Kabanata 79

750 20 1
                                    

Cassy's POV

Nakaramdam ako ng halik sa aking pisngi nang magising ako. At, napangiti na lang ako nang makita ang gwapong mukha ni Crane.

"Good morning," nakangiti niyang sabi.

I also smiled, at tinitigan ko lang ang mukha niya. And, he's doing the same thing.

It's been days since we got into this island. And, we just do nothing than enjoy, make love, and be togethet every minute.

Matapos kong makipag-usap kay Steve ay nagdesisyon akong sumama sa kanya sa lugar na 'to. At mula no'n, wala na kaming communication ng pamilya ko.

Pero, ayos lang... dahil kasama ko naman si Crane, at hindi ako nagsisi sa desisyon kong pagsama sa kanya.

And now, both of us were naked and just lying here in the bed.

"Hindi mo pa rin sinasagot ang lahat ng mga texts at tawag ng pamilya mo," rinig kong sabi niya.

I shook my head, "Ayoko silang kausapin."

"Yan na lang ang lagi mong sinasabi sa tuwing pag-uusapan natin sila," he said, then he kissed my forehead.

Hindi na ako sumagot.

"Cass, I have something to tell you..."

"Ano naman?"

Hindi siya nagsalita. Sabi niya may sasabihin siya. Pero, nagtaka ako kung bakit hindi siya nagsalita nang tanungin ko kung ano ang sasabihin niya.

He just hugged me, and kissed my head for a couple of times.

"Ano bang sasabihin mo sa akin, Crane?" Tanong ko.

Bumangon siya, saka niya ako kinumutan. Nakita kong may kinuha siya sa drawer, at muling tumabi sa akin. Hindi ko alam kung ano yung kinuha niya kaya ilang beses akong nagtanong pero hindi pa rin niya ako sinagot. Kaya, nagtaka na ako.

"Crane, ano bang sasabihin mo?" Nalakaramdam na ako ng pagtatampo dahil tanging ngiti lang ang sinusukli niya sa tanong ko.

"Magagalit na ako sayo--" tumayo na ako at akmang magbihis nang bigla niya na lang ipakita ang hawak niya. Kinabahan ako dahil dito.

Napatingin ako sa kanya, "Crane..."

Napaupo ako sa gilid ng kama, at ramdam ko ang pagtulo ng luha ko. Siya naman ay tumayo at naglakad papunta malapit sa kinauupuan ko. Lumuhod siya at hinawakan ang aking kamay.

Hindi ako agad na nakapagsalita dahil inunahan na ako ng mga luha ko. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa saya na nadarama ko sa mga oras na ito.

Nakaluhod pa rin siya, at nagsimula siyang magsalita.

"Kilala mo ako. Ako yung tipong magsasawa agad sa isang tao. Pero, nung dumating ka, nawala ang masamang ugali kong 'yon, Cass. Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito, na kahit siyam na taon ka nilang inilayo sa'kin, nandito pa rin ako at matiyagang naghintay sa pagbabalik mo," sabi niya.

Papaiyakin niya talaga ako ngayon.

"Araw-araw akong nagmamasid sa labas ng mansyon niyo, at gabi-gabing nagpupunta ng patago para lang hintayin ka. Ilang taon akong nagtiis at naghintay nang walang kahit na sinong babae sa tabi ko, kasi alam kong para sayo lang 'to," at ilapat ang kamay kong hawak niya sa kanyang dibdib, kung nasaan ang puso niya.

"At ngayong nagbalik na sa tabi ko, hindi ko na hahayaang mawala ka." He added.

"This is what I want to tell you, Cassy. Never leave me. Let's tie each other forever. Cassana, marry me..." he said.

One More Night Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon