Ellaine's POV
Isang sampal na ang natanggap ko mula kay lola. Ito ang agad na sumalubong sa akin nang makarating kami sa bahay na ito.
And, it broke my heart.Hindi ko alam pero nang sinampal niya ako, pakiramdam ko na parang binalewala niya ang ilang taon naming pinagsamahan sa London.
Parang hindi niya ako apo. Kung sa bagay, she never treat me like one.
Hindi siya nagsalita matapos niya akong sampalin. Umalis lamang siya sa aking harapan.
Si lola pa lang ang sumampal sa akin, pero ang sakit na ng mukha ko. Paano pa kaya kung si dad? O si lolo? O silang lahat? Maybe, they want me dead.
Sunod na sinampal ako nina Conie at Georgia. Sabay pa nila akong sinampal, dahilan iyon upang makaramdam ako ng kaunting pagkahilo. Ngunit hindi ko ito pinakita sa kanila.
Mas lalo lang naman nila akong pagmamalupitan.
"Walang hiya ka, Ellaine. Papatayin mo talaga pati kami?!" rinig kong sabi ni Georgia matapos nila akong sampalin.
Buti na lang at hindi na nila iyon inulit pa.
Nabigla naman ako nang makaramdam akong muli ng sampal mula kita tita Sally at tita Judith, at magkasunod pa talaga sila.
Gaya ni lola, hindi rin sila nagsalita. Iyon lamang ang ginawa nila sa akin.Tito Rey and tito Simon did not slapped my face. I only heard hurtful words from them. And, it hurts me more. Akala ko, hindi rin ako sasampalin ni tito Randy. But I'm wrong. Because, he slapped me two times.
"Napakawalang hiya mong babae ka!" iyon lamang ang narinig ko mula sa kanya, ngunit hindi ko pa rin ipinakitang nasaktan ako sa kaniyang sinabi.
Hindi na ako nag expect na hindi ako sasampalin ni dad. Because he did what tito Randy did on me. He slap my face, until he gets contented.
"Sampung buwan mo kaming pinahirapan, Ellaine. Ngayon, pagbabayaran mo ang sampung buwan na iyon." he said.
"You escaped in this house just to do whatever you want. I dont know that you're lusting for someone. Hindi ka ba talaga natuto? Ipinahiya mo na kami dati, at balak mong gawin ulit ito ngayon?! No. Hindi na iyon mauulit, Ellaine. Hindi na!" dagdag niya.
Pinaulanan pa niya ako ng iba pang mga masasakit na salita, and that is the reason why I decided to let my tears fall out. I can't take it anymore. Hindi ko na kayang magtiis lalo pa at ang sarili ko nang ama ang gumawa sa akin ng mga bagay na ito.
Hanggang sa naisip ko na lang ang mga nangyari dati. Mula nang lumaki ako, hanggang sa dumating ako sa pamamahay na ito. And all of that was a nightmare for me.
Habang pinapakinggan ko ang tagos sa pusong salita at mga sumbat ni dad, hindi ko naiwasang itanong ito sa aking sarili.
Hindi ba talaga mahalaga sa kanila ang kasiyahan ko? Hindi ba talaga importante ang kaligayahan ko? Wala na ba talagang importansya ang mga nararamdaman ko?
Hindi ba nila ako matatanggap kung taliwas ang lahat ng mga desisyon at kagustuhan ko sa buhay?
Bakit?
Why I have this kind of life?
Bakit nga ba? Hindi ko alam.
After my dad, I received one slap from my grandfather. At napakalakas nito, dahilan ito upang tuluyang magdilim ang paningin ko.
Mukha ko lang ang pinuntirya nila. Pero, parang buong katawan ko yata ang nasaktan.
Naramdaman ko pa ang huling butil ng luha na tumulo sa aking pisngi. After that, unti unti na akong nawawalan ng malay.