kabanata 43

842 18 0
                                    

Ellaine's POV




Being with him makes me forget all the wounds that my family did on me. And that all healed for the past months of being together. But sometimes, kailangan niya ring humiwalay sa akin, gaya ngayon.

Steve got busier sa mga nakalipas na buwan. Beside on his work as an artist and a shareholder in their company, he has more important matters to do, and I understand it.

Ngayong mga panahon kasing ito, naging abala rin siya sa pagbisita at pagtulong sa kaibigan niyang si Ford.

At ngayon, wala siya rito sa boarding house. He's helping Ford and his wife on finding their daughters. Nabalitaan ko kasi sa kanya na after five days daw ng panganganak ni Lorice ay kinidnap ang mga anak nila. And as his friend, he helped in rescuing them.

That's why he's not here in the house. I just hope that they are all okay.

Now, I make myself busy in cleaning my room, and other parts of the house. After that, sandali akong pumasok sa kwarto ni Ellie para sana maki-print. And I saw the four of them there.

"Hindi naman namin yan ginagamit kaya okay lang ate Ellaine. Saka, maraming photo paper dyan na pwede mong gamitin. Teka nga, ano bang ipi-print mo?" tanong ni Ellie nang makaupo na ako sa silya.

And I smiled, "Yung mga pictures namin ng kuya Steve niyo nang magpunta kami sa Bohol."

"Sana all!" sabay sabay nilang sinabi, dahilan upang mapailing at tumawa ako.

Agad ko nang binuhay ang computer. And when it opened, I connected my phone to its system unit using my cord at nang ma-detect na nito ang cellphone ko, saka ko hinanap ang mga pictures namin.

And I started to put it and arranged it all in microsoft word.

Napalingon na lang ako nang mapansing may tao sa likod ko. At nakita ko silang apat na nakatingin sa computer. And I smiled because of that.

"Maganda pala talaga ang probinsyang iyon. Wow naman... Kaya pala ang tagal niyong nakabalik dito, nagbakasyon pala kayo." rinig kong sabi ni Izza.

"Sabi niya kasi na mag stay muna kami roon. Doon din kasi kinasal si Ford."

"Oo nga e. Nakita ko sa IG post ni Kiel dati. Ang ganda rin ng view lalo na nung nag sunset." sabi ni Pamela na sinang ayunan ko naman.

"Teka nga ate. Kayo ba ni Kuya, kailan niyo balak na magpakasal?" tanong ni Cess. Napangiti na lang ako at hindi na nagsalita pa.

"Hmmm, oo nga... Kailan ba ate Ellaine?" segunda ni Izza.

Steve and I were already married. Pero nako girls, If only I could tell you. Pero, hindi muna pwede sa ngayon. You'll find out soon.

"Uy, may dalang baby si Kiel o!" dahil doon ay napalingon ako at lihim na napatingin sa phone na hawak ni Pamela.

And I saw Kiel, na may dalang sanggol. Then I heard Cess reading its caption. It says 'Ninong na naman ako. Salamat Ford!'.

"Yan yung baby ni Ford saka nung wife niya. Ang cute naman..." rinig kong sabi ni Ellie.

Teka, is that the baby girl na kinidnap? If iyan nga, sobrang nakakaawa naman. I just hope na maligtas nila si baby girl at ang isa pang anak nila.

I sighed.

Ibinalik ko ang aking atensiyon sa computer. And when I finished arranging all of the pictures, I connected the printer and I printed it all. At naghintay ako ng ilang mga minuto bago matapos ang pagpi-print.

Nang matapos na ako sa ginagawa ay  kinuha ko ang mga na print kong pictures, ang dala kong cord at phone ko, saka in-off ang printer at ang computer. And I stand up.

"Salamat sa pagpapahiram sa akin ha."

"Always welcome ate." Ellie smiled.

After that, lumabas na ako sa kwarto niya at nagtungo sa sarili kong kwarto. Hinanap ko ang gunting, glue at ang maliit na notebook ko.

Umupo ako sa sahig at saka nagsimulang gupitin ang mga pictures. And I realized that I'm bad at crafts.

But, I hope he'll appriciate this.

Matapos gupitin ang lahat ng ito ay isa sia ko sikang idinikit sa notebook gamit ang glue. At habang abala ako sa paggawa nito ay siya lang ang iniisip ko, kaya siguro madali ko lang itong natapos. At noong natapos ko na ito, tiningnan ko ang aking finished product.

Simple. I sighed. It looks very simple. But even if this looks like this, it is all from my heart.

Sandali kong tiningnan ang mga litratong idinikit ko sa notebook na nadala ko. And I can see his smiles in every photo. Dahil doon, napangiti na lang ako.

Niligpit ko ang ginawa kong kalat at nahiga sa kama. I hugged my stuff toy, and look at our pictures again.

And then my smiles fade when I remember my family.

Hindi ko alam pero mga buwan na rin ang lumilipas at hindi pa rin nila ako ginugulo. I dont know why they didnt did any way to find me.

And I just remembered, they dont want to be showy lalo na sa ganitong mga sitwasyon. Dahil auaw nilang masira ang mga pangalan at ang apelyido nila, o kahit mabahiran man lang ng napakakaunting tsismis.

But I'm still worried, dahil hindi ko alam kung ano ang mga plano nila laban sa akin. Kaya kahit na tahimik na ako sa buhay ko ngayon kasama ang taong mahal ko, hindi pa rin ako dapat na makampante.

Dahil kahit anong oras, pwede silang kumilos, at pwede rin nila akong ipahanap. And worst, anytime they can hire someone just to kill me.

One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon