Kabanata 8

1.5K 21 0
                                    

Marie's POV


Nang magising ako ay agad na nilingon ko si Hae Jun. Sinubukan kong tumagilid ako ng higa ngunit hindi rin natuloy dahil sa sobrang sakit ng naramdaman ko sa pagitan ng mga hita ko. Kaya, hindi na muna ako gumalaw.

Ipinikit ko ang aking mga mata. Ramdam ko pa rin ang sakit ng gitna ko.

Nang medyo nakaraos na ako sa sakit na naramdaman ko, muli akong tumagilid para makita ko ang gwapong mukha ni Hae Jun.

Salamat ha. Kasi, pinagbigyan mo ako sa pabor na hinihingi ko sayo. Sana, hindi mo ako makalimutan, kahit na hindi pa tayo ganoon katagal na magkakilala.

Gusto kita, Hae Jun. Gusto na kita mula nang una kitang makita, hanggang ngayon. Matagal ko na nang gustong sabihin ang nararamdaman ko para sayo. Kaso, baka i reject mo naman ako.

Pero, mabuti na itong hindi mo alam... para kahit papaano, hindi na ako umasang magugustuhan mo rin ako.

At sana, hindi nga ako nagkamali sa desisyon kong ibigay ang sarili ko sa taong nagugustuhan ko. Sana.

Matapos kong maglinis ng katawan, magbihis, at mag ayos ng sarili, kaagad na akong umalis sa hotel na ito. Ganoon pa rin, doon pa rin ako nagpahatid sa school namin tapos saka ako magpapahatid papuntang bahay. Buti nga at mayroon pa akong nasakyan.

At habang pauwi ako, laging si Hae Jun lang ang laman ng isip ko. Iniwan ko kasi siyang natutulog doon, mag isa. Ewan ko kung tama ba ang ginawa ko.

Napabuntong hininga na lang ako.

At nang makauwi ako ng bahay, saktong alas tres na ng madaling araw.

Nang makapasok ako sa loob ng bahay ay dumiretso lang ako sa kwarto matapos mag lock ng pinto ng bahay namin.

Nang nai-lock ko na ang pinto ng kwarto ay agad akong napahiga sa kama at ipinikit ang aking mga mata. Paano kasi, hanggang ngayon ay masakit pa rin ang gitna ko.

Pero napabangon na lang ako nang makita si Emil na pumasok ng kwarto ko. Nagmamadali siyang lumaoit sa akin at nagulat na lang ako nang itulak niya ako, dahilan ng pagkakahiga ko sa kama at maramdamang muli ang sakit at hapding galing sa akin.

May dala siyang duplicate na susi ng kwarto ko...

"Ang tagal mong umuwi... Alam mo, muntik ko na ngang patayin ang nanay mo." bulong niya sa akin at agad na pinunterya ang leeg ko.

"Mama!!!-" bigla akong nanghina nang suntukin niya ang tiyan ko. Ramdam kong tinakpan niya ang bibig ko, at patuloy lang siya sa ginagawa niya.

Pilit akong nagpupumiglas pero hindi ko siya kaya. Masyado akong mahina kumpara sa kanya. Pero nagulat na lang ako nang makita ko si mama na nasa likuran niya, may dalang kutsilyo at nakatutok ito kay Emil.

"Isasaksak ko sayo to!" rinig kong sigaw ni mama. Kaya lumayo sa akin si Emil, umalis siya sa ibabaw ko.

Kahit nakatayo na ay tinututukan pa rin ni mama ng kutsilyo si Emil. Ako naman ay napatayo at napayakap sa likod ni mama.

"Mama, salamat ma..."  hindi ko na napigilan ang pag iyak ako.

Habang hawak ni mama ang kutsilyo, hinawakan niya ang kamay ko gamit ang isa pang kamay niya.

"Lanie--"

"Tahimik! Baka gusto mong mamatay ng maaga! Papatayin talaga kita Emil! Pinagkatiwalaan kita... Akala ko ligtas kami sayo pero gagalawin mo lang pala ang anak ko! Walang hiya ka!--"

"Maaaaa!!!!!!!"

Bigla na lang naglabas ng baril si Emil, at pinaputukan niya si mama ng dalawang beses.

Pero dahil nasa likod ako ni mama  hindi niya iniwasan ang mga balang dapat sana ay tatama sa akin.

"Ma..." bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

"O-okay lang ako, nak..." naiyak ako nang marinig iyon mula kay mama.

Ngayon ay nakatayo pa rin siya at iniinda ang sakit na dulot ng pagkakabaril sa kanya. Pero naglakad siya patungo kay Emil. Hawak pa rin niya ang kutsilyo at nang makalapit ay walang pagdadalawang isip niya itong pinag sasaksak.

Bumagsak na lamang ng walang buhay si Emil. At sunod na napahiga sa sahig si mama.

"Ma..."

Ngumiti lang siya, at pinunasan ang mga luha sa mata ko.

"Ma, sorry... natatakot kasi akong patayin ka niya--"

"Hindi na dapat ako nag asawa pa ulit, Marie. Hindi na sana to nangyari sayo-- ah..."

"Ma..."

Nakita ko siyang napahawak sa parteng may tama ng baril. "Nalaman ko nung isang araw... Na-nakita ko siyang tinatakot ka, at rinig na r-rinig ko siya habang pi-pinag babantaan k-ka..."

Lalo akong naluha at humagulgol dahil sa mga narinig ko.

"Sorry ma..."

Hinaplos niya ang mukha ko. "H-hindi, nak. Wala kang kasalanan..." then, her eyes closed.

"Ma... Ma... Ma, wag mo akong iwan ma... Ma!!!!"

Ma!!!

One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon