Ellaine's POV
Nang dahil sa kaiiyak ko, ramdam ko na naman ang pananakit ng mga mata ko. And until right now, I even feel my dad's slaps on my face last night, pero hindi naman na siya gaanong masakit. Nang igalaw ko naman ang braso ko, napakasakit pa rin nito.
Pero kahit masakit, pinilit kong bumangon. And siguro, mga alas nuwebe na ng imaga ngayon.
Hindi ko na naman magawang umiyak dahil talagang masakit na ang mga mata ko. Kaya sinayang ko na lang ang oras ko sa paggawa ng morning routine ko. Pero di gaya ng dati, napakatagal kong matapos. My face and arm hurts.
Nang matapos ay agad akong nagbihis at hinanap ko naman ang laptop ko. Pero, hindi ko makita kung nasaan iyon. And then I remember, he got my car key.
Kinuha niya rin siguro iyon.
Wala na akong nagawa kundi ang kunin na lang ang panda stuff toy ko at humiga sa kama. I hugged it and I remembered Hae Jun again.
At naalala ko ang nangyari kagabi. Steve just kissed me. He just kissed me! And it was like... Hae Jun's lips.
Hindi ako nagkakamali roon. Kasi, si Hae Jun lang naman ang nakahalik sa akin. He's all my first. Kaya imposibleng makalimutan ko iyon.
But, Steve and Hae Jun had different names. Isa pa, bukod sa pagiging isang koreano, pagiging magkaklase namin dati at pagbibigay ko sa kanya ng buo kong sarili, wala na akong ibang alam na bagay tungkol kay Hae Jun.
Pero, koreano rin si Steve. At kapag nakikita ko siya, naaalala ko si Hae Jun sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit ko ito naiisip pero... Iisa lang kaya sila?
Napabangon lang ako nang narinig kong may kumatok. Hindi ko alam kung sino. Bumalik na lamang ako sa paghiga at hindi ko na lang iyon pinansin.
Hanggang sa marinig ko ang boses ni dad.
"I know gising ka na, Ellaine." sabi niya, pero hindi ko siya pinakinggan. Nanatili akong nakahiga at nakayakap lang ako sa stuff toy ko.
"Eat this, and get rrady after that. The Daucers will come here later."
"Ayoko."
"You'll still do it, sa ayaw at sa gusto mo." he said, then I heard he shut the door. Napabuntong hininga na lamang ako.
Pilit akong bumangon, at nagtungo sa make up table saka tiningnan ang sarili ko sa salaming ngayon ay kaharap ko na.
Buti na lang at hindi na masyadong namula ang mukha ko.
Gusto kong puntahan si Steve. I want to confirm this from him, para namana hindi ako lumaki itong pag asang nadarama ko na siya si Hae Jun.
Maya maya pa ay nakaisip ako ng paraan. Since wala akong magagamit ni isang gadget rito, maybe I couod go outside and borrow our maid's phone.
Wala na akong magawa. Wala na akong kahit na anong pwedeng magamit dito. Kinuha ni dad lahat.
I started to cover my face with make up. Kahit ayaw ko, wala akong choice. Ayoko nang dagdagan pa ni dad tong ginawa niya sa mukha ko.
After that, I look for a dress na hindi sleeveless. I dont want them to see this bruise na nasa braso ko.
Matapos non ay natuon ang atensyon ko sa pagkaing nasa coffe table. Wala mang gana pero kailangan kong kumain. Hindi pwedeng basta na lamang akong magpadala sa ginagawa nila sa akin.
Huli na rin naman to. Dahil, tatakas ako.
Hindi ko inubos ang pagkain dahil hindi ko na kaya. I'm too full. I cleaned my mouth and after those, tinangka kong buksan ang pinto at hindi na siya naka lock, kaya lumabas na ako ng kwarto. Naglakad ako hanggang sa makarating sa may hagdan. And there I saw all of them, talking and even laughing together.