Steve's POVKinabukasan matapos ang agahan ay nagtungo na kami sa waiting shed malapit sa main road. Nang magkaroon ng signal ang phone ko ay nakapag-text na ako kay Ford.
Nakaupo lang si Ellaine sa shed. Ako naman ay nakatayo, maging sina Via at ang mga kaibigan niya. At, ilang segundo pa ang aming hinintay, at sa wakas ay nakita na namin ang van na susundo sa amin.
"Oy Stevee!" napalingon kaming lahat nang marinig iyon. And, it's Kiel. Naglakad siya papalapit sa amin, at nag 'hi' kina Shella. Napailing na lamang ako.
Napansin kong inakbayan niya si Zhuang.
"I'm Kiel," pagpapakilala niya rito.
"I'm Zhuang. Siya si Shella Mae," pinakilala niya si Shella, na nakasuot ng pink na jacket. "And, Via," at tinuro naman si Via, na naka-itim na t-shirt.
Pagkatapos no'n at tila ba may ibinulong siya kay Zhuang, at sa mga kaibigan niya. Hindi ko lang alam kung ano. Hindi ko na rin pinansin. Itinuon ko na lamang sa cellphone ko ang aking atensiyon.
"Oy, tanong ko lang... May nangyari ba kina Steve kagabi?" -Kiel.
"E hindi ko alam. Pero, nasa iisang kwarto lang sila kagabi." -Zhuang.
"Posibleng naa, Zhuang. Kay naa ra man sila sa usa ka kwarto gabii." -Shella.
"What did she say?"
"She said, posibleng meron. Kasi diba, nasa isang kwarto lang sila kagabi." -Zhuang.
"Bitaw, Zhuang. Pero, wa man sila gabanha gabii. Pero, basin. Bana'g asawa sila, diba?"- Via.
"Anong sabi niya?" -Kiel.
"Sabi niya, Oo nga. Pero, hindi naman sila maingay kagabi. Pero, baka nga. Mag-asawa sila diba?" -Zhuang.
"Tama... Mag-asawa sila. Saka alam niyo, the more it is quiet, the more possibility of hard work."-Kiel.
"Hala, si Kiel ay..." -Via.
"Nge," -Shella.
"Ewan ko sayo." -Zhuang.
Nang lingunin ko sila, panay lang tango at iling nilang apat, tumatawa pa. Kakakilala pa pang nila pero parang ang bilis naman yatang magkasundo ng mga 'to.
"Tara na! Diretso na tayo sa hotel. Naghihintay na si Dave sa atin doon!" napatingin na lang ako kay Ford, at napatango.
"Thank you so much for your help. We really appreciate it." nakangiting sabi ko nang tumingin ako kina Zhuang. "Babayaran ka namin--"
"Sus, wala yun. And, no need to pay. We like to help." she said.
I smiled. Not only beautiful places, good food, and talents are here. But also very hospitable and helpful people. Now, I can say that this province is a total package.
Tumalikod na ako at nagtungo kay Ellaine. Pero si Kiel, parang may binubulong na naman kina Zhuang. Ewan ko kung ano, at hindi ko na inalam pa.
"Balik muna tayo sa resort. Magbibihis lang kami, tapos punta na tayo kay Dave." sabi ko nang magkaharap kami ni Ford.
Tumango siya, "No prob."
Nadako ang mga mata ko kay Ellaine, "Let's go," napatango na lamang siya at tumayo mula sa kinauupuan.
Sabay kaming naglakad, at nauna siyang sumakay sa van. Tumabi ako sa kanya, at si Ford naman ay nagtungo na sa driver's seat saka binuhay ang makina ng sasakyan.