Ellaine's POV
Muli kong ibinalik ang aking mga mata sa mga kasama ko. At ngayon, lahat sila ay umiiyak dahil sa takot na patayin sila ng mga armadong lalaking nasa kanilang harapan.
"Akala namin, hindi ka na namin makikita Ellaine." napatingin ako kay Lolo nang narinig ko siyang magsalita.
"You're a brazen, shameless child." dagdag nito. Kalmado man ngunit alam kong galit na galit si lolo sa akin. "Hindi ka na talaga nadala. And this makes me even hate you."
I know, because he doesnt like me even before.
Hindi na lamang ako nagsalita. At lubos na nakaramdam ako ng takot hindi para sa sarili ko kundi para kina Ellie. Dahil wala naman silang kinalaman dito.
"Huwag mo silang sasaktan. Wala silang alam dito, dad."
"Hindi naman namin sila sasaktan, kapag sumama ka sa amin." he said, and he looked at me with angry and serious face.
"Ayaw ko nang sumama sa inyo. Ayoko nang bumalik sa bahay na iyon. Ayoko na, dad." ramdam ko na lamang ang pag agos ng luha ko.
But I just cry. I just keep on crying, at ilang beses akong napailing. I really dont want to go back. I wanna stay here.
"Hindi ka sasama sa amin?" tanong niya. Hindi ako nakasagot.
Nagulat na lamang ako nang biglang lumapit si dad sa akin at hinawakan niya ang braso ko. Pilit niya akong hinila papalabas.
"Bitiwan mo ako! Nasasaktan ako, dad! Saan mo ako dadalhin?!" paulit ulit kong tanong, but he's not answering.
Pero, hindi na ako naghanap ng ibang sagot nang makita ko ang halos lahat ng mga boarders sa labas. At bawat isang tao ay tinututukan nila ng baril.
"Maawa naman kayo sa amin... Wala kaming kasalanan..." rinig kong sabi ni mader Della. Mader...
Mas napaluha ako dahil doon. Nadamay sila sa gulong ginawa ko.
"Isang tango ko lang, mamatay silang lahat Ellaine." napatingin ako kau dad nang sabihin niya ito.
"Hindi mo gustong mamatay sila, di'ba? At hindi mo rin gugustuhing ikaw ang managot para sa kamatayan nilang lahat, Ellaine. Kaya mamili ka. Sasama ka? O mamamatay sila?" dagdag niya.
Nilingon ko sina mader Della at ang iba pang boarders. Lahat sila ay nagmamakaawa pa rin sa mga armadong lalaki na ibaba na ng mga ito ang dalang baril, ngunit hindi nila ito ginawa.
Rinig ko rin ang kanilang pag iyak at paghikbi. Kita ko kung paano sila magmakaawa, just to spare their own lives.
But, their men didnt listen.
"Ano, sagot!" napapikit ako dahil sa sigaw ni dad.
Ngayon ay labis na kaba at takot para sa kanila ang nadarama ko. Hindi ko kayang panoorin ang lahat nang ito. At hindi ko rin matanggap na nangyayari ang lahat ng ito dahil sa akin.
Dahil sa akin. Mas napaiyak na lang ako. Wala na akong magagawa. I have to follow them, again.
"Okay! Fine! I'll go with you, huwag mo lang silang saktan."
Pikit-mata kong sinabi iyon. At hindi ako tumigil sa pag-iyak. Pero, wala akong magagawa kundi ang sumama sa kanila, para hindi na madamay ang mga inosenteng katulad nila.
"Susunod ka rin pala." I heard he said. "Ibaba niyo na yan. Pabalikin niyo na ang mga yan sa mga bahay nila."
Muli akong hinawakan ni dad sa braso at dinala sa loob ng boarding house na tinitirahan ko. At nang makapasok ay binitiwan niya naman ako.
"Put that down." sabi niya sa mga tauhan, at nakinig naman ang mga ito. "Let's go--"
"Let me have some word with them, please. H-hindi na ako tatakas." hindi ako sure sa sinabi kong hindi ako tatakas.
"Siguraduhon mo lang na hindi ka na tatakas. Kung hindi, mamamatay sila." he said, at sinenyasan niya ang kanyang tauhan na lumabas ng boarding house.
Pati silang dalawa ni lolo ay lumabas.
At bigla na lamang nila akong niyakap nang kaming lima na lang ang maiwan sa loob. Rinig ko ang kanilang paghikbi at pag iyak kaya naluha rin ako.
"Ate..." rinig kong sambit ni Ellie.
"H-hindi ba nila kayo sinaktan? Okay lang ba kayo?" tanong ko sa kanila.
"Hindi naman nila kami sinaktan. Pero, sino ba sila? At tinawag mo pang 'dad' yung lalaki kanina?" napatingin na lang ako kay Pamela nang magsalita siya.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanila, at napayuko ako. "He's my...dad."
"Papa mo siya? Pero kung ganon, bakit parang galit siya sayo?" tanong naman ni Cess.
"May nangyari lang na hindi pagkakaintindihan." palusot ko.
Alam kong sa mga oras na ito ay may mga katanungan nang namumuo sa kanilang mga isipan. Pero, hindi na ako nagsalita. Hindi ko na rin sasabihin kung ano talaga ang nangyari. Dahil, baka madamay lang sila.
"Ganda..." napalingon kaming lahat nang marinig iyon. At nakita namin si Mader Della na pumasok dito sa loob at naglakad papalapit sa amin, saka ako niyakap.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya. Paulit ulit lang niya itong sinabi, at hindi na siya nagtanong pa. I just nod.
"Mader... May pakiusap lang ho sana ako sa inyo. Pwede po ba na wag niyo munang paupahan ang kwartong inukupa ko? Saka yung cellphone ko, kayo na po ang magtago no'n. Kayo na ho ang sumagot kapag tumawag si Steve."
"O-oo naman. Sige, ganda." sabi niya. Dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag.
Tumalikod na ako sa kanila at nagsimulang maglakad papalabas ng bahay nang bigla akong tawagin ni Mader. Kaya, napalingon ako.
"Sigurado ka bang sasama ka sa mga yon? Baka mapahamak ka." alam kong nag aalala siya.
May bahid ng pag aalala sa kanyang mukha habang sinasabi niya iyon. Kaya, kahit na naluluha ay nakuha ko pang ngumiti at umaktong parang hindi nasasaktan, kahit na nasasaktana na ako ng sobra.
"Sa simula pa lang, ako na ang kailangan nila. Sasama na ho ako, para hindi na kayo mapahamak pa." sabi ko, saka pinunasan ang luhang nasa pisngi ko.
"Salamat ho sa lahat, saka pasensya na ho dahil nadamay pa kayo sa gulong pinasok ko. Aalis na ho ako."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya, o ang sasabihin nila. Tuluyan na akong lumabas ng bahay at pilit na naglakad papunta sa kinaroroonan ng aking lolo at ama.
"Lets go." malamig na sinabi ni dad, at pilit akong sinakay ng mga tauhan niya sa kotse.
Habang ginagawa nila ito sa akin, wala na akong iba pang naiisip kundi si Steve.
If only he's here.