Kabanata 78

1K 23 9
                                    

⚠️Warning: r 18
Ellaine's POV

Now is the second day na makakasama ko si Steve. Sinuot ko pa rin ang hairpin na binigay niya sa akin. Nagustuhan ko kasi ang design kaya sinuot ko ulit.

Ngayon, nasa isang park lang kami. Kanina pa kami nakikipaglaro sa mga bata sa mini playground na naririto.

And there I noticed that Steve likes children. Marunong siyang makisama sa mga bata, at halata rin sa mga batang ito na gustong gusto nilang kalaro si Steve.

Now, he's with a six-year-old boy. Nakakandong ang bata kay Steve, at siya naman ay nakaupo sa dulo ng slide. Sinusuklay at inaayos niya ang buhok ng bata habang nagku-kwaentuhan sila. Nasa may bench lang ako malapit sa slide, at nakatingin sa kanila, at pinakikinggan ang pag uusap nilang medyo rinig ko mula sa aking kinauupuan.

Para silang mag ama. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Friends na tayo, ha..." then he raise his hand, "apir!"

Then the child looked at him. He raised hos hands, copying what Steve did. Napangiti ako lalo nang makitang nag-apir ang bata sa kanya.

"Friends na tayo," sabi nung bata at ngumiti.

"Carlo!" rinig kong pagtawag ng isang babaeng dumaan sa harapan ko.

Tingin ko, nasa mga fifties na ang babae. Naka blue na dress siya, at pumunta sa kinaroroonan nina Steve, at saka kinarga ang bata. Ngumiti ito kay Steve, and he smiled back to her.

"Naging makulit ba ang apo ko sayo?" Tanong nito.

"Nako, hindi po..." sabi niya. Tumayo siya at ginulo-gulo ang buhok ng bata.

"Kuya, alis na kami. Bye bye!" Kumaway ang bata sa kanya. At ganoon din ang kanyang ginawa.

Nang makaalis sila ay siya namang paglapit niya sa akin. Nginitian ko lang siya. He did the same thing. But, his smile faded. And it made me confused.

"May problema ba?" tanong ko.

"May naalala lang ako..."

Nang sinabi niya yon, para bang mas nadagdagan pa ang lungkot sa kanyang mga mata. Kaya, hindi ako nagdalawang isip na tanungin siya kung bakit.

"Pwede mo yang i share sa akin kung gusto mo," sabi ko.

And he smiled. But I still see the loneliness in his eyes. I tap his shoulders and smiled.

He sighed, "Naalala ko lang sa batang yon ang bata na gusto kong ampunin. Kaya lang, namaalam na siya sa mundo," at yumuko siya.

Dahil sa sinabi niya ay nanikip din ang dibdib ko. And I conclude that he really have a sodt hear when it comes to children.

"Sorry,"

"You dont need to say sorry..."

I smiled, "I'm sure that child is now happy in heaven. He's always here," at itinapat ko ang aking kamay sa dibdib niya... kung nasaan ang puso niya.

"You're right," he said, and smiled. There he smiled. At nakita ko na lamang na inilahad niya ang kanyang kamay.

"Let's go..." he said.

Hinawakan ko ang kamay niya at nagtanong, "Saan naman tayo pupunta?"

"Kain tayo ng ice cream..."

Napailing na lang ako at tumawa. Tumayo ako, at sabay kaming naglakad papalayo rito. Sakto namang may nadaanan kaming ice cream truck. And he ordered two chocolate ice creams. Pero, natawa na lang ako dahil hindi pa ako nangangalahati ay naubus na niya yung kanya.

One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon