.

Hindi ko na rin nabibisita ang mga cute na batang yon. Ang dami kasing trabaho e. Madalas out of town ang guestings.

Big time na kasi ang bago naming entertainment, ang Triple A. At isa ako sa mga naging parte ng success na iyon. Thanks to our bro, Dragon.

Nang makabalik kami sa building ay nalaman naming lumipat na ng condo si Ford. Sinabi ni Drag sa amin. At bilang nakababata naman kami ni Kiel, syempre magiging pasaway na naman kami.

Alam naman naming ayaw talaga ni Ford ang iniistorbo siya kaya lang, gusto namin yun e. Kaya ngayon ay nandito na kami ni Kiel.

"Ffffoooorrrdddd!"

At nandito na nga kami. We just opened the door.

"How's your day bro?" sabay akbay ni Kiel kay Ford. Natawa na lang ako.

"You... You just moved here in your new condo nang hindi sinasabi sa amin!"

Di man lang niya sinabi sa amin e. Pa secret secret pa to, sinama pa si Dragon. Hays. Ngayon, kita na ang pagtataka sa mga mata niya. Kaya napangiti na lang ako.

"Dragon told me. He gave us your address kaya nalaman namin na dito ka na tumitira."

Siguro, pareho talaga kami ng iniisip ni Kiel, at dinaganan na lang namin si Ford.

"Can we sleep here, please? Sige na! Di kami magkakalat." sabi ni Kiel. Oo nga naman...

Syempre, sumang ayon naman ako at tinulungan ko pa si Kiel sa pangungumbinsi kay Ford kaya sa huli, napa-oo na siya. Yes!

"Tsaka nga pala, nagpa-apply ako ng P.A., para sa amin ni Kiel. I just shared, baka sakaling gusto mo rin." sabi ko. Nakadagan pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.

Nag pa apply nga pala kami para makahanap kami ng P.A. Ngayon ko lang naalala. Hang over. At isa iyon sa dahilan kung bakit kami narito.

Ngayon kasi, disbanded na ang CHANSE but we are all artists pa rin naman, under Drag's company, yung Triple A. Hindi pa rin humuhupa ang mga endorsements, fanmeets, at solo mall tours kaya nakakapagod rin. Kaya, I think I need a P. A.

"Give me the list of your applicants. Mamimili na lang ako roon." sabi Ford.

"Yes, boss."

Sabi na e. I know he will say that.

DAYS PASSED, And we are currently in Baguio. Ipinatapon na naman kami ni Dragon sa kung saan.

Joke lang.

May mga invitations lang kasi rito. For mall tours, endorsements. Saka may shooting din. Kaya nandito kami.

Its also a perfect time rin naman para mamasyal, pero hindi nangyari iyon. Kasi naman, nakalimutan namin ni Kiel yung tungkol sa paghahanap ng P.A. 

At nalagot kami kay Ford.

Kaya ngayon, aligaga pa rin kami. Nawala kasi ni Kiel yung file nung mga applicant e. He told us na ngayon ang sched niya for interview. Pero, hindi pa nakakapili si Ford. Nakapili na ako, si Kiel rin nakapili na. The problem is... iisang tao lang ang napili namin.

"Pano na to?" tanong ko sa kanya.

"E...wan?" sagot niya.

Nako naman Kiel e! Patay tayo dun! Maya maya pa ay tumawag si Ford. Ayan na... Simula na ng giyera.

Sinagot naman ni Kiel ang tawag. At napalikit na lang ako nang marinig ang boses ni Ford. Ganyan ba talaga kapag tumatanda na?

Peace Ford.

"Sorry na nga kasi!" rinig kong sabi ni Kiel.

Hindi pa niya nakikita ang listahan ng mga aplikanteng mag a-apply. Hindi namin talaga na may shooting kami ni Kiel sa Baguio at bukas pa ang balik namin.

"Wala tayong choice. Tutal, same person lang naman ang napili natin, ito na lang ang ibigay nating kay Ford." sabi ni Kiel.

And I agreed. Mabait naman yang si Ford dati e. Ngayon lang yan naging masungitin.
Ano kayang nangyari dun?

Agad na tinawagan ni Kiel ang recruiter. At sinabing papuntahin na sa condo ni Ford yung applicant.

Hays.

"Let me send you her infos, sa email mo, okay?" sabi niya habang nasa kabilang linya pa si Ford.

Ako naman, kinuha ko ang laptop ni Kiel at ako na ang nag send.

"Fine!" and he ended the call.

"Sa wakas... Natapos rin ang problema natin." sabi ni Kiel.

Tama ka. Hays.

One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon